BMOLM......7 (Selos???)

111 3 5
                                    

This is dedicated to you! thanks for reading the story! :*

Mario's POV

Nawindang ako sa nasilayan ko kagabi. Oo alam kong magkasama silang nagdinner kagabi pero wala sa usapan na dadalhin niya sa room namin ang lalaking yun. Ke Landi landi talaga ng babaeng ito. Paano na lang kung hindi agad ako dumating? Bakit pag dating sa ibang lalaki dedma lang siya pero pag dating dito kay kent halos maibigay na niya lahat lahat eh iilang araw pa lang sila nagkakakilala. Pati perlas ng silangan gustong ibigay! Pambihira! Saan ba bumukal ang kalandian ng babaeng ito? 

At ang lalaki naman yun, Oo nga at gwapo siya, May abs at headturner sa mga girls at mga bakla Hay kaloka! Madatnan mo ba namang nasa sahig pareho yung dalawa. Nahiya pa eh at hindi man lang sa kama! 

"Kent.....*sob* ...kent..." Hindi po ako yan.. Si Meagan yan na kasalukuyang nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ba naman siya pa rin ang iniisip niya? Pambihira talaga oh, Ano bang nakita niya sa lalaking yun?Nakaupo ako dito sa may dulo ng kama, binabantayan ko siya. Siguradong Masama ang pakiramdam niya at nanghihina, Binalaan ko na siya tungkol sa kakainin nila sa Dinner pero hindi niya iyon sineryoso at sinabi pang kakain siya ng damo. Hello? ano siya kabayo? Kaloka talaga itong babaeng ito.

Hindi ko kayang magalit sa kanya, kahit na ang shunga nga minsan at puro kalandian kay kent ang inaatupag.  Mula sa pagkakahiga ay mabilis na bumangon si Meagan at mabilis na nakatakbo sa banyo ng room namin. 

Narinig ko ang pagsuka niya kaya naman agad akong pumunta sa banyo.

"Meagan ayos ka lang ba?" Naabutan ko syang nakaupo sa harap ng Inidoro. eww gross. Halatang hinang hina siya. Sumuka sya ulit. Lumapit ako at hinagod ang likod niya. "ok ka lang ba? Gusto mo bang iuwi na lang kita?" bigla siyang tumingin sa akin yung parang pamatay na tingin na parang susungaban ako. 

"ayoko pang umuwi. Hindi pa pwede *vomit* sabi niya habang nakahawak sa braso ko. at sumuka na ulit siya. Mabilis akong lumabas ng banyo hindi dahil nababahuan ako kundi para kumuha ng tubig. Narinig ko ang flush sa banyo. Ng nakabalik ako nakita ko syang nakasandal sa may pintuan ng banyo. yung parang ng wa-walling habang nagdadrama. (.____.)

"Mario... AHUHUHU...(nagwawalling XD) buntis ata ako at si Kent ang ama.. Ahuhuhu..." Muntikan ko ng ibuhos sa kanya ang basong hawak ko na may lamang tubig baka sakaling babalik ito sa katinuan. Pinagsasabi nito?

"Kailangan niyang malaman ito. AHUHUHUHUI.. Paano na lang ang kinabukasan ng batang ito at ng magiging mga anak pa namin AHUHUHUHU..  Samahan mo ako sa kanya(walling pa rin XD) Kailangan niyang malaman... Hindi siya pwedeng umalis.. Paano na ako?? AHUHUHUHU"

Grabeng Kadramahan ng babaeng ito. Napaka ilusonada!

"Kapag ba nagsusuka buntis agad??? grabe ka ha!! tigilan mo ako sa mga kadramahan mo."

"hindi ba pwedeng Mag assume??? Aba kay gandang bata kapag pinagsama kaming dalawa! talbog sa beauty mo....  Teka... anong oras na ba?? "

"alas onse na po!  masama pa rin ba pakiramdam mo? gusto mo uwi na tayo?" pagaaya ko sa kanya, masyado na din kaming nagtatagal dito, mahirap na, summer na kasi marami na ding nagdadatingang ibang tao at ska tatambak na naman trabaho pagbalik namin.

