Ninety Six - Rescue Operation: JCLJ Style

Start from the beginning
                                    

Pero ayaw makinig ng puso niya. He can't be selfless kahit pa gusto niya at isinisigaw ng isipan niyang iyon ang tamang gawin. Hindi niya kayang bitawan si Elaejiagh. Hindi niya kaya. Kahit lampas na sa limitasyon at nasa dulo na siya ng kanyang hangganan, hindi niya pa rin kaya.

Elaejiagh is his salvation. Elaejiagh is his bliss. Elaejiagh is his universe. Elaejiagh is his happiness. Elaejiagh is his love.

She was the only one who can love him. And she is the only person that he loves. Night and day, through summer or rainy days, even as a broken child or a restless man. He loves her. Nonstop. Everytime.

He isn't deserving of her love. There's a lot of men who can make her happy. There's a whole lot of men who can be who she wants them to be. He should give her up.

He can't. Won't. Never.

He vowed to bring her back to him. In good time. Gagawin niya lahat-lahat. He'll even give up his dreams of becoming a professional basketball player to be someone who's worthy of her and her love. In good time.

Because hope... is the last to die.

(Lhia's POV)

"HUWAAAAT?" sabay-sabay na sigaw nilang tatlo that I cringed in my seat.

"Nag-deposit si Yuri kay Aryann?" gulat na tanong ni B1. Nays, parang nag-uusap lang kami tungkol sa perang pina-bangko ni Yuri kay Aryann tapos biglang naging bata.

Nagkibit ako ng balikat. "Eh 'yun ang natagpuan ng investigator mo eh."

"Ba't ka nag-hire ng tao ko ng walang paalam, B2?"

"Ekskyushmi, B1, nagpaalam ako sa'yo. Baka hindi mo lang napansin o naalala dahil busy ka much kay Clyde."

"Hmf!"

Ang charot neto ni B1.

"Eh pa'no 'yun?" nagugulumihanang tanong ni peke. "Yuri balked out of the responsibility with their child tapos dine-deny pa niyang anak niya 'yon. Kailangan nating tulungan si Aryann!"

Tumaas ang kilay ko. Of all people, I never EVER expected na kay Jhem manggagaling 'yan after ng naging nakaraan ni Mico kay Aryann. Sinapian ang bruha. "Tulungan?"

"Yeah. Like... raise the child?"

Nagpapatawa ka ba, peke?

"Aryann is a Delta. Umaraw o bumagyo may maipapakain siya sa anak niya dahil isa siyang Delta. Emerald's Delta. Pagtatawanan niya lang 'yang alok mo."

"Edi mas lalo nga natin siyang kailangang tulungan, B2." Panegunda ni Jiagh sa sinabi ni Jhem kanina.

Napakunot lang ako ng noo and cocked my head sideway as if asking them. Finally tumayo si Ate Cris mula sa couch na inuupuan nila ni B1 at tumango-tango na tila ba iniintindi niya ang sitwasyon.

"May punto si Sis, bunso."

"Eh? How so?"

"Sabi mo parte siya ng Emerald? It means candidate rin siya. Hindi kasal si Aryann. Wala sa rules ng Emerald na matatanggal ka as bachelorette kahit magkaroon ka pa ng isang dosenang anak. Basta hindi ka kasal, ang Emerald ang mag-a-arrange ng kasal para sa'yo. What if they make her marry someone na bayolente? Or cold-hearted at puro business lang ang alam?"

League Of The Broken Hearts IIWhere stories live. Discover now