Xx Chapter Twenty-seven xX

6.7K 131 3
                                    

Hey guys! Hehe, please don't forget to..

Vote
Comment; or to
Share this story..

Thank you!
×××♠♠♠×××

Xx Kiersten's P.O.V xX

Tok tok tok! Bumukas yung pinto at pumasok dun ang gwapo kong fiancé.

"Kiersten, di ka pa maglu-lunch? Cassandra and the other's are waiting for you." Natigilan ako sa sinabi niya.

Agad na nawala ang ngiti sa lani ko at umiwas ako ng tingin kay Sky. "I.. I don't want to see them yet. Di pa umaalis ang tampo ko sa kanila Sky." Pagsasabi ko ng totoo.

Yes, may kung ano akong nararamdaman na tampo mula sa mga kaibigan ko. They all left me dumbfounded, kung hindi nangyari yung 'war' na sinasabi ni Sky, I wouldn't know it myself.

Nadinig kong bumuntong hininga si Sky. "Love.. Kyle and the others, especially Cassandra , is worried about you. Iniisip nilang ayaw mo na sa kanila dahil sa natakot at galit ka sa kanila." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero hindi ako nagsalita, "sigh.. Love, they did that para hindi ka mag-alala o matakot sa kanila." Dugtong niya.

Agad na nangilid ang luha. "But love, they made me look stupid. Especially you." Natigilan si Sky sa sinabi ko at bigla siyang nanlumo. Kahit ako ay hindi inaasahan na masasabi ko 'yon. Umiwas ako ng tingin at mabilis na pinunasan ang tumulong luha mula sa mata ko. "I-I didn't mean to be h-harsh, love, but.. it's true. I-I know I-I'm hurting you r-right now but I can't s-stop myself.." Humahagugol na sabi ko.

Nagulat na lang ako nung bigla akong yakapin ni Sky. "Shhh.. It's okay, love. Alam ko ang pagkakamali ko. Naming lahat. We understand you pero sana love explain it to them. Hindi lang ako nasasaktan. Those people around you are hurting too." Mahinhing sabi ni Sky.

Humiwalay siya sa yakap at pinunasan yung luha ko, "don't cry 'kay?" Sabi niya at hinalikan yung gilid nung mata ko. "Nasasaktan ako kapag umiiyak ka so please..? Wag ka ng umiyak." Dugtong pa niya.

Tumango ako at yumakap lang sa likod ni Sky na parang bata. Lumabas kami sa opisina ng ganoon ang pwesto. I clinged to Sky's arm na para bang ayoko na siyang bitawan dahil baka mawala siya. Nakapunta kami ng cafeteria ng ganoon ang pwesto and I can feel the questioning stare and glares of the other students, especially girls.

Nabalik ako sa ulirat nung huminto si Sky sa paglalakad, dahil nagtataka ako, tumingin ako sa tinitignan niya. Halos mahulog ang mata ko at manlamig ang kamay ko nung makita si Kuya Miko. Naramdaman kong hinawakan ni Sky ang kanay ko at parang may kung anong bumara sa lalamunan ko na mainit na nagpatuyo dito.

W-What is he doing h-here?

Kuya Miko is staring coldly at Skyler. Ganoon din naman si Skyler. May kung anong sumabog na bomba ng kaba sa dibdib ko.

T-They aren't going to f-fight here, right? They are n-not going t-to p-pull out some gun a-and sh-shoot at each o-other, right?

Halos mabaliw ako sa kung anu-anong tanong na pumasok sa isip ko. Natatakot ako dahil sa kaninang kalmadong atmosphere ay naging tensyon na kahit sino dito sa cafeteria ay kakabahan. Dahil sa hindi ko na kinaya yung tensyon at pagiging tahimik nilang dalawa. Napalunok ako ng ilang beses.

"K-Kuya Miko.. A-Anong.. ginagawa m-mo dito?" Halos magkanda utal-utal ako sa pagtanong.

Nabaling ang atensyon niya sa akin, ang kaninang malamig niyang pagtitig ay napalitan ng magkahalong emosyon katulad ng lungkot at saya.

Ngumiti ito ng tipid, "masama bang bisitahin ko ang pinsan ko?" Sabi nito sa kalmadong paraan. Yung Kuya Miko'ng dati na nakasanayan ko, yung dating masayahin at inosenteng Kuya Miko.

My Husband Is A MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now