"Simpleng usapan lang at kainan lang ang aming ginawa, wala nang iba. Ayan na naman kayo."

Tumalikod na ako at humiga. Lagi na lang ganyan ang sinasabi nila sa akin simula nang naririto kami sa aming room.

"Wala naman kaming sinasabing iba." Natatawang sigaw ni Dianne galing ibaba.

"Matulog na nga kayo."

Namumula na ako sa alaalang iyon, nakakainis ka naman Sir. Ang arte mo pa.

Ilang araw na lang pala at uuwi na ako sa amin. Na-mi-miss ko na sina Tatay at Nanay. Ewan ko ba ibang pakiramdam pa din ang nararanasan ko tuwing nasa sarili akong tahanan. Masaya dito, inaamin ko iyon pero wala nang mas sasaya pa kung nasa piling ka nang iyong pamilya. Maganda talaga ang naging desiyon ni Tatay na dito lang ako malapit sa aming isla ang pagta-trabahuan ko, iwas hassle.

Kaya nga lang isang araw lang ako doon dahil na din sunday lang ang day-off ko, wala din pala hindi ko din sila makakasama nang matagal.

Nakatulog akong payapa ang aking pag-iisip. More family, less Sir Liam.

"Good morning, Trixie." Masayang bati sa akin ni Ivan.

Patungo kasi ako sa cafeteria namin ngayon at mag-be-breakfast. Nakahantay lang ito sa pintuan nang cafeteria kaya bungad na bungad ang itsura niya.

"Good morning din, bakit hindi ka pa pumapasok sa loob. Para na din maka-upo ka na."

"Alam mo namang lagi kitang hinahantay, ayaw mo na ba akong kasama?"

Kunot-noo ko naman itong tinignan, seryoso ba itong si Ivan? Ano bang pinagsasabi nito. Nagbibiro na 'to?

"Malamang hindi, bakit mo naman naitanong yan?" Umiling-iling na lang ako at tinignan ang mga ulam na nakahain. "Ate, ito nga pong tocino." Sabay turo ko doon sa stall.

"Hindi mo kaya ako pinili kahapon, pinili mo pa si Sir keysa sa akin." Ang hirap namang mabasa ang iniisip nito. Hindi naman ganoon ang intensyon ko, na iwanan siya sa ere, ang sa akin lang ay ang iwasan ang eskandalong gagawin ni Sir kung sakali man.

"Hindi ko naman ginusto iyon, kung tutuusin kaya ko naman talaga pinili si Sir dahil ayaw ko lang gawin niya ang pagbabanta sayo."

I'm His Private DancerWhere stories live. Discover now