Baboy

315 8 1
                                    

Napapadalas ang uwi ko ng gabi dahil sa nag oovertime ako sa trabaho at di naman ako nangangamba na umuwi ng gantong oras dahil sa kalalaki kong tao at wala ako kinakatakutan at hindi ako naniniwala sa mga multo at aswang ngunit isang gabi..

Bilog na bilog ang buwan ng umuwi ako galing work. Medyo gubat pa ang aming lugar at madaming puno at napakadilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa daan.

Nang may dumaan bigla sa harapan ko na isang baboy at agad ko naman itong sinundan upang hulihin. Napaka bilis ng takbo pero hindi naman ako nagpahuli at binilisan ko din ang takbo ko.

Ng macorner ko ang baboy ay pulang pula ang mata nito at nanlilisik at parang galit na galit. Sabi ng baboy  uwee... Uweee.. May ganto palang baboy ang huni ay uwee uwee...at hindi oink oink. Grabe napakalakas ng baboy ng subukan kong yakapin para hulihin ay tumalsik ako at napaupo.

“Ikaw baboy ka! Sumusobra ka na! Pag nahuli kita liletchonin agad kita..” sabi ko sa sobrang inis ko sa baboy.

Pagtingin ko sa gilid ay may kahoy at agad ko pinulot pagka tayo ko.

Nashocked ako dahil sa pumulot din ang baboy ng kahoy gamit ang bibig niya at nag-ispadahan kami.

Dahil sa mas matangkad ako sa baboy ay binti ko lang ang natatamaan niya. At ako naman ay lagi sa ulo ang tinatamaan ko. sa sobrang inis ng baboy ay binitawan na ang kahoy at sinakmal ako. Napahiga ako at siya'y nakapatong sa katawan ko.

Sabi ulit ng baboy.. Uweee uweee uweee habang sinasakmal ako.

Hindi ako nagpasindak at hinarang ko ang braso ko at hindi naman niya ako nakagat dahil sa walang ngipin ang baboy. Habang sinasakmal niya ako ay may nakapa ako na malaking bato at agad ko din pinokpok ng malakas sa ulo ng baboy.

Nawalan ng malay ang baboy at duguan ang ulo at binuhat ko na ito pauwi.

Bago ako natulog tinalian ko ng mabuti sa leeg ang baboy sa likod bahay namin para kung sakaling magka malay ay hindi siya makatakas. Balak kong letchonin siya para bukas.

Kina-umagahan pagka gising ko ay walang almusal sa lamesa. Asan kaya si lolo bakit kaya hindi naghain ng almusal at naalala ko bigla ang baboy kagabi at kinabahan ako at natakot.

Nagmadali ako lumabas ng bahay at nagtungo sa likod kung saan ang baboy ay nakatali.

Nakita ko ang baboy ay wala pero ang lolo ko ay nandun at nakaupo at may tali sa leeg at may sugat sa noo.

“Pasaway ka Cardo! Pinapauwe na kita kagabi at nakipag matigasan ka pa saakin!” sabi ng lolo ko habang nagagalit

“Sorry lo napadami ata ang inom ko kagabi..”

“Sabi ko na sayo Cardo huwag ka iinom lumalakas ang imagination mo. Hindi na kita ulit susunduin pag ginabi ka!.”


---The end---

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now