Chapter 14

51.8K 1.5K 123
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Inis na inis ako sa kanya pagkatapos ng pangyayaring iyon. Hindi ko alam kung bakit imbes na kiligin o matuwa sa pangaangkin niya sa akin ay naiirita ako sa kanya. Maybe because si Seth iyon, he's my bestfriend and miss na miss ko na siya.

"Sabihin niyo lang po kung kailan niyo gustong pumunta sa resort, welcome na welcome po kayo duon" paalam ni kuya yohan sa mga tai dito sa isla.

Kanina pa nga ako tahimik at hindi makausap. Gustong gusto ko na kasi talagang makausap at makita si seth. Kung pwede nga lang ay kanina ko pa inumpisahang languyin yung pagitan naming dalawa ang kaso ay hindi kaya. Baka lalo ko siyang hindi makita at mamatay ako sa gitna ng dagat.

"Salamat po, sir yohan...ma'm theresa" paalam di sa amin ng mga ito kaya naman kaagad din akong nagpaalam sa kanila at tsaka kumaway ng nakangiti.

Pagkasakay na pagkasakay sa bangka na maghahatid sa amin pabalik sa resort ay biglang naghari ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming lahat. Ang tanging maririnig mo lamang ay ang makita na umaandar at ang paghampas ng tubig dahil sa aming pagdaan.

"Dito na lang kasi ako sayo..." mahina man ay di pa din nakaligtas sa akin ang daing ni jane kay kuya yohan.

I pity her, now i know hindi talaga siya gusto ni kuya yohan, it's just a puripe bussiness, pero hindi ba niya nahahalata yon? O nagtatanga tangahan lamang siya?

Hindi ko narinig ang sinagot ni kuya yohan sa kanya basta ang alam ko ay hindi matapos tapos ang dikusyon nilang dalawa tungkol duon.

Kaagad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi ng matanaw ko na ang pampang. Pero biglang nawala iyon ng magulat dahil sa mabilis na paglingon sa akin ni kuya yohan. Nakabusangot ang pagmumukha nito na para bang ipinagsisigawan niyang walang dapat ikatuwa sa mga nangyayari.

Nauna silang bumaba na dalawa. Sobrang pagalalay pa ang ginawa niya kay jane ng pababa ito, hindi ko rin naman talaga siya maintindihan minsan. Bipolar nga siguro talaga.

"THERESA!"

Hindi pa man din nararamdaman ng aking mga paa ang mababaw na tubig ng dagat ay nakarinig na kaagad ako ng isang malakas na sigaw na hindi ko man lingonin ay alam ko kung sino na.

"Seth!" Sigaw na tawag ko din sa kanya.

Hindi ko na nagawang bumaba ng maayos, tumalon na lamang ako sa kanya ng maglahad ito ng kamay.

Pareho pa kaming napatawa na dalawa ng muntikan na kaming matumba pareho dahil sa aking ginawa. Kaagad kong ginantihan ang yakap niya sa akin. Yakap na sobrang higpit, sulit na para sa mga araw na hindi kami magkasama.

"I miss you so much" medyo paos na sambit ni seth dahil marahil sa jetlag at pagod.

"Ako din! Ikaw talaga wala kang pasabi!" Sita ko sa kanya at duon na saba maguumpisa ang walang katapusang kwentuhan namin ang kaso ay umepal lamang si kuya yohan.

"Dyan na lang ba kayo?" Seryoso man at mahinahon ay nahihimigan ko ang galit at ang pagkainis sa boses nito.

Hindi ko siya magawang tarayan dahil masaya ako ngayon. Nagiwas na lamang ako ng tingin pagkatapos bago ko hinawakan ang kamay ni seth para hilahin sa kung saan.

"May you excuse us" matapang na sabi ko sa kanya bago kami naglakad papalayo ni seth duon.

Di pa man malayo ang nalalakad naming dalawa ay nagsalita nanaman ito, sa totoo lang ay siya ang pinakamaingay sa aming grupo, o kahit sa aming dalawa. Naturingan pa man ding lalaki! Pero ayos lang, advantags ko din kasi iyon nung college pag may mga news sa school, alam na alam ko lahat dahil hindi ko lang minsan napapansin ay halos audience siya ng lahat ng away o occasion sa university namin nuon.

To Die with Love (Hard Fall Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat