Natapos na kasi ang sem na ito kaya naman bakasyon na. Naiinip pa nga ako dahil ala manlang ganap. Inaya ako nila Camille sa Bora pero tinangihan ko lang sila. Masyadong malayo, two weeks lang naman ang sembreak at ayokong masyadong mapagod.
Luther
- C'mon. Our dinner.
Me
- sige mamaya.. duh! breakfast palang..
Natatawa ako. Umikot pa ako sa kama habang malaki ang ngiti. Hindi ko maintindihan kung bakit natutuwa ako sa kanya.
Luther
- can you come with me instead?
-uhhh
-errr
-please?
Sunod sunod na text niya. Ako ba eh nilalandi niya? Alam kong may landi ako sa katawan pero pagdating kay Luther ay tumitiklop ako.
Me
- can't understand you..
Ilang minuto ang lumipas ay hindi nagreply si Luther. May bahagi sa akin na parang nadismaya. Siguro nga ay pinagtitripan niya lang ako.
Maliligo na sana ako ng biglang nag beep ang cellphone ko.
Luther
-can't understand either..
Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay aatakihin ako. Pinikit ko pa ang mga mata ko para pabagalin ang bilis ng tibok ng puso ko. I need to remind myself that I'm talking with an asshole! Si Luther yan Sasha! Ugh.
"Mom, magbabakasyon lang ako." Naabutan ko si Mommy at Daddy sa sala. Hindi ko tinapunan ng tingin si Daddy kahit alam kong nakamata siya.
"Where?" Seryosong tanong ni Mommy.
"Sa Bulacan." Sagot ko.
Pumayag kasi akong sumama kay Luther sa Bulacan para naman maiba ang nakikita ko. Sumasakit kasi ang mata ko at nasisira ang araw ko dahil kay Mommy at Daddy.
"With whom?" Tanong ni Daddy. Gusto kong umirap pero hindi ko ginawa. Instead, mabilis kong hinila ang luggage ko at tinalikuran sila. Kelan pa naging concern si Daddy? Bakit ngaun lang? Malaki na ako at di ko na kailangan ng pag aalala niya. Noon ko kailangan iyon pero binalewala niya kami. So why now? Ala siyang karapatan.
"Sobrang late ka!" Nakasimangot si Luther na sinalubong ako. Ngumiti ako ng maabutan ko siyang sibangot at nakahalukipkip na nakasandal sa sasakyan niya.
"Blame the traffic.." nangingiting sagot ko. Huminga ng malalim si Luther at inabot ang luggage na hawak ko kaya nagdikit ang kamay namin. Napabitiw siya agad sabay iwas ng tingin kaya napakunot ang noo ko.
"First time mong makahawak ng kamay?" Natatawang sabi ko. Hinila ko ang bag ko papunta sa likod ng sasakyan niya. Nagpakwala ng mura si Luther na dinig ko naman.
"First time kong makuryente.." mahinang bulong niya na hindi ko masyadong maintindihan.
"Ano?" Bumaling ako sa kanya. Umiling siya at ngumiti sa akin."Wala! Sabi ko ang ganda mo.. medyo bingi ka lang."
"Hoy, naglinis ako ng tenga noh!" Nagmartya ako papunta sa shotgun seat.
"Eh baka may naiwan kaya nabingi ka." Natatawang sabi niya.
"Go to hell!" Masungit na salita ko kaya naman napahalakhak siya.
"I'm on my way, Sasha.." naiinis ako dahil natatame lagi ako sa sagot niya! Kapag binara ko siya, palaging may pambara din siya. Sa huli, ako palagi ang natatameme! Nakakainis siya.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
6. It can't be
Start from the beginning
