🌹15

778 23 0
                                    

🌽

Napa iling ako, paano ba kami na buhay ng ganon, na walang tulong ng iba.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng silid at tumigil ito sa malaking salamin.

Nag lakad ako papalapit doon, at nakita ko ang isang nilalang na puro itim.

Naitanong ko sa sarili ko, ako ba ito ? Hinubad ko ang hood na soot ko at isang bahagi nanaman ng pag  katao ko ng tumambad sa aking harapan.

Itim na itim ang kanyang buhok, matang kulay abo na walang buhay at ang mukhang walang emosyon.

Ako pa ba ito? ang pag kakaalala ko sa sky noon ay isang masayahin at puno ng pag asa.

Pero bakit ngayon parang hindi ko na kilala ang sarili ko.

Kahit anong mangyari ikaw parin si sky, ang sky na minahal ko at ang sky na kakambal ko walang nag bago." Naka ngiteng sabi niya sa akin, hindi ko man lang naramdaman na nasa likod ko na siya. Ganon na ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko siya naramdaman ng lumapit siya sa akin?

Kahit mag kaiba tayo ng physical na anyo, wag mong kalimutan isa ang pinanggalingan natin, sabay tayo niluwal sa mundong ito at higit sa lahat iisa lang ang buhay natin, kaya kong may problema ka man wag mong sarilinin  nandito ako." Nakangite niyang sabi sa akin napatitig ako sa kanyang reflection sa salamin.

Tama siya, mag kaibang mag kaiba kami, itim ang buhok ko habang siya puti naman, kulay abo ang mata ko habang siya ay kulay  asul na puno ng buhay at ang mukha niyang puno ng emosyon.

Alam mo ba naitanong ko noon kay ina kong totoo bang kambal tayong dalawa? Sabi ko sa kanya na kaharap siya, napataas naman ang isa niyang kilay. Pero binaliwala ko ito at nag lakad papunta sa bintana kong saan tanaw ang boong academy.






The  Cursed Twins(complete)Where stories live. Discover now