Two

2 0 0
                                    

"Wake up Sang! Nak, malalate kana!" sigaw ni mama sabay palo pa sa pwet ko.

Dumilat ako at kinusot ang mata.
"Ma, ang aga pa lang eh." pagmamaktol ko. Maaga pa naman talaga ito para saken.

"Anak naman, hindi kana Grade 10. Senior kana ngayon, at unang araw mo pa sa new school mo. Hindi kana dapat gaya ng dati  na aabutin ng 8 sa pagpasok." sermon ni mama. Ano ba naman.

Tumayo na ako at inayos ang higaan ko.
"Opo na po. Sige na ma, labas kana. Maliligo na ako, ako na bahala sa sarili ko."
First day of school ko to, pero feeling ko first day ng kamalasan ko para sa whole school year. Kung hindi ko pa itutulak si mama palabas sa kwarto ko, malamang ibebaby na naman ako ni mama.

Gaya noon, everytime na magigising ako, siya na nag aayos ng lahat ng gagamitin ko. Para talaga akong baby ni mama kahit antanda tanda ko na.

Kaya naman, unang plano ko ngayon, magiging dependent na ako. Dapat alam ko na ang tumayo sa sarili ko. Even though ganyan si mama, dapat ko nang alamin ang mga gawain ng isang dalaga. Oh diba? Ano say niyo?

"Anak, ready na ang kuya mo. Bumaba kana diyan. Malalate na kayo." Sigaw ni mama na mukhang mas excited pa kaysa saken. Ah oo nga pala, pangarap to ni mama kaya dapat kong gawin para sakanya.

Dali dali na akong pumanaog. "Anjan na po."

Una kong nakita si papa na nasa table at umiinom ng kape. Nag goodmorning ako sakanya.

"Goodluck anak." Tumayo si Papa at ginulo kaunti ang buhok ko. Iniwas ko naman iyon.
"Pa, huwag mo guluhin yang buhok ko. Isang oras ko kayang inayos iyan." Tumawa lang si Papa.

"Aba, mukhang marunong na magpaganda ang anak ko ha. Basta huwag munang makikipag asawa ha? Yung mga bilin namin sainyo ni Mama." tumawa ako sa sinabi ni papa.

"Pa naman, hindi pa naman ako mag aasawa no!" tumawa pa si papa.

Sabay kaming naglakad patungo sa labas. At naroon na nga si Kuya at nakasaksak na naman sa magkabilang tenga niya ang headset. Hindi kaya nabibingi si kuya?

Si mama naman, nandoon na. Mukhang masayang masaya talaga si mama eh.

Ginulo ni kuya ang buhok ko at inakbayan ako. Kahit ganito si kuya, parang may sariling mundo pero pag sa aming pamilya at mga kaibigan niya, madaldal si kuya. Ewan ko ba at ayaw makisalamuha sa iba. Weird.

"Hey Sang. Bat ka nakalipstick?" sabay irap ni kuya.

"Hayaan mo na Kristan. Dalaga na talaga ang kapatid mo." Ani mama.

"Alam mo kasi kuya, pangmayaman yong school natin kaya dapat tayong makipagsabayan sakanila. Gets? At ikaw, huwag ka namang kj sa ibang boys, gusto mo lang kasi sina Kuya Elmo at Zai ang kasama eh."

Totoo naman eh. Laging sila ang magkakasama, well hayaan ko na nga.

Nagpaalam na kami at hinatid na nga kami ni Manong Fred sa school.

I waved my hands to bid my bye to my parents. Makikita ko talaga ang saya nila para sa amin. At nakita ko pang hinalikan ni Papa si Mama. Aba talaga yong dalawang yon eh.

Nagkekwentuhan lang kami ni kuya sa byahe. Mga 20 minutes din siguro ang biyahe namin. Medyo malayo iyon kumpara sa 10 minutes lang na byahe namin sa dating school.

Hindi na familiar sa akin yung dinadaanan namin. Ngayon lang ata ako nakapunta dito. And mapapaWow ka talaga kasi napakaganda ng paligid.
May mga ilaw, hindi lang simpleng ilaw pero mga naglalakihang ilaw na may iba't ibang disenyo at ilaw. Ang ganda naman dito.

"Kuya, see that? Ang ganda ng paligid."
Manghang mangha talaga ako sa mga nakikita ko. Mas lalong dumarami ang mga buildings na may iba't ibang designs. At mga naglalakihang bahay. Kitang kita talaga ang karangyaan.

Back to strangersWhere stories live. Discover now