Mabilis kong dinampot yung telepono at bahala na kung lumaki man bill namin ni King eh sandali lang naman akong gagamit eh. Tatawagan ko si Jackie since siya yung pakawala sa aming magkakaibigan so I assume na hindi na siya virgin. Parang ang imposible naman ata kung virgin pa siya ngayon eh jusko kung makipaglandian sa lalaki akala mong mauubusan ng araw eh. Hahaha.

(Hello? Ang langya naman! Ang aga tumawag ah?!! Sino ba'to?) tanong ni Jackie sa kabilang linya. Kahit kailan talaga ang bastos niya.

"Gaga ako 'to si Sheila! Hoy Jacques!" sigaw ko sa real name nya. Yeah. Ja-kes ang pronounciation dyan pero mas gusto nya yung Jackie. Syempre para makaganti tinatawag ko siya sa Jacques. 

(Oy! Mas gaga ka! Sang lupalop ka ng Earth? Kalandi mo tangna mo!!) tignan mo 'tong babaeng 'to! Pero sanayan lang kay Jacques kahit sa grupo kami ang madalas na magtalo.

"Nasa America ko. Rumarampa sa Holywood may angal? Malamang sumama ko kay King no." mataray kong sagot kay Jackie.

(Naks naman nag flylalu pala ang loka. So ano nga kailangan mo? Mang-iinggit ka ganon? Hanapan mo ko ng matandang mayaman na gwapo na hot na madaling mamatay pero nakakabuntis pa din ah.) ano daw?!! Puro kalokohan talaga 'to.

"Hay wala! Sige babye na nga!" at ibinaba ko na yung telepono. Bwisit! Wala naman akong napala dun sa babaeng yun.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ko sa function hall para magpakasal. Ano ba naman yan! Ang boring lang. Kami ni King at saka yung judge lang tapos kumuha na lang ng ilang chamber maids at bell boy na mga pinoy para maging witness / bisita namin sa kasal na'to. Feeling ko 'to laro lang 'tong ginagawa namin. Hays.

"I King Romualde take you Sheila Estevan to be my wedded wife. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness or in health, to love and to cherish 'till death do us part. And hereto I pledge you my faithfulness."

...........

"I Sheila Estevan take you King Romualde to be my wedded husband. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness or in health, to love and to cherish 'till death do us part. And hereto I pledge you my faithfulness."

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon