"Ready, ladies?" He asked.

"Ready, daddy!"

Si April ay kiming ngiti ang isinagot. Sapat na iyon kay Ivan. Kaya sinuklian niya rin ito ng ngiti at tango.

"Welcome to Hacienda Aleshana."

Lumingon si April sa lalaki.

"Salamat, ang lawak pala nitong Hacienda."

"Wait until you see the whole area." Ani Ivan.

Paakyat ang wrangler sa mataas na bahagi ng lupain.

"Wow! Where on top, daddy. Parang nasa ulap tayo, 'di ba, mommy?"

Kinabig ni April si Georgina. Hinalikan niya ito sa noo.

"Yes, baby."

"See that, mom?" Masiglang itinuro ni Georgina ang malawak ng manggahan.

"Wow! Maraming mangga."

"Daddy, can I eat mangga?" Tuwang bumaling si Georgina sa ama na patuloy sa pagmamaneho.

"But it's sour, princess. Hindi pa iyan hinog."

Ngumuso ang paslit.

"Daddy is right, baby. Maasim ang mangga kapag hindi pa hinog. Gusto mo bang magusot ang buo mong mukha 'pag kumain ng maasim?"

Umiling si Georgina. Lukot ang noo na tila nag-iisip. Mamaya-maya pa ay yumakap nito sa bewang niya.

Hinaplos naman ni April ang likod ng bata. Sinulyapan niya si Ivan. Nasa unahan ang tingin nito, ngunit batid niya na nasa kanila ang tainga ng lalaki.

Huminto ang sasakyan sa Isang pamilyar na lugar para kay April. Hindi niya alam kung bakit parang... parang nakarating na siya sa lugar.

"Are you, okay?"

Lumunok siya. Tumango ng marahan.

"Okay lang, salamat."

Bumaba si Ivan at umikot sa side nila.
"Come here, princess." Binuhat ng ama ang anak. "Let's go?" Baling sa kanya ni Ivan. Sumunod siya sa pagbaba.

Inilibot ni April ang paningin sa paligid. Nasa ilalim ng punong kahoy ang sasakyan. Sariwa at malamig ang hanging humampas sa kanyang balat.

Nilapitan niya ang mahogany. Natigil siya ng may maaninig na initial na pangalan. 'M&V bf 4 life' iyon ang naka-ukit. Hinawakan niya ang ulo. Bakit ba ang daming pamilyar sa kanya sa lugar? Ngunit wala naman siyang matandaan.

Malayo ang Hacienda Aleshana sa bayan nila kaya imposibleng napadpad siya noon sa bayan.

"What's wrong? Are you sure, you're okay? Pwede tayong bumalik at sa ibang araw na lang natin ituloy ang pamamasyal."

Lumayo siya sa puno. Binalingan ang mag-ama na may ilang dipa na ang layo mula sa kanya. Mabilis ang ginawa niyang hakbang para makalapit.

"Okay lang ako. 'Wag ka ng mag-alala."

Tinitigan siya ni Ivan na tila ang naghahanap ng kasiguraduhan sa mukha niya.

Sa huli, magaang Humugot ito ng paghinga saka tumango.

"Sir! Magandang araw, ho. Napasyal kayo-- ma'am Veronica?" Hindi makapaniwalang sambit ng tauhan.

"Mang Esko, si April." Agap ni Ivan.

Napakamot naman sa ulo si Mang Esko. Ang ibang tauhan ay hindi rin maipagkaka-ila ang pagka-gulat sa mga mukha.

"Pasinsya na sir, ma'am. Kamukha niyo kasi- ah, pasinsya na ho, talaga."

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now