Chapter 10: He?! Who?! Whaaat?!

11 0 0
                                    

Wednesday

Lunch time means kain time.

Bumaba kami ni Tam sa canteen para bumili ng pagkain.

Umorder lang ako ng chicken tsaka half rice habang si Tam nugget at nestea.

"Uy Kim, sabi ni president may seminar raw mamaya."

"Tungkol saan?" tanong ko sabay kagat sa ulam.

"Ewan, may police eh"

Police? Ano to, may teroristang nagtatago sa school. Bahala na sila.

"Psh. Makakatulog lang ako mamaya. Doon na lang ako sa room."

Pagkatapos namin kumain umakyat na si Tam sa MPH namin. Pinilit pa nga niya ako sumama eh, ayoko. Nakakatamad.

*Toot* *Toot*

Cellphone ko.

From: Grandmama! ;D

Kim wag mo kalimutan yung pinapabili ko. Kailangan ko yun para sa adobo mamaya. Sige na. Labyu :*

Landi rin ng lola ko eh.

To: Grandmama! ;D

Opo la. Babye na po. >3<

Londi londi ko eh :">

Habang paakyat ako sa room namin ang daming studyante papunta sa opposite direction. Nasa likod ng pila yung Guidance councelor namin.

"Akyat na! Walang tatakas dyan sa gilid! Wala rin aalis mamaya!"

Nagtago ako saglit sa isang room. Hinihintay makalagpas yung ibang estudyante pati yung Guidance councelor namin.

Gagi, galit na galit yung guidance councelor namin. MPS yata.

"Sh*t" nasambit ko ng may matapakan ako.

"Putch*"

Bago ako tuluyang mahulog may nakasalo sa akin, kaso bigla naman akong binitawan.

"Puta, salamat ha." sabi ko habang tumatayo.

"I don't need your criticism." sabi niya.

Pagtingin ko lalaki pala siya. Sinusuot niya earphones niya habang nakapikit.

Putcha, pa-cool yung gago.

"Makalayas na nga." sabi ko.

"Buti naman." bulong niya. Ano raw?!

"Ano sabi mo?!" sigaw ko.

Hindi niya ako pinansin. Nakapikit lang siya. Parang may sariling mundo yung loko.

Putcha talaga. Panira ng araw eh.

Bago pa ako sumabog doon lumayas na ako sa lintek na room na yun. Swerte siya at hindi pa niya natitikman kamao ko.

Buti at nakalayas na yung mga estudyante at yung G.C. na yun.

After rin ng seminar kinuwa ko na lang gamit ko at umuwi. Wala naman halos ginawa buong araw eh.

Pagbaba ko ng building napatayo lang ako sa gild ng gate. Wala lang, trip? Ewan. Parang may mali eh.... Hmmm... Ewan na.

Punta na lang ako palengke para makauwi rin ng maaga.

Naglalakad na ako papuntang palengke ng hinanap ko yung listahan ng bibilhin. Nasa memo siya ng phone ko. Kinakapa ko bulsa ko, wala naman. Tinignan ko bag ko.... Leche. Wala rin.

"Naasan na ba yun?!"

Hinahalungkat ko na yung bag pero wala. Gumilid pa nga muna ako para tanggalin yung mga gamit sa bag ko. Kaso wala pa rin siya!

Love like U :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon