Chapter 11: Later

25 0 0
                                    

Sorry nga po pala sa combo pagmumura. Yun po image niya eh :3 May kakilala na rin po kayo katulad niya ^3^ Haha!

Sorry for the harsh words and cursings... Not! Lol :P

====================================================================

"Guys! Makinig kayo!" sigaw ng president namin.

"Next week intrams natin. Naka-assign section natin sa Movie Booth. Sila Jet at Maykee ang bahala na sa laptop at sound system, yung movie na lang raw. Ano ba gusto niyo?"

Nagsipag-ingayan na naman mga kaklase ko. Kung ano-anong kalokohan naiisip.

Porn na lang raw o kaya hentai. Gago naman raw. Yung ibang girls chick flicks, sa boys gore o action whatever. Sa huli horror na rin ang napili.

"Since ayaw naman natin mahuli ng jail booth sa intrams kailangan raw naka black t-shirt tayo. Kahit alam kong wala kayong maitutulong mag black na kayo para iwas sa manghuhuli. Ang kailangan niyo lang gawin eh maghakot ng mga tao para manood. Sige next week pa naman eh. Break na guys."

Nagsipaglayasan na ng room yung iba.

"Aww. Wala tayong masyadong magagawa." malungkot na sabi ni Tam sa tabi ko.

"Kaysa na nagpapakapagod tayo." sagot ko sa kanya.

"Yung nga masaya eeeh!"

"Ikaw. Ako hindi." tinaas ko kamay ko as if surrendering.

"Enebe nemen yeeen. Oo nga pala, sino nga pala ulit si Kuyang yun?"

Kinwento ko kay Tam yung emo dude na nakilala ko sa may room at rooftop. Yung lintek na kumuha ng phone ko.

"Ano pangalan niya?"

Oo nga noh. Hindi ko man lang naitanong *insert a sprinkle of criticism*

"As if naman ibibigay niya." sabi ko.

"Malay mo. Osya, ba't di pala kayo nagkikita ni Kuya gwapo este Nathan? Hmmm?"

"Ewan ko. At bakit ka ba nangengealam ng buhay ng may buhay ha?"

"Wala lang~" sabi niya with matching pa-cute eyes and lips.

"Asa ka. Panira ng buhay yun. Asungot."

"Asungot na kung asungot basta alam kong siya na!" bigla siya tumingin sa dingding ng room.

"Siya na? Siya na saan?"

"The one!" bigla niya niyayakap sarili niya. Kinikilig pa ang pwet.

"Geh, masaya ka dyan. Ewan ko sayo."

"Hay nako Kim. Ewan ko rin sayo pero pag naramdaman mo na ang sparks--"

"Sparks?! Fuck, dami mong alam. Ano ka, love guru?" pinatong ko siko ko sa desk sabay lagay ng kamay sa ibaba ng chin.

"Maybe :):"

"Hopeless romantic." sambit ko. Bigla akong hinampas ni Tam sa balikat.

"Mas marami kapang alam eh! Oh my, hopeless romantic? Never kong naisip na yung words na yun eh manggagaling sa bibig mo! Ito na! This is the day were Kim will finally take the fall!" biglang pumalakpak ng malakas si Tam. Pinagtitinginan kami ng kaklase ko sa room.

"WAG KAYONG MAINGAY!"

Nagulat kaming lahat. Si mam Beth a.k.a Babez sinigawan kami.

"Sorry po mam." pagsosorry ng president namin kay mam.

"PAGSABIHAN MO NGA YANG MGA KAKLASE MO NA TUMAHIMIK! ANG DAMI KONG GINAGAWA DITO ANG INGAY-INGAY NIYO! ISA PANG INGAY NA MARIRINIG KO MULA SA MGA BIBIG NIYO MAGHANAP NA KAYO NG IBANG ROOM NA MALILIPATAN!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love like U :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon