Chapter 13 Road Trip

2.8K 137 14
                                    

Emanuel

Tahimik akong nakikinig sa mga sinasabi ni Lukas habang nadadadrive papunta ng sa park ng village.

Huminto muna kami at nais niyang sumuka sa labas ng kotse.
Dalidali ko siyang tinulungan upang mahimasmasan.
Mabuti at may baon akong tubig na kaniyang ininom at pinangmumog.
Muli ko siyang isinakay sa back seat upang mahiga.

Ang bigat ng kalooban ko na malaman ko ang ibig niyang sabihin ng dalawa na lang kaming magkasama.

"Hindi mo ako mahal kuya!!!"

Ang madalas niyang sabihin.

Dalawa lang naman ang sinasabi ng isang lasing tao. Isang totoo at isang imbento. Sa mga oras na ito, isa lang ang pinaniniwalaan ko.

Mahal ako ni Lukas.

"Mahal na mahal din kita Lukas."

Gusto kong sabihin subalit baka magwala pa siya kung sa ganitong pagkakataon ay malakas ang loob niyang ibulalas ang nararamdaman niya.

Naiiyak ako dahil hindi ko alam kung anong pagmamahal ba ang kailangan kong ibigay sa kanya.

Inilayo ko ang aking sarili at hindi ko siya iniwan. Minahal ko siya sa malayo upang maging malaya sa gusto niya.

"Mahal na mahal kita! hu hu hu!"

"Si kuya Alister lang kasama ko!"

"Pero ikaw, iniwan mo ako!"

"Kuyaaa!

" Please! "

"Wag mo naman ako iwan!!!"

"Mahal na mahal kitah!"

Remember ng halikan mo ako?!"

"Ikaw ang first kiss ko!"

"Ikaw ang first love ko!"

"Tapos walah na...hu hu hu!"

" Ha ha ha! How can you love me? Ang kulit ko kayah ka lagi naiinis sa akin!"

"Kuya please!!!"

Nanginginig na ako sa mga naririnig ko sa kaniya.
Dinala ko ang sasakyan sa isang madilim na sulok ng daan kung saan bakante pa ang mga lote.

Tahimik at madilim dito at madalang ang mga guwardiyang nagroronda pag gabi.

Pinakikinggan ko lang siya sa kaniyang mga sinasabi.

Ilang minuto rin siyang paulit ulit na naglalabas ng sama ng loob. at ilang beses na ring tumulo ang aking mga luha sa sakit ng katotohang pinabayaan ko siya.

Mag-isa niyang minahal ako. Nagtiis din siya sa kaniyang nararamdaman gaya ko...

Mahal ako ni Lukas gaya ng pagtingin ko sa kaniya...

Pareho kaming nagtiis...

Naawa ako sa kaniya...

Wala ako sa tabi niya ng nakadama siya ng takot sa kaniyang nararamdaman.

Kung ano mang naramdaman kong pagkalito noon sa aking pagkatao ay maari rin niyang pinagdaanan...

Lumipat ako sa kaniyang pwesto at iniupo siya.
Tumutulo ang aking mga luha na niyakap siya.
Pinusan ang kaniyang mga luha at hinalikan sa pisngi.

"Im sorry Lukas...Hindi ko sinasadya na saktan ka...Im so sorry."

Ang iyak ko ng pagsisisi dahil ang tagal kong tinikis siya.

SILA NAMAN PARE KO! (EMANUEL STORY) (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon