1. Pay for my bills

Start from the beginning
                                        

"If I was needed there, I wouldn't be here.." masungit na sagot niya. Ngumuso ako at tumitig sa kanya. God! Bakit sobrang gwapo ni Simon? Kahit na tahimik siya at sobrang sungit ay misteryoso siya para sa akin.  Simon never had a girlfriend. Yon ang alam ko.  I mean-- he do flirting. Pero yung serious relationship? He never had one. Well, boy will be boys. At mas lalo akong nachachallenge sa kanya.

"Okay, ang sungit.." umirap ako at itinuon ang mga mata sa daan. Natatakot ako na baka topakin si Simon at bigla nalang akong ibaba sa daan.

Dumating kami sa isang club malapit around Eastwood. Nakaramdam ako ng excitement. Mabuti nalang ang hindi long gown ang sinuot kundi ay mag mumuka akong katawa tawa.

Kinalas ni Simon ang seatbelt niya na hindi manlang ako nilingon. Nakakinis! Hindi ba siya gentleman? Mabilis siyang bumaba sa sasakyan niya at dumiretso ang lakad. Hay nako! Naiirita akong lumabas ng kotse niya at halos magkandadapa dapa sa paghabol sa kanya.

Maingay na music ang bumungad sa akin pag pasok. Panay pa ang sigawan ng mga tao sa gilid kung saan may naglalaro ng poker. Lumiko si Simon sa gawi ng nagpopoker at mabilis na naupo. Jesus! Hindi manlang inalala na kasama ako.  Still, sumunod ako sa kanya.

"You in?" Bungad ni Luther kay Simon. Nang makita niya ako sa likod ni Simon ay nagtaas siya ng kilay.

"Raised, 100 thousand." Salita niya sabay tulak ng chips sa harap.

"How much is the blinds?" Salita ni Simon sabay tawag sa isang usherette na may dalang chips at pang swip ng credit cards. Nagulat ako sa pinalit ni Simon. It's not just thousands. It's millions. Hindi naman sa gulat na gulat. Sa States naman ay naglalaro din ako ng poker pero hindi ganitong halaga. For pete sake! They're just students pero million ang labanan nila.

"100k/200k" tamad na sagot ni Luther. "Babe, are we going to all in?" Napapikit ako ng biglang halikan ni Luther ang tainga ng babaeng katabi niya na biglang napabungisngis. How could-- damn! I'm used of that scenario pero bakit bigla akong nairita? Luther's my boy version. Iritable siya sa akin kaya ganon din ako sa kanya. He loves fun kagaya ko. But I still have limitations unlike him na asshole talaga!

"All in," sagot ng babae. Umirap ako. Sinagad ni Luther ang chips niya kaya naman nanliit ang mga mata ko. God! Wala manlang pares ang baraha niya pero wagas kung sumugal.

Napatingin ako sa pot sa gitna na ilang million na. Ako ang kinabahan para sa kanya. Magkatabi lang kasi sila ni Simon at nasa gilid ako ni Simon kaya kita ko ang baraha niya.

"You've got to be kidding me, asshole." Malamig na bulong ni Simon habang naiiling.. bahagyang natawa si Luther at bumulong pabalik. "That's the fun bro.."

"Fold.."

"Fold.."

"Fold.." 

Isa isang binaba ng kalaban ni Luther ang baraha kaya kitang kita ko ang pagngisi niya. Damn! He bluff them! Manghang mangha ako ng hakutin niya ang ilang million ng chips sa gitna.

"Wanna join, Sasha?" Halos mapatalon ako ng balingan ako ni Luther. Tutal, hindi naman ako kinakausap ni Simon ay tumango nalang ako. "Seat beside me.." utos niya. Kumunot ang noo ko. Inuutusan niya ba ako? Like what the? Nevertheless, sumunod naman ako sa kanya. May kung anong binulong si Luther sa babaeng katabi kaya bigla itong ngumuso at tumayo. Nabakante ang upuan sa tabi niya kaya naman umupo ako. 

Humaplos sa ilong ko ang bango ni Luther kaya may kung anong bumaligtad sa sikmura ko. " You know how to play this?" Salita niya ng hindi ako tinitignan.

"Of course, idiot.." bulong ko. Dinampot niya ulit ang cards niya at binuklat. It's a pair of aces. "Hey, what's with the idiot? I'm being polite here.." salita niya ng hindi ako tinitigan.

