Chapter 15 Eves drop

2.6K 147 4
                                    

Alister

Masakit ang ulong ng idilat ang aking mga mata. Hang over mula sa nangyaring inuman kagabi. Ang sakit ng lalamunan at sikumura ko kaya pandalian muna akong nakahiga pa at sinusuma ang nangyari noong inuman.

Kasama ko nga pala si Lukas at sinundo kami ni Kuya Eman.

Nilingon ko ang kalapit na kama at nakita ko si kuya katabi si Lukas. Dito pala niya pinatulog ang best friend namin.

Nakakatuwa namang muli silang nagkatabi.

Parang kailan lang noong nga bata pa kami ay sila na talaga ang magkasama sa kama kung matulog. Kahit ilang beses ng nalalaglag sa kama si Gwapito sa kalikutan ni kuya ay dun pa rin siya sumisiksik.

Alam ko naman na kahit hindi na gaanong namamansin si kuya sa amin ay may puwang pa rin si Lukas bilang kapatid sa puso niya.

Ha ha ha! Para silang magsyota kung matulog. Ang sarap nilang kunan ng picture!

Nakayakap si kuya kay Lukas at halos magdikit na ang kanilang mga labi. Maging si Lukas ay feel na feel ang pagkakadantay sa maselang bahagi ni kuya.
Para silang nag honeymoon sa ayos nila at pareho pa silang walang pang itaas.

Kunan ko kaya sila picture ng pagkakitaan ko naman ang pagkakataon.

Agad kong kinapa ang cellphone ko sa aking ulunan at dahandahang tumayo sa gilid ng kama ni kuya.

Binuhay ko ang video camera upang kunan sila. Nangingiti ako ng makita ko sila sa creen ng cellphone ko.

Inuna ko ang kanilang mga paa na magkadantay pataas sa kanilang mga hita na natatakpan ng kumot.
Umandar ang shooting sa kanilang hubad na itaas na katawan at dahandahan sa kanilang mga nakadikit na mukha.

Gigisingin ko na lang sana sila para makita ang kanilang reaksyon para mas kwela ang eksena ng gumalaw si kuya at Lukas.

Ako ang nabigla sa kanilang ginawa!!!

Nakita ko kung paano tumulis ang kaniyang nguso . kahit nakapikit ay naabot niya ang labi ni Lukas. Alam kong gising si Lukas dahil parang magnet ang labi niyang dumikit kay kuya.

Tatlo!

Tatlong beses na nagdikit ang kanilang mga labi!!!

"Kuya?"

Ang nasabi ko sa aking nakita...

Bigla silang dumilat, nagkatitigan at sabay na lumingon sa akin sa gilid ng kanilang kama.

Lalo akong nagulat na pareho silang walang saplot sa ibaba ng mahila ng mga paa nila ang kumot.
Kitang kita ko ang maputi nilang kahubaran at ang nagtatayuan nilang mga alaga!!!

"Ku-ku-ku...ya....ahh...ahh."

Agad nila akong hinila sa gitna nila. hinawakan nila ang aking mga kamay at tinakpan ni kuya ang aking bibig. Di ko sila kaya dahil masakit pa ang ulo ko. Takot ang mga mata kong tumingin sa kanila.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
Palaginip lang ba ito?
Gusto kong sumigaw at makawala sa kanilang pagkakahawak sa akin subalit sadyang malakas sila.
Gusto ko ng gumising!
Papa help!!!!

Nanlaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwalang nakita ko kung paano halikan ni kuya si Lukas.

At si Lukas nakita ko kung paano siya nagpaubaya na halikan siya ni kuya!

Nalilito ako at pareho pa silang walang saplot na magkatabi.

"Ginahasa ni kuya si Lukas!!!
O my God!!!
Baka ako naman ang isunod niya!!!"

"Ayaw ko!Ayaw ko!!!'"

Ang gusto kong sabihin subalit takip ni kuya ang bibig ko.

"Shhhhh!!!!Wag kang maingay!!!"

Ang pigil sa akin ni kuya.

"Wag kang sisigaw...wag kang tatakbo...papaliwanag namin sa yo ang lahat...kalma ka lang."

Paliwanag ni kuya.

Tiningnan ko sila isa-isa sa kanilang mga mata at alam nila na malapit na akong maiyak sa takot na baka isalvage nila ako.

Kinalma ko ang aking sarili at unti-unting lumuwag ang kanilang pagkakakapit sa aking mga kamay.

Naupo ako at pinakinggan ang kanilang mga paliwanag .

'O MY GHAD!"

Hindi ako makapaniwala na sila na ni Lukas!

As in mag boyfriend na sila!!

Ngayon ko napagtanto kung bakit parang inahing baka kung makaiyak si Lukas kagabi tungkol kay kuya.

Alam ko na ang dahilan kung bakit lumayo sa samahan namin si Kuya.

Mga sira ulo at di na nakuhang magbihis habang kinukwento ang issue nila sa akin!

Matapos noon ay sabay sabay kaming bumaba matapos nilang magpalit ng damit.

Sila ngayon ang mukhang kambal dahil suot ni Lukas ang tshirt ko na pareho kay kuya.
Magkatabi silang kumakain.
Walang kaalam alam ang kasambahay namin na may love team sa harap ko.

Wala na rin sina Papa at Daddy dahil pumasok na sila sa trabaho.

Naiiling na lang ako sa maaring ipagbago ng takbo sa aming tatlo.
Si Itlog at Gwapito ay inlove at ako ngayon ang unang nakaalam nito.

Wala pa ang main event.
Ano kaya ang reaction ni Papa at Daddy pagnalaman na nila?

Si Uncle Sid?!
Paano kung di siya pumayag?
Ang kaisa-isang anak niya ay isang...isang...

Malaking gulo ito pagnagkataon!

Iba ang istorya nina Daddy at Papa sa love story ng mga ito.

"Hoy!"

Ang saway ko sa kanila dahil nagiging obvious na sila sa kanilang kasweetan.

Parang tanga si kuya kung subuan pa si Lukas ng sinangag!
Maryosep at ang lagkit ng kanilang mga tinginan!
Nakakailang tuloy silang panoorin.

Noon akala mo may ketong kami kung paano niya di pansinin si Lukas, ngayon baligtad na.

Mukhang may nangyari na sa kanila kagabi kaya ganito kung mag-aasta ang mga to.

"Oh my ghad!"

Meron na nga!
Lalo na kong nailang dahil isipin ko pa lang kung sino ang top at sino ang bottom ay ayaw ko ng malaman!

Parang nakikita ko sina Daddy at Papa sa kanila kung paano sila maglambingan.

Ay naku!

Im straight, pero parang natutuwa din ako na bukod sa aming mga magulang ay ganun din sina kuya at Lukas sa kanilang gustong pag-ibig.

Kung ano man ang kahinatnan sa araw na magsabi sila ay nasa tabi lang ako para suportahan ang dalawa.

Walang higit na makakaunawa kay kuya at Lukas kundi ang aking pamilya.

Walang nabago sa pagtingin ko sa kanila bagkus natutuwa ako dahil tinangap na ni Itlog ang kaniyang pagkatao.

At si Lukas, masaya ako dahil napunta siya kay kuya. Alam ko na hindi siya pababayaan nito.

Ang swerte nila sa isat isa dahil kilala ko silang dalawa kung paano magpahalaga.

Hay nakakaingit naman!

*****

Mamayang hapon na po yung kasunod na chapter at busy po ng konti. promise mamayang hapon ko na ipapublish! salamat po sa comments at likers ng story!!!








SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon