2. Better be clear

Start from the beginning
                                        

"Have limits, study first.." natatawang sagot ko kay inirapan ako ni Darton. "there's no fun in here.."

Kinindatan ko siya. "Watch me.."

Naiiling siyang tinignan ako. Dumating ang dance teacher kaya naayos ang lahat.

"Okay, class. May napili na ba kayong partners?" Sigaw ni Ms. Ana. Kung hindi ako nagkakamali ay matanda lang siya mg ilang taon sa amin. She's very young and really hot.

Sumipol si Luther. "Miss, can I choose you?" Malaki ang ngiti niya sa labi. Nagsigawan ang ibang boys sa loob habang nag-ingay sa bulungan ang mga girls.

Kitang kita ko ang pagpula ng pisngi ni Miss Ana na nawala yata sa sarili. Panay ang mahinang mura ni Draco at suntok sa braso ni Luther.

"Mr. Vera Cruz, I'm your teacher. Stop your flirting skills on me.." tinaasan siya ng kilay. Napahawak si Luther sa dibdib niya at nagpanggap na nasaktan. Napa 'OOohh' naman ang buong klase.

"Okay, Miss, I'll flirt you later.." natatawang sabi niya. Si Simon ay umiiling sa gilid habang panay ang kantyaw nila Darton sa kanya. Umiiling si Ms. Ana pero hindi maitanggi ang pula ng pisngi niya.

Nasa kabilang side sila Simon, Luther, Draco at Darton kaya naman nagpasya akong lumipat doon. Hindi ko naman kasi ka close ang mga nasa side ko. Isa isa nang naghanap ng partners ang mga girls habang ako ay papalapit na kila Simon.

"Simon, pwede ikaw ang partner ko?" The nerve of that girl! Hindi naman kagandahan pero ang lakas ng loob mag aya kay Simon! At inunahan niya ako! Grr.

Napatingin si Simon ng malapit na ako. Huminga siya ng malalim at tumango sa babae. Bumagsak ang balikat ko sa ginawa niya. Halos sumabog ang pisngi ng babae sa sobrang pula.

Nakakuha na ng partner si Darton at Draco. Si Luther nalang ang walang partner sa kanila. Kung sino pa ang pinakamalandi ay siya pa ang walang partner.

"Bakit ala kang partner?" Salita ni Luther sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakakainis ang mga labi niya na palagi nalang malaki ang ngiti. Maganda ang set ng ngipin niya na pwedeng model ng close up. Ang panga niya na perpekto ang hugis at buhok niya na magulo na hindi mo alam kung sinadya o talagang natural.

"I'm annoyed, Luther. Simon didn't chose me." Ngumuso ako at bumaling kay Simon na nakapwesto na sa gitna habang tamad na tamad na nakatabi sa partner niya.

"He will never choose you, Sasha." Malamig na salita ni Luther kaya naman nagtindigan ang balahibo ko. Bihira lang kasi siya magsalita ng seryoso. Madalas kasi ay panghaharot or biro kaya nakakapanibago na seryoso siya.

"Why?" Nagtatakang tanong ko. Bakit hindi niya ako pipiliin? Pangit ba ako? May mali ba sa akin?

Nagkibit balikat si Luther. " Kulang ka sa appeal?" Sumilay ulit ang malaking ngisi niya kaya naman mabilis ko siyang hinampas.

"Appeal your face! Masyado lang talaga siyang cold." Sagot ko. Umiling si Luther habang nakangisi pa din.

"Stop your games with, Simon dahil hindi kapa nagsisimula. Talo kana. He's inlove with someone else." 

Natulala ako sa sinabi ni Luther. Inlove? Si Simon? Kanino? Wala naman akong nakikita na dinate niya ng seryoso. As in wala. Lately nga ay aloof talaga siya sa ibang babae. How come na inlove siya? And ang swerte ng babae. Knowing Simon? He's for keeps.

"Kanino--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Ms. Ana.

"Ms. Dela Fuente and Mr. Vera Cruz.. pumunta na kayo sa gitna."

Napasinghap kami ni Luther at at nagkatinginan. Napatingin kami sa paligid na lahat ngaun ay nasa aming dalawa ang mata. Nagpakawala ng mura si Luther habang ako ay bahagyang yumuko at nakaramdam ng hiya.

"Come on."matigas na ingles na sabi niya sabay hapit sa beywang ko. May kung anong naglakbay sa buong pagkatao ko ng dumapo ang mainit na kamay niya sa akin.

"This is no fun.." tamad na sabi ni Luther. Tumabi pa talaga siya sa tabi nila Simon! Ugh! I want to snap his neck for doing that. And no fun? Ako nga dapat ang magsabi non diba?

Nagsimula ang tugtog kaya nagharap kami ni Luther. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatingin sa kanya. Panay pa ang tawa niya habang binubunggo ng bahagya si Simon para madikit sa partner nito. Apura ang mura sa kanya ni Simon na paulit ulit na nadidikit sa dibdib ng partner niya. Luther's pro on this thing. The fun, the flirting the asshole thing. Sanay na sanay siya sa mga kagaguhan.

"Damn. Simon's really smitten." Naiiling na salita niya. "Love sucks." Pahabol niya. Napangiwi ako ng bahagya. I love the fun pero aminado naman ako na sa huli, gusto ko pa din mahanap ang love. Gaga lang ako pero babae pa din ako. I still believe ang rainbow ang unicorns. I still want to have my prince soon.

"Alam mo kung kanino siya inlove?" Kinapit ko na ang braso ko kay Luther. Tumitig siya sa akin mata sa mata kaya bahagya akong nanglambot at nawalan ng lakas. Nakakalunod ang expressive na mga mata niya. Ang magulo niyang buhok ang nagbigay ng kakaibang dating sa kanya. And hell!! Why the hell I'm telling these pamumuri to him?

"I know but I wont tell. "Ngumisi si Luther na tila ba nang-iinis.

"I will find out soon." Sagot ko sabay irap.

"Yeah,, and brace yourself, too." Nagtaas siya ng kilay. Bahagya ko pa siyang tinulak ng pindutin niya ang beywang ko.

"What?" Natatawang sagot niya sabay taas ng dalawang kamay.

"What? I told you, not me. I know your games and I know your rules. Stop your shit thing on me."

"Mr.Vera Cruz, okay lang kayo?" Sigaw ni Ms. Ana. Humalakhak ng bahagya si Simon sa likod niya kaya napamura si Luther sa akin.

"I'm doing nothing, Sasha.. wala pa.." hinapit niya ulit ang beywang ko. Para naman akong natutuod sa mga paghaplos ni Luther sa balat ko.

"Better be clear, Luther.." umirap ako at pumosisyon ulit sa harap niya kahit nakakaramdam ako ng kaba na hindi ko alam kung bakit.

Ngumuso si Luther at inikot ako. "Yeah, better be clear.." mahinang bulong niya.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now