"Ayokong pinaguusapan natin siya, pag magkasama tayo theresa" seryosong sabi niya na ikinangisi ko na lamang.

"Ang sungit ha" mahinang pangaasar ko pa dahil baka mamaya ay mabadtrip nanaman ito sa akin.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago niya ako tinanong kung ano ang kailangan kong gawin bukas.

"Pupunta ako sa kabilang isla para icheck yung mga new establishments duon...you know, competitors" kwento ko.

Sandali ako nitong tinitigan bago siya napatango magisa. "I'll go with you" desedidong saad niya kaya naman kahit papaano ay natuwa ako.

"Totoo?" Parang batang sabi ko sa kanya, dahil sa totoo lang ay ayoko din namang pumunta duon magisa.

"Yeah..." tipid na sabi niya kaya naman hindi ako nakuntento.

"Sure ba yan? Parang labas naman sa ilong eh!" Pangungulit ko sa kanya.

I feel a relief in an instance, dahil para bang bumabalik kami sa dati. Yung kulitan, yung walang ilangan. Yung mga panahong akala ko ay hindi na mauulit pa pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa amin.

"Sinabi ng Oo, ang kulit mo nakakairita ka na ah!" Nakabusangot na sabi nito na may kasama pang pagkamot sa kanyang batok kaya naman napanguso na lamang ako para maitago ang nagbabadyang ngiti sa aking labi.

"Promise yan! Wala ng bawian ha..." paninigurado at pangungulit ko pa din sa kanya kaya naman mas lalo siyang nainis na mas lalo ko lamang ikinatawa.

Maaga akong nagising kinabukasan, sa totoo lang ay ni hindi nga ata ako nakatulog ng maayos dahil sa excitement na nararamdaman ko. Hindi ko kasi maiwasang umasa na baka pwede ng maibalik yung dati naming pagsasama ni kuya yohan.

Inayos ko ang beach shoulder bag na dadalhin ko. Naka two piece ako na pinatungan ko lamang ng isang manipis na beach dress. Nagdala na din ako ng beach hat at ang pinakaimportante sa lahat ay ang camera ko.

Mabilis akong bumaba sa hall para hintayin si kuya yohan. Gagawin ko ang lahat para kahit papaano ay may magbago sa pakikitungo niya sa akin. Na mawala sa isip niya ang sinasabi niyang paghihiganti sa akin.

Naiintindihan kong masyadong nasaktan si kuya yohan sa pagkawala ni lolo kaya naman hindi ko rin naman siya masisisi. Pero hindi rin naman pupwede na hahayaan ko na lamang na ganito kami.

"Good morning theresa"

Mabilis na nawala ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko ang malumanay pero ang nakakairitang boses ni jane. Ang kanyang mga kamay ay nakapulupot sa braso ni kuya yohan na ngayon ay naka gray na sando lamang ay khaki shorts.

Literal na gusto kong maiyak dahil sa aking nakita. Umusa kasi akong kaming dalawa lang. Pero ang tanga tanga ko pala talaga para isiping sasamahan niya...ako, na kaming dalawa lamang talaga.

"Nag breakfast ka na ba? Sayang nagluto si yohan kanina..." pangiinggit pa niya sa akin without her, even knowing.

"Yeah, tapos na" sagot ko na lamang at mabilis na nagiwas ng tingin sa kanilang dalawa. Mga walanghiya sila!

Dumating ang bangka na magdadala sa amin papaunta sa kabilang isla. Hindi naman kami masyadong nahirapan sa paglalayag dahil maayos ang alon sa dagat. Sobrang presko din ng hangin.

"What?" Medyo iritadong sambit ni kuya yohan kaya naman hindi sinasadyang napatingin ako sa kanilang gawi.

Kanina ko pa nilalabanan ang aking sarili pa lamang hindi ko magawang lumingon sa kanilang gawi, pero mukhang may balak pa ata silang naglandian sa aking harapan kaya naman halos umapoy na ang parte ng tubig na tinititigan ko dahil sa aking sobrang pagkainis.

To Die with Love (Hard Fall Series #2)Where stories live. Discover now