"Whatever, Luther!" Niyakap ko ang sarili ko nang makaramdam ako ng ginaw. He's not polite, he's flirt. Like-- ako pa ba ang laruin niya? I know the games.. I know the rules.. unggoy nato!

"Raised, 500 thousand.." nag raised si Simon.. mahinang mura ang pinakawalan ni Luther. Nakalatag ang king, queen, at ten sa gitna. If I were him? Mag fofold ako. Simon's card must have been straight.

"What do you think, sweetheart.." biglang bumaling si Luther sa akin kaya napakunot ang noo ko. "Why asking me? You are the one who's playing." Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Marahan na sinapak ni Simon sa braso si Luther kaya natawa ito ng bahagya. "Stop flirting, bro. Just fold." Naiiling na salita niya.

Nagtikhiman ang mga nasa table kaya natahimik ulit kami. "Answer me, Sasha.." bulong ulit niya. Teka nga? Close ba kami? As far as I remember nakilala ko lang siya recently dahil bestfriend niya si Simon at classmate kami. Nothing more nothing less. At hindi kami magkasundo dahil pareho kami ng ugali.

"All in." Pagbibiro ko medyo natawa pa. "Oryt," nagulat ako ng biglang inilatag ni Luther ang chips niya sa gitna. OMG! Is he stupid?

"All in.." wala manlang kaba si Luther na inilitag ang chips. My goodness! Hindi ba siya natakot na matalo ng milyones? Humalakhak si Simon kasabay ng sunod sunod na pag fofold ng mga kalaban. Si Simon nalang ang natira. Napatingin ako sa kanya na hawak niya ang labi habang nakakunot ang noo. Teka nga! Dapat ay si Simon ang katabi ko ah? Bakit ba ako napatabi kay Luther?

"All in," ngumisi si Simon. Mahina at sunod sunod na mura ang pinakawalan ni Luther. Lumabas na lahat ng baraha. Ibinaba ni Luther ang pares ng alas niya sabay baba ni Simon ng alas at jack. Sabi na eh..

"Out of luck, bro.." hinakot ni Simon ang chips sa gitna. Pumikit si Luther at halata ang pagkairita.

"Fuck you, bro.. just fuck you.." hindi siya ininda ni Simon at nagpatuloy ang laro. Tumayo si Luther sabay tingin sa akin.

Napalunok ako. Iritado siyang nagtaas ng kilay sa akin.. tinaasan ko din siya ng kilay.. nagsimula na ulit ang laro. Tumayo na ako at sumunod kay Luther na umoorder ng shots sa bar tender.

"Want some drinks?" Alok niya sa akin. Tumabi ako sa stool na katabi niya. Umordin ako ng shots.

"Hi, Luther," bati sa kanya ng mga dumadaan. Marahan piniga ni Luther ang pwet ng babae na halos mangisay na sa kilig. Duh! Aminado ako na flirt ako, but that girl? She's a slut. At ano ba pake ko sa kanya?

"Why are you with, Simon? Tapos naba ang party?" Salita ni Luther na hindi ako tinitignan. Panay ang tango niya sa mga babaeng dumadaan. Ang dami nitong landi sa katawan.. I wonder kung bakit sila close ni Simon? Mag kaiba sila.

"I got bored, and Simon looked pissed so sumama nalang ako.." tumango tango siya sa akin.

"Isa pang shot," salita niya sa bar tender. Nag igting ang panga ni Luther na mukhang iritable na naman. "Fuck, I just lost 7million in one night."

"Eh sinugal mo eh.." salita ko. Nagulat ako ng bumaling siya sa akin na masama ang tingin.

"You told me to all in." Mas lalo siyang nairita. Hindi ko alam kung bakit kumulo ang dugo ko.

"I was just joking, kapag ba sinabi kong uminom ka ng lason iinom ka?" Umirap ako. Bahagyang natawa si Luther kaya lalo akong nairita.

"Maybe yes, maybe no," natatawang sagot niya. Hindi ako kumibo. Ang gulo niya. Naglalaro lang ang ngiti sa mga labi niya.

"Luther, my unit is empty and cold.. might want to join me and make it hot.." pumulupot ang braso ng babae sa leeg ni Luther. Dumulas ang kamay niya sa beywang nito kaya bigla itong napasinghap.

"I like the idea," tumayo si Luther at hinarap ako. "Pay for my bills, Sasha.." natulala ako at nalaglag ang panga sa kanya. Was he serious?

"Seryoso?" Tanong ko. Ngumisi si Luther at tumalikod. " I'm serious." Dammit naisahan niya ako!

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now