🌹19

773 23 0
                                    

🌊

Nandito na tayo." Anunsyo ni violet sa kanila narinig nila ang ingay na nag mumula sa loob.

Binuksan ni violet ang pinto ngunit isang kutsilyo ang lumipad papunta sa kanilang kinatatayoan.

Natahimik ang lahat ng naroon, takot at pag kabigla ang makikita sa kanilang mukha.

Naka iwas si light at violet ng dumaan sa gitna nila ang kutsilyo at sabay silang napalingon kay sky na nasa kanilang likod laman.

Nakalutang ang kutsilyong tatama sana sa kanyang noo, hindi makita ang mukha ni sky dahil naka yuko ito at natatabunan ng hood na soot niya ang kanyang mukha.

Walang marinig na ingay kahit ang pag hinga ay walang marinig.

Sky..... Mahinang tawag ni light sa kanyang kapatid ngunit kasabay nito ang pag baliktad ng kutsilyo at mabilis itong bumalik kong saan ito nanggaling.

Napa singhap ang marami maliban kay light,  nakita nila itong tatama sa isang lalaking nakatayo sa dulo ng mahabang lamisa.

Nanlaki ang mata ng lalaki sa pagka bigla at napalunok nalang ng makitang tatamaan na siya ngunit sa hindi malamang dahilan tumigil ito ilang pulgada malapit sa kanyang mata.

Hindi maka galaw ang lalaki at pakiramdam niya ay napako siya sa kanyang kinatatayuan.

Sky.... Ulit na tawag ni light sa pangalan ng kanyang kapatid. Lahat ng mata ay nasa kanila ngayun natoon.

Taginting ng bagay ang bumasag sa katahimikan ng lahat. Napatingin sila kong saan ito nag mula at nakita nilang nakalapag na sa harap ng lalaki ang kaninang lumilipad na kutsilyo.

Mr. Franco and company go to detention 1 now ..!! Seryoso at mauthoridad na sabi ni violet dito.

Walang nagawa ang mga istudanting naroon at sundin ang utos sa kanila dahil kong hindi madagdagan ang kanilang parusa.

Ok lang kayo? Tanong ni violet sa mag kapatid tango lang ang sinagot ni light.

The  Cursed Twins(complete)Where stories live. Discover now