Chapter 21 Issue?

223 2 0
                                    

"Sir! Ano ba! Let me go!" sabi ni Gee sabay tinuhod si Tristan sa… baba.

"Aaaaaargh!" sabi ni Tristan. Nabitawan nya namain si Gee.

Agad na kinuha ni Gee ang cellphone nya at tinawagan si Mike.

"Mikee! Mikee!" sabi ni Gee nung sinagot si Mike yung telepono.

"George, what? What happened?!" natatarantang sgot naman ni Mike.

"Dito ka na lang tumira, samahan mo ako, sige na please?" pakiusap ni Gee.

"George, hindi pwede. Nandito si… ano," mahinang sabi ni Mike.

"Mikee, sige na naman oh! Rereypin ako ni Sir!" pasigaw na sabi ni Gee.

"Oy, anong rereypin? Di kita type noh," sabat ni Tristan. Namimilipit pa rin siya sa sakit.

Natigilan naman si Gee, parang binuhusan siya ng malamig na tubig, ng pangalawang beses.

"Okay, just drop by here pag nakaalis na siya," sabi ni Gee kay Mike. Pinutol nya na din yung tawag at umakyat sa kwarto na parang walang nangyari.

Nilock nya agad yung kwarto, para hindi makapasok si Tristan. Maya maya, naramdaman nya na lang na basa yung pisngi nya. Umiiyak na pala siya.

"Ano 'to? Saan 'to galing?" sabi nya sa sarili habang pinupunasan yung mga luha sa pisngi. Hindi nya maintindihan kung bakit nasasaktan pa siya, e alam nya naman na wala talagang ibig sabihin yung mga pinapakita ni Tristan.

"Ganun lang talaga siya, masyadong concerned. That does not mean anything, I know," kinukumbinsi nya ang sarili.

Biglang may kumatok. *Tok tok tok. Tok tok tok.*

"Yana, I'm sorry. I didn't mean to scare you earlier, sorry," sabi ni Tristan sa labas ng pinto.

Hindi naman pinansin ni Gee yun. Kumatok ulit si Tristan.

"Yana, kausapin mo naman ako, oh," sabi nya.

Lumapit si Gee sa pinto, pero hindi nya ito binuksan.

"Sir, pwede na po kayong umuwi. Kaya ko na po mag-isa," sabi ni Gee.

"Yana, please naman, open the door. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap," sabi ni Tristan.

"Kinakausap naman kita,Sir, ah," pamimilosopo ni Gee.

"I want to talk to you, face to face. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo 'to binubuksan," pamimilit pa rin ni Tristan.

"Bahala ka. Pero kung maisipan mo na umuwi, just lock the front door when you leave," sabi ni Gee at nahiga na. Nakatulog na siya.

Kinabukasan, maagang nagising si Gee. Naligo agad siya. Hindi muna siya nagbihis ng uniform kasi magluluto pa siya ng breakfast nya.

Paglabas nya sa pinto, naalala nya yung nangyari kagabi. Wala si Tristan sa may pinto.

"Ah, baka umuwi na siya," sabi ni Gee sa sarili. Habang pababa siya sa hagdan, may naamoy siya. Amoy pancakes.

"Hmmmm. Ang bango. 'Ya, what's for breakfast?" sabi nya, nang maalala nya, wala ang Yaya Alice nya ngayon dun.

"Oh my gooooosh!" sigaw nya habang tumtakbo pababa sa hagdan.

"What happened?!" tarantang salubong naman sa kanya ni Tristan.

Nagulat si Gee.

"S-sir, bakit nandito ka pa?" tanong nya.

"Uh, I called Tita Isabel and Tito Benj last night. I asked them if a can stay with you, pumayag naman sila," sabi ni Tristan.

"W-what?! Y-you called my parents?! Bakit?" galit na tanong nya. Ngumiti lang si Tristan.

