"Matulog ka muna.. malayo pa tayo." Salita niya na hindi ako tinitignan. Napatingin ako sa side angle ni Luther habang diretso ang mata niya sa daan. Perpekto ang hugis ng panga ni Luther na katulad kay Simon. Kaso, tahimik at misteryoso si Simon, while Luther is very transparent. Matangos ang ilong niya at bahagyang makapal ang kilay. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil sa Rayban na suot niya.
"Ang gwapo ko ba?" Napasinghap ako at napaiwas ng tingin ng ngumisi si Luther pero sa daan pa din ang mga mata.
"Hindi, ang gago mo!" Sagot ko na ikinatawa niya. Tumagilid ako bigla dahil ako mismo ay natatawa.
Natulog ako buong byahe. Nagising nalang ako ng tapikin ako ni Luther.
"Dito na tayo.." salita niya sabay tanggal ng seatbelt niya. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Malalaking bahay at malinis na subdivision ang bumungad sa akin. Halatang mayaman lahat ang nakatira. May pastil pa ng Waterwoods sa gilid marahil siguro ay pangalan ng subdivision.
Nasa tapat kami ng isang malaking bahay. Westernize ang disenyo nito at moderno ang pagkakagawa. Kila Luther talaga ito?
"Lalabas kaba o bubuhatin kita?" Napasinghap ako ng buksan ni Luther ang pinto sa side ko.
"Hahawakan mo ako o susuntukin kita?"
"Pwedeng hawak muna? Utang muna yung suntok?" Ugh. Naiiling akong bumaba sa sasakyan niya habang siya ay tawa ng tawa. Minsan naiisip ko kung hindi ba nauubusan ng saya si Luther sa katawan? See? Kahit anong sabihin ko palagi siyang may sagot.
"Kaninong bahay 'to?" Tanong ko ng makapasok kami. Hindi ko maiwasan mamangha sa ganda ng bahay. Malinis ito at wala kang makikita na kahit anong alikabok.
"Sa katulong namin.." sagot niya habang natatawa na naman!
"Ang tino mong kausap." Umirap ako.
"Ang tino mo din magtanong, common sense minsan, Sasha.."
"So ala akong common sense?"
"Ikaw may sabi niyan. Ang sabi ko lang gamitin mo. Hindi ko sinabing wala ka."
Ugh! Bwiset! Tinalikuran ko siya at nagmartya paakyat ng hagdan. Panay ang halakhak ni Luther na nakasunod sa akin habang dala ang luggage ko. Hindi talaga ako mananalo sa kapilosopohan niya. Mas masarap pang kausap ang pagong.
Pag katapos kong mag ayos ng gamit ko ay bumaba na ako. Medyo kumalam na din ang tyan ko dahil sa gutom. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay maayos ako sa bahay na ito. I mean-- samin kasi ay maiirita lang ako kila Daddy. Pero dito? I feel peace and at home.
"Are you hungry?" Naabutan ko si Luther na tinotono amg gitara na hawak niya. Lumakad ako sa gawi niya at naupo sa katapat na sopa.
"Medyo, umh.. di ba tayo kakain?" Salita ko. Hindi pa din ako tinitignan ni Luther. Panay pa din ang pihit niya sa gitara na hawak niya.
"Nag padeliver na ako ng food. We'll wait for Simon and Maggie here."
Kumunot ang noo ko. Simon and Maggie? Ano naman ang gagawim nila dito? Diba sinagot na ni Maggie si Glen? Oh-- crap Margaret!
Pinanuod ko lang si Luther na patuloy ang pagtotono sa gitara niya. I looked away dahil bumibilis talaga ang tibok ng puso kapag tumititig ako sa kanya.
"Sasha!" Sigaw ni Luther.
Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.
"Bakit kaba nanggugulat?" Iritableng sabi ko. Ang puso ko ay lalong bumilos ang paghataw.
"Coz' you're spacing out. Nandito na ako iniisip mo pa ako." Ngumisi si Luther.
"Dream on!" Ngumuso ako kaya humalakhak siya.
"You know how to sing?" Biglang sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako magaling pero kaya ko naman kumanta.
Hindi pa ako sumasagot ng bigla akong hinila ni Luther sa garden nila. The place is very relaxing. May maliit na fish pond sa gilid na lalong nakakenganyong tignan.
"I'll play.. you sing." Ngumiti si Luther.
"Eh, bakit ako? Bat di nalang ikaw?"
Umirap siya at napabuga ng hangin. "If I know. I wouldn't ask you.."
Okay-- natameme ako bigla. Hindi siya marunong kumanta pero magaling siyang magitara. Inayos ni Luther ang cellphone niya para irecord ang gagawin namin. My Goodness! Hindi naman ako magaling kumanta! Maganda lang ako!
"Bakit may video?" Salita ko.
Nagkibit balikat si Luther. " huwag kang magulo! Ipapasa ko ito sa Facebook." Tumawa siya. Adik talaga!Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi niya. Sinabi ni Luther sa akin ang kanta na medyo kaya ko naman.
You, by the light
Is the greatest find
In a world full of wrong
You're the thing that's right
Finally made it through the lonely
To the other side
Kinakabahan ako sa bawat bigkas ng lyrics. Hindi ko alam pero may kung ano sa kanta na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko. Paminsan minsan ay napapatingin si Luther sa akin. Ngaun naman ay nakapikit siya habang patuloy ang pag strum. Gusto kong umiling or ano pero natatakot akong makuha sa video ang emotion ko ngaun.
You set again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark.
And I'm in love
And I'm terrified
For the first time and the last time
In my only life
Pinatay ni Luther ang video at malaki ang ngiti sa akin. "You're great.." kumindat siya at ngumiti. I can't uttered any words. Ang bilis lang tibok ng puso ko. May biglang nag door bell dahilan para tumayo si Luther. "Must be the food. C'mon, Sasha.." tuluyan na siyang lumakad. Nanatili akong nakaupo at sundan ang bawat hakbang niya.
OMG! I know what I'm feeling. This can't be. Hindi pwedeng may maramdaman ako kay Luther. The thought of me, falling for him terrifies me. It can't be..
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
6. It can't be
Start from the beginning
