Kabanata II

83.9K 2.8K 96
                                    

KABANATA II

Eris Mesina

"Tito, mas kailangan niyo po itong pera kaysa sa akin." Umiling si tito sa sinabi ko. Ayaw talaga niyang tanagapin 'yong pera.

"Pamangks, kailangan mo 'yan, isa pa pinaghirapan mong kitain 'yang pera. Ibayad mo na lang 'yan sa utang mo dito sa apartment mo."

Napanguso ako. Kahit kailan talaga si tito. "Mauunawaan naman po 'yon ni manang Mersi atsaka may konting ipon pa naman po ako kaya tito tanggapin mo na po 'to." Inabot ko ulit yung pera.

"Pamangks naman! Mumultuhin ako ni ate at ng papa mo. Ayoko nun! Alam mo naman na takot ako sa multo." aniya. umakto pa si tito na natatakot.

"Mumultuhin ka po talaga nila kapag hindi mo tinanggap itong pera." Natatawa kong sabi. Pwersahan ko nang inilagay sa palad ni tito yung pera. Ibabalik niya sana ulit pero pinigilan ko siya. Pinandilatan ko pa nga ng mata kaya hindi na talaga siya nakapalag.

Bumuntong hininga si tito bago ibulsa ang pera. "Babayaran ko rin pamangk—"

"Huwag na po tito." putol ko sa sinasabi nito.

"Anong wag na? Pamangks! Mumultuhin talaga ako ng ate at ng papa mo!"

Napasampal ako sa sarili ko. Napakaisip bata talaga ni tito. Pinipilit niya pa ring magpatawa kahit na may pinagdaraanan sila ni tita.

"Akong bahala, sasabihin ko sa kanila na wag ka pong multuhin."

Ngumuso siya. Ano ba 'to si tito, feel na feel ang pag p-pout, feeling bagets hahaha!

"Sure ka d'yan? Mamaya multuhin talaga nila ako— katakot!"

Natatawa akong tumayo. "Oh siya tito! Uwi ka na, walang kasama si tita do'n pati na 'yong pinsan kong cute. Baka bugbugin ka ni tita, lagot ka."

Bigla siyang napasinghap. "Paktay! Mabubugbog ako ni misis! Sige pamangks! Kita kits— ay teka, bakit pala nakapang-alis ka? Aalis ka ba? Anong oras na ah." Nameywang si tito. Tinaasan pa niya ako ng kilay.

Hindi ko pala nasabi sa kanya na may trabaho na ulit ako at kung anong klaseng trabaho ang meron ako ngayon.

"Papasok po ako sa trabaho."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Anong trabaho? Gabing-gabi na ah— jusko! Pamangks?! Bakit gano'ng trabaho ang pinasok mo—"

"Tito, huwag pong madumi ang utak okay? Sige na to, larga na." Pabiro kong tinulak si tito palabas sa apartment ko.

Wala na rin naman siyang magagawa dahil kailangan niya ng umuwi pero bago siya tuluyang umalis ay pinagbilinan niya muna ako na mag-ingat sa daan at isarado ng maigi ang pintuan ng apartment ko. Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin ako, nakasalubong ko pa si manang Mersi.Kinuha ko na 'tong tiyansa na ito para maki-usap. Lumapit ako kay manang at nagmano.

"Manang." paano ko ba ipapaliwanag kay manang? Nahihiya na ako, ang laki na ng kulang ko sa renta ng apartment.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng paliwanag nang tapikin ako ni manang sa balikat. Nginitian pa ako ni manang kaya nakita ko yung maganda niyang postiso.

"Nuunawaan ko. Nakasalubong ko kanina 'yong tito mo at naipaliwanag na sa akin. Atsaka ka na magbayad kapag nakaluwag-luwag ka na." Aniya. Bigla akong nakahinga ng maluwag. Nakakahiya na talaga. Mabuti na lang talaga at maunawaini at mabait si manang. Mag a-advance na lang ako ng sahod para makabayad kaagad ako.

Pinasadahan ako ng tingin ni manang mula ulo hanggang paa. "Ija, saan ang lakad mo? Gabing na ah."

"Sa trabaho po." Napakamot ako sa batok.

The Billionaire BabyWhere stories live. Discover now