🌹12

876 22 0
                                    

🍀

Nakalabas na ang tatlong babae sa office ng headmaster. Tahimik silang ng lalakad ng tumunog ang malakas na bell sa boong gusali.

Anong nangyayari? Tanong ni light sa katabi niyang si violet habang papalabas sila sa gusali.

Iyon ang nag papahiwatig na tapos na ang klase ng lahat." Sagot niya kay light, nakarinig naman sila ng mga boses na papalapit sa kanilang kina roroonan.

Wala na ba silang klase? Tanong niya dahil sa nakikita niya tanghali pa lamang .

Wala na.." Nilalaan ang kalahating araw sa pag tri-trining at sa umaga naman ay sa pag tuturo ng ibat- ibang mahika. Ipapaliwanag ko sa inyo mamaya ang lahat pag dating natin sa inyong dorm.

Tango lang ang sinagot ni light at ilang sandali marami ng istudante ang nag kalat sa paligid.

Maraming napapatingin sa kanila, ang iba ay napapatigil sa pag lalakad.

Makikita sa mukha ng mga istudante ang pag tataka at katanongan.

Sino sila ....

Ewan ....

Baka bagong istudante....

Saan ba sila galing at ganyan ang mga soot nila....

Tss...

Nakita mo ba ang mukha .....

Hindi ee....

Babae o lalaki ....

Mukhang mga babae.....

Mga bulong- bulongan sa paligid na rinig naman ni light at sky pero para naman silang walang narinig at tuloy-tuloy lang sa pag lalakad hanggang maka labas sila sa gusali.

Dumaritso sila sa girls dormitory, tahimik ang paligid umakyat sila sa hagdan hanggang sa marating sila sa ikalimang palapag kong saan ang kanilang magiging silid.

Ito ang silid ninyong dalawa room 566," sabi ni violet bago ninoksan ang pinto.

Pumasok siya at sumunod din ang mag kapatid.

Dalawang hindi kalakihang kama ang bumungad sa kanila at  may isa pang pinto silang nakita na sa palagay nila ay ang banyo.

May closet din na may kalakihan na para sa dalawa.

May dalawang single chair din at isang maliit na table sa gitna.

Simulan na natin...

The  Cursed Twins(complete)Kde žijí příběhy. Začni objevovat