TOK - 1
KATHERINE/KATHRYN
Ako si Katherine Loise Bernadino. 17 years old.
And it’s the time for you to know my story.
“Pasaway kang bata ka! Tinatakwil na kita! Wala kang kwenta!” sigaw ng tatay ‘ko.
“Tama ‘yan ‘Pa! Palayasin mo na ‘yan! Wala naman ‘yang kwenta! ‘Di mo naman ‘yan anak! Di ka nabibilang dito!” sigaw ng panganay ‘kong ate.
“Oo, hayaan n’yo na ‘yang hampaslupa na ‘yan!” sigaw nung isa ko pang ate.
“A-ate…” sabi no’ng bunso.
“Ano, kakampihan mo nanaman ‘yang bwisit na ‘yan?! Ha? Katy?!” sigaw no’ng panganay.
“Uhm… ano, a-ate…” sabay tingin sa’kin, “S…sorry.” at ayun na. ‘Doon s’ya kumampi kila Ate, naiintindihan ‘ko, tunay silang magkakapatid, e.
Habang ako, iyak lang ng iyak pero tinanguan ‘ko s’ya at ngumiti ng tipid.
“Lumayas ka na dito!” sabi ni Ate at marahas akong hinawakan sa braso, habang yung isang kapatid ko naman, hinagis na sa’kin ‘yung mga damit ‘ko pati isang bag.
Habang umiiyak ay inilagay ko sa bag ang mga gamit, at hinila na ako ni Ate palabas ng bahay at tinulak tulak. Walang magawa si Katy kasi, ‘di ‘din naman s’ya papakinggan nila Ate.
“Ate, tama na…” sabi ko.
“Wala na kaming pake sa’yo! ‘Wag kang babalik ‘dito! Layas!” at pinagsarhan na nila akong gate. Habang ako, ‘di alam ang gagawin kundi maglakad sa isang madilim na lugar. Wala akong cellphone, wala na ‘yong mga libro ko. Hindi nila naisama.
Umupo muna ako sa isang tabi at kinalkal ang bag ko, malay mo may mapaglibangan.
“Hay… *sniff* Nakakalokang buhay ‘to, oo.” Sabi ko na lang.
Lagi naman nila akong sinasaktan, pero 1st time nila akong palayasin. Kaya lang ako umiiyak kanina kasi ‘yong si Katy, kailangan naming ang isa’t isa. Close kami no’n eh.
“P-tangina naman talaga. Walang pagkain, walang tubig, walang libro, walang cellphone. Haay!!!!”
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Buti walang mga loko loko ngayong gabi. Kundi patay ako neto. Naka-PJs na kasi ako. Matutulog na kasi dapat kami ni Katy, kaso napaginitan nanaman ako. Oo, totoo ‘yon. ‘Di nila ako kapatid sa ama, ako lang ang naiiba. Kaya gano’n na lang nila ako ipagtabuyan. Ang mama ko naman, ‘di ‘ko alam kung nasaan. S’ya na nga lang ‘din ang kakampi ko, eh.
Haaaay, Mama. Miss na miss na kita.
Naglalakad ako ng maayos ng maramdaman kong may pumapatak na tubig mula sa taas.
*Plok plok*
Sheeeet! Uulan pa! Waaaaah!
Naghanap agad ako ng masisilungan pero wala, hanggang sa bumagsak ng tuluyan ang malakas na ulan. Ugh…
Gutom pa ‘ko tas mauulanan ako ng ganito kalakas!
Nawawala na ko sa sarili ko. Nahihilo na ‘ko.
Feeling ko….
And everything went black.
DANIEL
YOU ARE READING
Tale of Katherine (KathNiel) [EDITING---BACK SOON]
Teen FictionHi, this is Katherine Loise Bernadino… This is my story, and all about how I met the one who changed my life without even noticing.
![Tale of Katherine (KathNiel) [EDITING---BACK SOON]](https://img.wattpad.com/cover/12463142-64-k86939.jpg)