2

13 0 0
                                    

Few years ago

"Mommy, mommy! Punta lang po ako Tita Claire," sabi ko kay Mommy na nagluluto sa kusina.

"Magpasama ka sa mga kuya mo."

"Mommy, malaki na po ako. I don't need Kuya na," I grumpily said.

"Magtigil ka dyan dahil di rin kita pahayagan."

Napasimangot na lang ako hanggang sa makarating kami ng mga kuya ko kila Tita Claire.

"Hi, Tita Ganda." bati naming tatlo nang makita namin siya sa kusina kasama si Bernice na nakaupo sa maliit na silya. Nilapitan ko ito at marahang kinurot sa pisngi.

"Hello kids. Nandun si Xander sa kwarto niya. Si Calvin, wag niyo muna istorbohin dahil mukhang bad mood yata at baka mabungaran lang kayo ng galit pero try mo, Alli, ikaw lang naman siguro ang close sa kanya."

Pagkatapos nun ay umakyat na kami. Sa totoo lang, pumunta talaga ako dito para kay Xander kaya lang mukhang kailangan ng kausap at kasama ni Calvin.

"Hi, Vin!" sabi ko nang makapasok ako sa kwarto niya ngunit napangiwi ako nang makitang tulog ito. Kainis naman. Pumunta na lang ako sa kwarto ni Xander at naabutan ko sila doon ng mga kuya ko.

He was currently watching his favorite series of Phineas and Ferb with Kuya Jeydon pero si Kuya Jayden ay may binabasang comic book sa gilid ng kama.

"Hi, Xander!" masigla kong bati sa kaniya at lumipad agad ang tingin niya sakin. Marahan lang itong ngumiti at binalik na ang mata sa TV.

Hayy, ang pogi niya talaga.

Simula ng araw na iyon ay mas lalo ko pa siyang ginusto. Mas lalo akong nahulog sa kaniya at alam niya yun. Araw-araw akong nasa bahay nila at kinakausap siya hanggang sa naging kaibigan ko na siya to the point na di ko na masyadong nakakasama si Calvin dahil mas pipiliin ko talagang makasama ang ultimate crush ko. Nagalit at nagtampo sakin si Calvin pero walang nakapagpatigil sa akin dahil mas gugustuhin ko pang sumaya araw-araw habang kausap siya.

Nung mag-15 years old ako ay mas lalo siyang naging caring sa akin kahit college na siya at ito namang si ako, kilig na kilig. Kinukuwento ko iyon lahat kay Calvin dahil ayos na kami simula nung tumuntong kami ng Grade 7. Kapag naman busy si Xander ay kami ni Calvin ang magkasama at nagbobonding at buti na lang ay hindi niya pinagseselosan si Calvin kasi simula nang mag-dalaga ako ay dumami na ang umaaligid sa akin at hindi ko alam sa sarili ko kung isipin ko bang nagkakagusto na siya sa akin kasi wala namang assurance eh.

He was already giving me mixed signals and telling me things I have wanted to hear from him pero nagbago ang lahat. I knew I was annoying him already when I acted as his girlfriend even though I know he's hot-headed. I was being strict on him but I was supporting him. Lagi ko lang naman iniisip ang kapakanan niya until I realized it already, hindi niya ako mahal. At sa tingin ko ay hindi niya talaga ako kayang mahalin, na lahat ng pinapakita niya ay isa lamang kaplastikan at walang katotohanan.

Grabe, asang-asa ako doon. Araw-araw ako umiiyak at hinihiling sa lahat ng langit na sana mahalin niya rin ako, pero sino nga ba ang niloloko ko? We can never teach and force our hearts who to love and who to not. Pero bakit ba sa kaniya tumibok ang puso ko? Labis yata akong pinarusahan ni kupido.

Calvin was there for me. He stayed by my side. And Arielle came into Xander's life. I was devastated and I couldn't do anything but to watch him in someone's arms.

Tanggap ko.

Tanggap kong hindi niya talaga ako kayang mahalin pero isa lang naman ang gusto kong hingin sa kaniya eh.

Katahimikan ng nakaraan.

Gusto ko lang malaman kung bakit. What was his real intention to me? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam. Hindi ko siya makausap dahil pinangungunahan ako ng takot at sa tingin ko ay hindi pa ako handa kahit na isang taon na ang lumipas.

Mas dumoble pa yata ang sakit nung tumuntong ako ng college. Araw-araw ko na siyang nakikita—silang nakikita. Nakakatawa, hindi ba? Pilit ko naman siyang kinakalimutan pero ang lakas talaga ng nararamdaman ko sa kaniya eh. I tried diverting my feelings into someone else but I failed. Iniiwasan niya ako at tuwing magkakasalubong kami ay parang hindi niya ako nakikita.

Masakit pa rin.

At walang araw na hindi ko siya iniisip kahit na puro sakit lang ang dinanas ko sa kaniya. Heaven knows how much I wanted to bury him at the deepest part of my head.

Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay malaman ang rason dahil matagal ko nang gustong makawala. Ayoko na maramdaman ito, nakaka-trauma. At sa susunod na mangyari ito ay pipigilan ko na ang sarili ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Set Me FreeWhere stories live. Discover now