"Breakfast's ready. Let's eat para hindi tayo ma-late. Monday pa naman ngayon," sabi ni Tristan at dumirestso na siya sa dining area.

Walang nagawa si Gee, sumunod na lang siya sa sa dining area. Pagtapos nilang kumain, hinugasan nya na ang mga pinagkainan nila at nagbihis na siya.

Sabay silang pumasok ni Tristan.

Pagdating nila sa school, ayan na naman ang mga chismosa. Habang nasa flag ceremony, narinig ni Gee yung usapan nung dalawang co-teachers nya.

"Siguro inaakit nya si Sir Tristan," sabi ng co-teacher nya na si Marian Meneses. Siya din yung co-teacher na epal, yung inggit kay Gee.

"Naku, baka nga. Parang ginagawa pa nga nyang driver si Sir Tristan,e," sabi nung isa pa, si Tina Villa naman.

Tingnan na lang sila ni Gee. Inirapan naman siya nung dalawa.

Tinatarayan nila parati si Gee kasi type nila sina Gab at Nate, pero pagnasa school yung dalawa, hindi sila pinapansin.

Nasa pre-school palang sina  Marian at Tina, patay na patay na sila kina Gab at Nate. Yes, schoolmates/ classmates sila nung pre-school.

Pagkatapos ng flag ceremony, dumiretso na si Gee sa klase nya.

Si Tristan naman ay dumirestso na sa opisina nya.

Paglabas ni Gee sa classroom, nagulat siya nang datnan si Tristan dun.

"Hi, Sir. Pupunta na po ako sa opisina," sabi ni Gee tapos tumalikod na ito. Bigla naman siyang pinigilan ni Tristan sa paglakad, hinila nito ang kamay nya.

Bigla naman nagreact yung mga estudyante nya, "Yihie! Ang sweet naman nyan."

"Kuya Tristan, you can do it after office hours, you know. Not in front of minors," sabi nung isang estudyante ni Gee.

"K-kuya?" nagtatakang tanong ni Gee.

"Marga, go back to your class. Isusumbong kita kay tita," pagbabanta ni Tristan. Pumasok naman na si Marga.

"K-kapatid mo siya?" taonng ni Gee.

"Nope, she's my cousin," sabi ni Tristan, "Get in the car."

"W-what? W-why?" tanong ni Gee.

"Basta, may pupuntahan tayo. Pasok na," sabi ni Tristan.

Tinignan lang siya ni Gee.

"Maglalakad ka ba papasok sa kotse o kailangan pa kitang buhatin?" sabi ni Tristan.

Agad naman na tumakbo si Gee papunta sa kotse.

Nung nasa daan na sila, nagsalita na si Gee.

"S-sir, where are we going?" tanong ni Gee.

"Sa mall," maikling sagot ni Tristan.

"W-why?" tanong ulit ni Gee.

"Ang dami mong tanong. Mamaya ka na magtanong," sabi ni Tristan.

"Okay, I'll zip my lip na," sabi ni Gee, sabay arteng zinipper yung labi.

Pagdating sa mall, agad silang pumasok sa isang kilalang tindahan.

"Good morning, Sir. How may I help you?" sabi nung sales lady.

"Could you find her the perfect dress for an evening gathering?" sabi ni Tristan.

"Yes, Sir. Dito po tayo, Ma--, Miss Gia," sabi nung saleslady.

Nginitian naman siya ni Gee, sabay baling kay Tristan, "Sir, para saan 'to?"

"Miss, just a minute," sabi ni Tristan at hinila palabas nung tindahan si Gee.

"Okay, we'll be having a family reunion two weeks from now," sabi ni Tristan.

"So? Ano naman kinalaman ko dun?" sabi naman ni Gee.

"I want you to be my date, okay?" sabi ni Tristan at bumalik na sila sa loob. Hindi na nakapagreact si Gee sa bilis ng mga pangyayari.

***************************************

When goodbye's too hard to say...Where stories live. Discover now