Chapter 1

114K 1.1K 29
                                    

Hi! I unpublished most of the chapters of The Secret Wife here in WP. Pwede nyo pa din po sya basahin sa Dreame accnt ko. Just search for my username Rosalynduuh. Pa-follow and pa-like na din po. Thank you so much!

----------

Mag-isa akong naglalakad sa medyo madilim na kalsada pauwi sa bahay. Iyong mga poste ng ilaw sa gilid ng daan ay sapat lang para makita mo ang dinadaanan mo; iilan lang kasi ang mga nakasindi, mukhang pundido kasi 'yong iba. Wala na din masyadong mga dumadaan na sasakyan dahil oras na. Mag-a-alas onse na kasi ng gabi.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang may marinig akong yabag sa may likuran ko. Alam ko naman kasi ang kalaskas ng sapatos na suot ko. Tsaka, alam ko din ang hakbang na ginagawa ko. Hindi ako lumingon dahil natatakot na din ako. Baka mamaya, holdaper pala 'to. Binilisan ko na lang ang paglakad ko sabay pinakiramdaman ang mga yabag na sumusunod sa paghakbang ko. Shit! Paano pala kung holdaper nga 'to? Wala naman akong ibibigay sa kanya. Baka mamaya, patayin ako! Jusko.

Gustong-gusto kong lumingon pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka kasi sa pagharap ko, kutsilyo na pala ang kaharap ko. Ayoko pa naman mamatay, eh. Jeez!

Mas lalo kong binilisan ang paglakad ko at nang makarating ako sa tapat ng isang poste na walang ilaw, at sa bandang kanan ko naman ay isang eskinita ay mas lalo akong nakaramdam ng patong-patong na kaba dahil mukhang hindi na lang isa ang tao na nasa likuran ko. Tinapangan ko ang sarili ko na lingunin sila -- para hindi naman unfair kung sakaling mamatay ako ay makikita ko ang histura ng mga taong kikitil sa buhay ko. Oh, my wild thoughts!

Ngunit nang paglingon ko, may isang kulay puting pusa na mabilis na tumatakbo palabas mula sa eskinita.

"Walang hiya kang pusa ka!" Kinakabahang bulong ko habang hawak-hawak ang dibdib ko. Jusko! Halos mahimatay na ako sa takot, pusa lang pala! Thank you, Lord!

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa gate ng village kung nasaan ang bahay namin. Nakita ko 'yung guard ng village na nakaupo sa isang monoblock sa loob ng guard-house at parang may kasuap siya sa telepono. Napatayo siya ng makita niya akong tumatakbo.

lumabas siya mula sa loob at tinanong niya ako, "Okay ka lang ba, hija? May humahabol ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya. umiling lang ako habang nakatungkod ang mga kamay ko sa tuhod ko. "Bakit ba ginabi ka?" tanong pa niya.

"Kuya manong, may tubig po ba kayo?" hindi ko pinansin ang tanong niya. Uhaw na uhaw ako e! tumango naman siya at pumasok sa loob. Paglabas niya ay iniabot 'yung isang bottled water sakin at iniinom ko 'yun ng tuloy-tuloy. "Salamat po." Sabi ko ng mapawi ko na ang uhaw ko.

"Walang anuman, ikaw ba si Sarah Mendoza? 'yung anak ng kasambahay ni Mr. Austin?" Tss.

"Bakit po?" tanong ko.

"Kanina pa tumatawag dito 'yung amo niyo, mukha ngang galit e. kakatapos lang ngang tumawag bago ka dumating." Lagot na. hindi ako kumibo sa sinabi niya. nakaramdam na naman ako ng kaba. Hindi pa nga ako maka-get over sa kaba ko kanina, heto na naman.

"E bakit ka nga ba tumatakbo, hija?" tanong pa ni manong. Dami naman tanong! Ayoko sa mga taong lagi nalang nagtatanong e.

"Para po kaagad akong maka-uwi." Pagsisinungaling ko. sasabihin ko ba na may 'parang may sumusunod kasi sakin, pero pusa lang pala'? baka pagtawanan ako ni kuya manong.

"Delikado sa kalsadang 'yan, hija. Sa susunod na gabihin ka, magpasundo ka." Paalala niya. tumango naman ako. oo nga, delikado talaga sa kalsadang 'yun! May mga taong nag-aabang daw doon e. "Sige na at umuwi ka na. baka lalong magalit sa'yo 'yung amo niyo. Pati nanay mo, madamay pa." tumango ako at nagpaalam ako kay kuya manong at umalis na. kung alam mo lang kuya!

The Secret Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon