“Ang sweet naman niya.” Muli ay anang babae na rinig ni Alexandra. Kaya natatawa siya ng lihim sa mga ito.

Ng bumukas ang elevetor ay magkasabay na lumabas ang magkapatid matapus lumabas ng dalawang babaeng nakasabay nila. Nakapulupot sa baywang ni Alexandra ang kamay ni Ale habang naglalakad sila. At dahil mukhang lalaki si Ale ay kaya hindi sila mapagkakamalang magkapatid ni Alexandra.

“He’s there.” Ani Alexandra ng matanaw niya si Mr. Katigbak. “Let’s go. Let’s finish the business. Gusto kung maghanap ng chicks pero desturbo ka kasi.” Pabiro nitong aniya kay Alexandra na biglang sumimangot.

“Ehmmm. You are Mr. Katigbak right?” Kunwari ay hindi sure dito si Ale. “Yes! Have a sit.” Anang ginoo sa magkapatid. Agad naman itong pinaunlakan ni Ale at Alexandra.

“Thank you po.” Nakangiting ani Alexandra sa ginoo. “Sino po ang kasama niyo dito?” Curious nitong tanong kay Mr. Katigbak.

“My wife.” Deritsahan nitong sagot.

“I see.” Ani Alexandra. “Uhmm. Pwede ka ba namin makausap it’s all about business matter.” Saad pa dito ni Alexandra.

“Sure. Ano yun?” Mabilis namang anang ginoo. “About your daughter Mr. Katigbak.” Sagot naman ni Ale.

“Anong tungkol sa anak ko?” Naguguluhang tanong ng ginoo. “Will, ang anak mo ay may binabalak para sirain ang relasyon ng kapatid namin at ang girlfriend niya. At yun ang hindi namin hahayaang mangyari. Pero kung hindi kayo gagawa ng paraan para putulin ang sungay ng anak niyo ay alam naman ninyo kung saan kayo pupuluting mag-ama.” Ani Ale.

“What are you talking about?” Naguguluhan nitong tanong kay Ale.

“Will, we know Layla’s biological mother. Alam namin ang sekreto mong tinatago ng matagal na panahon sa asawa mo. At alam ko na kapag nalaman ng asawa mong anak mong totoo si Layla sa secretary mo ay iisipin muna lang kung ano ang mangyayari.” Anitong kinabigla ng ginoo. Para itong tinakasan ng dugo sa narinig.

“A-ano ang gusto niyong gawin ko. Wag niyo lang iparating ito sa asawa ko?” Tarantang anang ginoo. Natawa naman si Ale sa naging reaction ng ginoo. “It’s easy to catch the small fish.” Anito sa isip.

“Simple lang naman Mr. Katigbak ang gusto naming mangyari. Ang ilayo mo ang anak mo or balaan ito sa binabalak niya bago siya lumubog sa kumunoy na ginawa naming bitag. At kung ayaw niyang makinig or once na gumawa siya ng maling hakbang ay ikaw ang ililibing niya ng buhay. Alam mong isang pitik ko lang ay malalaman ng asawa mo ang lahat.” Seryosong ani Ale. Mga ilang segundo din nawalan ng imik ang ginoo.

“Anong pinag-uusapan niyo?” Boses ng asawa ni Mr. Katigbak.

“H-huh! A-ano.....” Tila wala naman itong maapuhap na sasabihin.

“Oh! Hello po. I’m Alexandra and she is my sister Ale Reymundo Javier.” Pakilala dito ni Alexandra. “Anak po kami ni Xander at Kate.” Dagdag nito.

“Oh! Kayo yung tripletes nila.” Nakangiti nitong aniya sabay upo. “So, anong pinag-uusapan niyo dito at tila ang seryoso?” Anito.

“Meron lang po kaming kinwento kay Mr. Katigbak. Hindi po namin alam na matatakutin siya.” Ang natatawang ani Alexandra. Maging ang ginang ay nakitawa rin sa mga ito. Si Mr. Katigbak naman ay napangiti ng mapait. Dahil daig pa niya ang naipit sa nag-uumpugang malalaking bato.

“By the way, sino ang kasama niyo?” Pag-iiba ng ginang. “Ang kapatid po namin at girlfriend niya kasama ang mga empleado niya.” Sagot nito sa ginang.

Si Ale naman ay tahimik lang itong nakikinig. Pinapakiramdaman lang niya si Mr. Katigbak.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam sa mag-asawang ang magkapatid. Si Alexandra ay agad na nakihalubilo sa mga empleado ni X na nagkakatuwaan. Si Ale naman ay naglakad-lakad siya ng may bigla siyang mabanggang umiiyak na babae.

You Belong With Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon