Three

7 0 0
                                    

Naglalakad ako kasama si Kiel at Lee nang mapansin kong sa gawi namin napapatingin ang mga estudyante.

"B, wala ka bang napapansin?" bulong ko kay Kiel. Kanina ko pa kasi napapansing parang samin sila nakatingin.

"Hayaan mo na si Sasa, ang ganda mo kasi tapos ang hot ko pa. Namamangha lang siguro sila." tuloy tuloy na banat ni Lee sakin. Binatukan siya ni Kiel, natawa naman ako. Kung naweweirduhan ako sa mga tao sa paligid ngayon, mas naweirduhan naman ako kay Lee.

Sa pagkakaalam ko Hindi naman siya ganito eh. Tahimik kaya siya, sabi nila.
Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan ang dalawa na magbatukan.

Pagkaabot namin sa room ko ay agad nagpaalam ang dalawang bodyguard ko.
Eh kasi naman e, kahit saan ako magpunta, mapacanteen o pag uwi o pag papasok na ako sila ang kasabay ko. Mukha tuloy akong prinsesa.

"Hey baby girl."

Hindi ko pinansin kung sino ang nagsalita.
Alam naman nating siya lang ang lalaking ubod ng kalandian kung makatawag sa akin ng baby girl.

Patuloy lang ako sa paglalakad patungo sa classroom nang makita ko na may mga larawan ako noong bata ako na nagkalat sa bawat sulok ng room. Shit. Inis na inis akong nagtatakbo upang lukutin ang mga papel na iyon.

"Oh my God, is that you noong bata ka pa? Ha Ha Ha, so ugly!" isa pa tong butiki na girlfriend ng gagong aso na iyon. Magsama nga sila.

Hindi lamang ito ang unang araw na ganito ang nangyayari. Sa loob ng ilang linggo ko dito sa Howie University, lagi akong binubully ng mga kaklase ko.

Bubble gum sa upuan ko?
Mga papel, bato at kung ano ano pa sa loob ng bag ko.

May araw din kayo mas lalo kana John Marco Sandoval!

Inalis ko lahat ng mga kalat na iyon. Nagtatawanan lang ang mga kaklase kong ubod ng kasamaan. Hanggang sa dumating  ang teacher namin.

Napag isip isip ko ulit na bakit ganitong lugar ang gusto ng Mama ko. Ito ba ang pangarap niya? Malinis, maayos at marangya nga pero  kaysama naman ng demonyo ang mga tao rito.

Natapos na ang klase at lunchbreak na namin. Ayoko na sanang lumabas pero nakita kong hinihintay ako ni Kiel at Lee sa labas. At ang dalawa todo asaran pa. Close na nga ata sila.

Nakita ko rin si Kuya Kristan, Kuya Elmo at Zai na naghihintay sakin.

"Sasa, kumusta? Napadaan lang ako dito. You forgot this at the car." inabot ni kuya ang P.E uniform ko.

At nga pala, dito rin nagaaral ang mga barkada ni Kuya Kristan. Pareparehas pala silang nagtransfer. Kaya naman wala ulit kawala si Kuya kundi dito na naman sa mga barkada niya.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nagtitilian ang mga girls sa gilid. At ang mga Kuya ko naman ay parang wala lang pake sa mga ito.

"Sasa okay ka lang ba dito sa new school mo? Kamusta ang mga classmates? Okay lang ba sila?" tanong ni Kuya Elmo.
"Yes po Kuya. Okay lang." I lied. Ayoko kasing sabihin sakanila. Iba pa naman pag magalit si Kuya Tristan, wala siyang pakealam sa mga nababangga niya so tatahimik nalang ako.

"Sasa, kung may nang away sayo just tell us." Um-oo nalang ako. Umalis na din sila.

"You lied again, B. Ilang beses ka na kayang pinagtitripan ng mga kaklase mo!" inis na sabi ni Kiel sa akin. Naipaliwanag ko na sakanya kaya naman hinayaan ko nalang siya sa mga sasabihin niya.

Naglakad nalang ako at sumunod naman silang dalawa.

"Ang sama talaga ng mga kaklase ko. Ugh!" padabog akong naglalakad habang papunta kaming canteen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back to strangersWhere stories live. Discover now