Kabanata VII

62.2K 2K 106
                                    

KABANATA VII

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA VII

Eris Mesina

Pagpasok pa lang namin sa apartment ay nag-wala na si baby Leo. Binaba ko ito pero pinagsisihan ko ang ginawa ko. Paano ba naman ay pinagbabato nito lahat ng mahawakan.Mabuti na lang at hindi babasagin ang mga gamit ko kung hindi ay ewan ko na lang. Hindi nagsasalita si baby Leo pero halata sa mukha nito ang inis.

"Baby leo!" Gulat kong sigaw. Binato kasi ako ng remote buti na lang naiwasan ko, kung hindi ay may bukol na siguro ako sa noo.

Nalaglag na lang ang panga ko sa nakikita ko. Ang malinis at maaliwalas na sala ng apartment ko ay parang dinaanan na ng bagyo. Makalat na ang buong sala pati nga pinamili ko ay nagkalat na rin sa sahig. Bakit ba nag t-tuntrums si baby Leo? Ayaw niya ba sa akin? Maganda naman ako, mabait atsaka okay naman kami noon sa park ah.

Binuhat ko siya at pilit na pinapakalma. Hampas at kurot 'yan ang natamo ko kay baby Leo. Kung hindi niya ako hahampasin sa mukha ay hahampasin naman niya balikat ko at kukurutin ako. Napasigaw ako nang bigla niya akong kagatin.

"Baby Leo! Bakit mo ako kinagat?"

"Pakwe mo?!"

Ay paki ko raw.

"Baby Leo, huwag ka ng magwala." Pag-aalo ko sa bata."Bakit ka ba nagwawala? Ayaw mo ba sa akin?"

Yumuko ako at sinimulan ng pulutin ang mga kalat gamit ang kanang kamay ko. Hindi ko pa rin siya binababa dahil sa oras na ibaba ko sa ay mas madadagdagan lang ang gawain ko.

"Aray! aray!" Daing ko nang paghahampasin niya ulit ako.

"fvc— Put me down!"

Sumosobra na talaga ang cute na batang ito ah! Nananakit na katawan ko kakahampas niya. Inilapag ko siya sa sofa dahil ko na kaya. Pagsasabihan ko sana siya pero sa halip na magalit ay napangiti ako. Paano ba naman ay nakabusangot ito, ang cute tuloy. Cute nga pero sadista naman.

"Hays, wag kang aalis diyan baby Leo. Liligpitin ko lang ang mga kinalat mo." Ginulo ko ang buhok niya kaya mas lalo itong ngumuso.

"Ang cute talaga ng batang 'to." Bulong ko pero mukhang narinig niya, bigla na lang kasi akong binato ng throw pillow.

3rd persons pov

Sa kabilang dako, inis na inis si Alexius na ngayon ay si baby Leo. Gusto niyang tawagan si Kiro at pagmumurahin ito kaso wala naman siyang cellphone. Naiinis at nagagalit siya dahil iniwan siya nito sa babaeng hindi naman niya lubos na kilala. Ang akala niya ay tutulungan siya ng pinsan at kaibigan pero iniwan siya nito.

Nakakunot ang noo niya habang pinapanuod ang babae— si Eris na nililinis ang mga kinalat niya.

"This woman touched me, hindi lang 'yan ang gagawin ko sa susunod na hawakan mo pa ako. I won't let you touch me and kissed me again woman!" Aniya sa isip.

The Billionaire BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon