7. Flirt night

Comincia dall'inizio
                                        

"Bitin ba?" Panunukso ni Simon kay Luther. Lalong nag init ang pisngi ko at nakaramdam ng matinding pag kailang.

"Tangina mo!" Natatawang salita ni Luther kaya natawa si Simon.

"Get in.." salita ni Simon kay Maggie na pumasok na sa likod ng sasakyan ni Luther. Sumunod na si Simon sa kanya. " Simon tabi tayo?" Salita ko. Susunod na sana ako ng biglang hilahin ni Luther ang damit ko at isara ni Simon amg pinto! Bwiset talaga!

"Bakit nanaman ba?" Singhal ko kay Luther.

"I'm not your driver.." tumalikod siya left my mouth hanged open. Bakit ang sungit niya bigla?

"Get in, Sasha.." ramdam ko ang iritasyon sa boses niya na pinagwalang bahala ko nalang.

Bumungad sa amin ang makukulay na Christmas lights sa daan. Ber months na kasi ngaun kaya madaming Christmas lights.

"Kyaaa! May SM.." tuwang tuwang salita ko. Hindi ako makapaniwala na may SM dito.

"Shut the fuck up, Sasha.." salita ni Luther kaya tumahimik ako. Bakit ba ang init ng ulo niya? Ngumuso nalang ako at umayos ng upo hanggang makarating sa bayan.

Bumungad sa akin ang isang malaking tower clock na nagiiba iba ng kulay. Pinarada ni Luther ang sasakyan niya sa Mcdo na kaharap ay isang malaking simbahan. Katabi nito ang seven eleven na may katabing tinda na kung ano ano.

"Where are we going?" Salita ni Simon.

Pinamulsa ni Luther ang dalawang kamay niya sa bulsa niya at nagkibit balikat. "You'll see." Wala kaming nagawa. Sumunod kami kay Luther na dumiretso sa tapat ng tower clock kung saan madaming nagtitinda ng street food.

"Are you fucking kidding me, Luther Jameson? You think i'll let Maggie eat that?" Bungad ni Simon na halatang diring diri sa mga nakikita niya. Pinagmasdan ko si Maggie na tahimik lang. Ako man ay tahimik dahil naiinis ako sa mood ni Luther.

"It's fine with me.." sagot ni Maggie.

"See? Tumikim ka naman ng iba, dude.." may panunuyang sabi ni Luther.

"Fuck you.." salita ni Simon.

"Chill.. calm your dick, pagkain yan.." humagalpak ng tawa si Luther at Maggie ako naman ay panay ang selfie para may iba naman mapost sa IG. Seriously? Chicken intestine, the orange egg and the chicken blood etc.. kahit kumakalam na ang sikmura ko ay hinding hindi ako kakain niyan.

"Try niyo.." salita sa amin ni Luther. Poker face ako habang si Simon ay diring diri pa din. Umupo kami sa table sa gilid.

"I'll just go to Mcdo." Hindi ko na hinintay ang opinion nila. Lumakad na ako pabalik sa Mcdo dahil hindi ko na kaya ang gutom ko.

"What's your order ma'am?" Bungad ng crew sa counter. Magsasalita na sana ako ng biglang lumitaw si Luther. Lumawak pa nga ang ngisi ng babae sa harap.

"Two coke float, one bff fries, and one piece chicken.." salita ni Luther.

"Is there a-anything else sir?" Halos mautal utal na ang babae kay Luther. Siya naman ay abot hanggang tainga ang ngiti. Jusko! Si Luther, landi everywhere!

"That's all." Ngiting ngiti pa din siya sa crew.. naiiling akong pinanood siya. Wala nang lunas si Luther.

" 345 pesos sir." Salita ng babae.

Nagulat naman ako ng harapin  ako ni Luther." Bayaran mo na." Salita niya na ikinalaglag ng panga ko. Asshole! Talagang iniwan ako at umupo sa dulo kung saan may pang dalawahang upuan. Masamang masama ang loob ko na binayaran ang binili niya.

Nang makarating ako sa kanya na prenteng nakaupo ay padabog kong ibinaba ang tray na hawak ko. Medyo napasinghap pa nga si Luther sa ginawa ko. "Galit agad?" Natatawang sabi niya sabay subo ng fries na isinawsaw sa icecream sa ibabaw ng float.

"Go to hell." Kinuha ko ang manok na nasa gilid na bigla niya itong kuhanin at kagatan.

"Ano ba! Akin yan eh." Maktol ko.

"Finders keepers.." ligayang ligay siya habang kinakain yung manok. Okay? Kalma ka lang Sasha.. binalewala ko nalang si Luther. Pakiramdam ko ay nauubos niya ang lakas ko.

Panay ang subo ko sa fries habang sinasawsaw sa icecream. Somehow, natuwa naman ako at may pagkakapareha pala kami ni Luther.

"Hmmm.." napatingin ako kay Luther na nagpupunas ng bibig gamit ang tissue. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa mata niya. Seriously? Gusto kong mag iwas pero natatakot ako.  Natatakot ako na makita niya na apektado ako.

"Ano?" Salita ko.

"Lets play, Sasha.."

"Anong laro naman?" Bigla akong nakaramdam ng excitement. Pakiramdam ko kasi ay phase lang itong nadadama ko kay Luther dahil hindi ko na nagagawa ang mga bagay na ginagawa ko noon. Yun yon Sasha!

Seryosong seryoso si Luther kaya kumot ang noo ko. "Lets play the flirt night. Padamihan ng.." nagkibit balikat siya. Nanlaki ang mga mata ko. Flirt night? Fuckboy moves. Ano? padamihan kami ng lalandiin?

"Ano naman ang mapapala ko jan?"tutok na tutok ako sa kanya. Maybe I need this. I need diversion. Yung hindi puro si Luther ang nakikita ko.

Nagkibit balikat si Luther. "Ako." Seryosong sagot niya kaya nabuga ko ang iniinom ko. Tangina niya talaga!

No Strings (Strings Series 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora