Chapter 20 Aray, masakit na.

Start from the beginning
                                    

Nagulat si Gee sa sinabi ni Tristan pero hindi nya pinahalata, "Bakit ka ba kasi nagagalit?" tanong ni Gee.

"Pinagaalala mo ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may masamang mangyari sa'yo. Pasensya na," sagot naman ni Tristan.

"E bakit ka ba nagaalala sa akin?" tanong ulit ni Gee.

"A-ano, k-kasi… m-mahalaga ka sa akin," sabi ni Tristan.

Tinignan siya ni Gee, parang nagtataka.

"Mahalaga ka sa akin sa secretary kita. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka," palusot ni Tristan.

"Okay, Sir. I wanna rest. Pwede po bang lumabas muna kayo?" sabi ni Gee. Lumabas naman na si Tristan.

Paglabas ni Tristan, biglang lumabas na ang kanina pa pinipigilang luha ni Gee.

Dumating ang Yaya Alice nya.

"Yaya!" excited na sabi ni Gee, pinupunasan ang luha nya.

"Iha, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" sabi ni Yaya Alice na nagaalala.

"Yaya, I think I like him," sabi ni Gee, "No, I like him."

"Anong problema dun?" sabi naman ni Yaya Alice.

"Sabi nya kanina, mahalaga daw ako sa kanya," sabi ni Gee, "kaso, dahil lang secretary nya ako."

"Ay, in love na ang alaga ko," sabi ni Yaya Alice, "Tahan na. Lilipas din yan."

Biglang dumatin sina Gab at Nate.

"Yana! What happened?" tarantang tanong ni Gab.

"Bakit ka hinimatay?" tanong naman ni Nate.

"Kuyas, I'm fine. Bumaba lang yung sugar ko kaya nawalan ako ng malay. Okay na ako ngayon," sabi naman ni Gee.

"No, you're not perfecty fine. I'll just cancel our show," sabi ni Nate.

"Shoot! Meron nga pala tayong gig dapat. Sorry," sabi ni Gee.

"Bakit ka nagsosorry? It's not your fault, okay?" sabi ni Gab.

"Thank you. I love you two," sabi naman ni Gee.

[Fast forward]

Linggo na, kailangan na nilang bumalik sa Maynila.

"Honey, are you sure hindi mo isasama si Yaya?" tanong ni Mrs Alcantara.

"Yes, Mom. I want her to take a rest. Kaya ko na po, tatawag na lang po ako kung hindi ko na kaya mag-isa," sabi ni Gee sabay ngiti.

"Okay, honey. Take care, ha. I love you," sabi ng Mommy nya.

"Okay, Mom. Bye Dad. I love you both," sabi ni Gee at pumasok na sila sa airport.

Pagdating sa Manila, sumabay na lang si Gee kay Tristan, tutal sa isang subdivision lang naman sila nakatira.

"Yana, we're here," sabi ni Tristan habang ginigising si Gee. Nakatulog ito sa biyahe.

"Yana… Yana..." ginigising pa rin ni Tristan si Gee. Unti-unting nilapit ni Tristan ang mukha kay Gee. Bigla namang nagising si Gee.

"Oh, nandito na pala tayo," sabi ni Gee.

"Sige po, Sir. Salamat po sa pagsabay sa akin pauwi," sabi ni Gee at bumaba na ito sa sasakyan. Kinuha na rin nya ang mga gamit.

Tutulungan sana siya ni Tristan sa pagpasok ng mga gamit nya pero tumanggi siya.

"Okay na po, Sir. Kaya ko na po 'to," sabi nya, "Gabi na po, magpahinga na rin po kayo," dagdag pa niya.

"Sige, good night," sabi ni Tristan, "Just call me if you need anything, okay."

Ngumiti lang si Gee at pumasok na siya sa loob.

Pagpasok nya, napasigaw siya.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" sigaw ni Gee.

Agad namang pumasok si Tristan, "What happened?" tanong niya.

Nadatnan niya namang nakapatong si Gee sa upuan.

"Anong nangyari?!" tanong ni Tristan.

Tinuro naman ni Gee yung patay na ipis sa sahig.

"Akala ko naman kung ano," sabi ni Tristan, "Saan nakalagay yung walis?"

Tinuro lang ni Gee yung maliit na pinto sa ilalim ng hagdan.

"Bumaba ka na jan, patay naman na 'to e," sabi ni Tristan at tinapon na yung patay na ipis.

"Thank you, Sir," sabi ni Gee.

"Yana, sabi ko diba, wag na Sir," sabi ni Tristan.

"Pero, Sir, empleyado nyo na po ako ulit simula bukas," sabi ni Gee.

"So?" sagot naman ni Tristan.

"Ayoko lang po ng gulo, Sir," maikling sagot nya.

Hindi pinansin ni  Tristan si Gee, dumiretso siya sa kitchen. Binuksan nya yung ref.

"What do you want to eat for dinner?" tanong nya.

"Sir, ako na po ang bahala jan. Pwede na po kayong umuwi," sabi ni Gee.

"Magluluto na ako. Magbihis ka na para pagtapos ko dito makakain na tayo," sabi ni Tristan. Hindi nya pinapansin ang pagtataboy ni Gee.

"Sir, please," sabi ni Gee.

"Bakit mo ba ako pinapaalis, Yana?"sabi ni Tristan.  Hindi naman nakasagot si Yana.

 "Pagpinaalis mo pa ako ulit, hahalikan na talaga kita," pagbabanta ni Tristan.

"Eto na nga po, magbibihis na. Paghusayan mo yan, Sir, ha. Sige po," sabi ni Gee at umakyat na ito.

Pagbaba nya, nakaready na ang pagkain.

"Let's eat," yaya ni  Tristan.

"S-sure," sabi ni Gee at kumain na sila. Pagkatapos nilang kumain nagpasalamat na si Gee sa boss nya at nilagay na sa lababo yung mga hugasin.

"Thank you po, Sir. Pwede na po kayong umuwi," sabi ni Gee.

Naging seryoso naman yung mukha ni Tristan.

Hinawakan nya si Gee sa bewang at dahan dahang nilapit yung mukha nya sa mukha ni Gee.

"Yana, gusto mo talaga 'to, noh?" sabi ni Tristan.

************************************************************

When goodbye's too hard to say...Where stories live. Discover now