"Okay, Mr. Vera Cruz.. saan nakukuha ang sakit na AIDS?" tanong ni Ms. Ana. Natahimik ang klase at nakatutok lahat kay Luther na sunod sunod ang paglunok pero malaki ang ngisi niya.
Naging nakakaloko ang ngisi ni Luther. Na para bang nakahinga siya ng maluwag sa itinanong sa kanya. Na para bang alam na alam niya ang isasagot niya.
"Sa motel, Miss." Diretso at walang abog na salita niya. Tumahimik ang klase hanggang isa isa ng nagtawanan ang lahat. Si Simon ay binalibag siya ng notebook habang si Darton ay lumamukos ng papel para ibato sa kanya. Naiiling ako sa sagot niya pero hindi ko alam kung bakit ako tumatawa ng sobra.
Si Miss Ana ay lalong namula ang pisngi pero napanatili niyang composed ang sarili niya. " alright.. defend your answer.." salita ni Miss Ana. Natahimik ulit ang klase at tumutok kay Luther.
Nagpakawala ng mahinang mura si Luther pero lalong naging nakakaloko ang ngisi niya. "Ganito lang kasi yon, Miss. Saan ba nakukuha ang AIDS? It's a sexual transmitted disease na nakukuha sa sex. Sa laway sa.. ummhh.." tumigil si Luther at pumukit ng mariin." Sa lahat ng katas sa katawan?"
Nagtawanan ang klase pero tumango tango si Miss Ana. Tumingin sa akin si Luther sabay kindat kaya natawa si Simon sa gilid ko. Umirap naman ako sa kanya kaya bumalik ang mata niya sa harap. "Way to go, Vera Cruz." Natatawang salita ni Simon.
"I know that, Mr. Vera Cruz.. can you elaborate why motel is your answer?" Tumaas ang kilay ni Miss Ana.
"Miss, saan ba nagsesex? Diba sa private place like motels or hotels? Or sa loob ng sasakyan or kahit sa kwarto--" napuno ng tawanan ang klase. Kumawala na ang pigil na tawa ko na kanina ko pa pinipigilan. "Enough, Vera Cruz." Halatang nagpipigil ng pagtawa si Miss Ana. Ang buong klase naman ay nabuhayan dahil sa kagaguhan ni Luther.
"What's funny?" Ngumuso si Luther sabay upo sa silya niya. Naiiling akong sinagot siya.
"Nothing.. I'm so proud of you.." humagalpak pa din ako ng tawa kaya umirap si Luther at binalik ang mata sa harap.
Natapos ang klase at panay si Luther ang usapan. Hindi yata maka move on ang mga kaklase ko sa pinagsasabi ni Luther sa lahat ng tanong ni Miss Ana.
"San ka?" Biglang tanong ni Luther pagkatapos kong magligpit ng gamit. May contest kasi sa Bulshoi mamaya and Prim invited me to join. Ayaw ko nga sana nung una pero nung nalaman ko na kasali si Simon ay mabilis pa sa alaskwatro na pumayag ako.
"Maggie's.. may praktis kami ni Simon."
"Praktis?" Patuloy na pagtatanong ni Luther. Sinundan niya pa nga ako papunta sa sasakyan ko.
"Yeah.. for the dance contest sa Bulshoi.."pinatunog ko ang alarm ng sasakyan ko para makapasok. Si Luther naman ay tahimik lang sa gilid ko na tila ba malalim ang iniisip at seryoso.
"I'm going.." ngumiti pa ako sa kanya. Tila ba natauhan si Luther pero nakakunot pa din ang noo niya. "Yeah.." matabang na salita niya tsaka ako tinalikuran. Nagkibit balikat nalang ako at nagdrive papunta kila Maggie.
"What are you doing here?" Bungad ni Maggie sa akin na halatang kakagising lang. Tumingin muna ako sa wrist watch ko, pasado alas dos na ng hapon pero ngaun lang siya nagising?
"Prim asked us to join sa dance contest." Umupo si Maggie sa gilid ko at panay ang hikab. "Kyaaa! Simon.." sabay takbo ko kay Simon. Sa wakas! Masosolo ko din si Simon. Hindi ko kasi siya madalas mahagilap dahil lagi siyang wala. Naging close tuloy kami ni Luther dahil siya ang fall back ko kapag ala si Simon.
Nanliit ang mata ko ng napansin ko ang paninitig ni Simon kay Maggie at mabilis na pag iwas ng tingin ni Maggie tumayo siya mula sa pagkakaupo at dumiretso sa kitchen. Mabilis na dumalo sa kanya si Simon kaya saglit akong natigilan.
YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..
5. Just dinner
Start from the beginning