"hindi ba dumaan dito si Kent? wala ba man lang siyang sinabi? hindi niya ba ako kinamusta? o baka naman nahihiya lang siya.. (iniisip ung scene nila kagabi ) ahihiihi..." sabi ni Megan na kasalukuyang nakaupo sa sahig.

tingnan mo rin itong babaeng ito walang paki sa mga sinasabi ko,  kanina lang eh todo emote, ngayon tawa naman ng tawa. shunga talaga..pero bkit ganun? kahit ang gulo gulo ng buhok niya ang ganda pa rin. Bipolar talaga -_- tss..

lumapit sakin si Megan pero nakaupo pa rin sya sa sahig, ako naman ay nakaupo sa gilid ng kama. "uy, Hindi ba dumaan si Kent? hindi mo ba sya nakita sa Labas.? hindi ba nya ako tinatanong o hinahanap sayo?" Hindi ko sya pinansin.. ang drama drama niya..

"Mario! kinakausap kita! Ano? hays! :3" pagmumukmok nya.

"tinatanong kita kung ok na pakiramdam mo?" sabi ko

"tss.. Gusto ko makita si Kent! " sabay tayo ni sab at patungo sa pinto

" Megan! huwag mong ibahin ang usapan! Tinatanong pa kita wag mo akong talikuran!" napatayo na ako dhil sa inis, grabe na itong babaeng ito eh. Puro na Kent Kent! ano bang meron sa lalaking yun?? sarili niya napapabayaan na niya dahil sa lalaking yun na wala namang pakialam sa kanya

"OK LANG AKO!! GUSTO KO SYA MAKITA!!! kung hindi sya pumunta para kamustahin ako, ako pupunta mismo sa kanya! "

"Para san pa? Kelan ka pa natutong Maghabol sa Lalaki!!! Ano bang nangyayari sayong babae ka?? HINDI ka importante sa kanya, nagsasayang ka lang ng oras! Wag kang Assuming ha! Ni hindi ka nga siya concern sayo nung Inihatid ka niya! Tigilan mo na yang Kalandian mo! "

"ANO BANG PROBLEMA MO!!! ah... alam ko na! Nagseselos ka dahil ako pinili ni Kent kesa sayo! Akala mo hindi ko alam? akala mo hindi ko napapansin? Iba ang mga titig na ibinabato mo sa kanya! IKAW ANG MALANDI Mario!!! gusto mo siyang agawin sakin " sabi niya sakin, aba! Concern lang naman ako sa kalagayan niya ngayon! hindi maayos ito kung nagsisigawan kami.. kailangan kong maging mahinahon.

"Hindi ko yung gustong gawin--

"Aha! hindi mo gustong gawin kaso hindi mo mapigilan ang pag-ibig mo para sa kanya!" Hindi naman yun ang point ko! hay mga babae talaga! nakakasakit ng ulo -_- magsasalita pa lang ako nagsalita na naman siya.

"Huwag! I don't need your explanation! it is now clear to me, that you don't want me to be happy with him, coz you are in love with him too. I know this day would come, na magmamahal tayo ng iisang lalaki.. pero bilang kapatid na rin ang turingan natin, Sorry ka, hindi ko sya ibibigay sayo, hindi sya kendi na basta basta ko na lang isshare! aking lang sya! Hahanapin ko sya " at tinalikuran niya na ako,

bago pa siya makalayo, hinila ko kamay niya at para magkaharapan kami. pero nagpupumiglas siya.. grabe! ayaw magpatalo ng babaen ito!

"ok ka lang ba? masama pa ba pakiramdam mo?" mahinahon kong tanong sa kanya

"i'm ok, you can let go of my arm, i need to find Kent.. don't you dare to follow me para sirain ang moment namin."

"i'm sorry,.. for shouting at you... but, we need to leave. your Dad called"

"Then tell him i'm not leaving, i will stay here, you can go if you want! "sabay irap.

"You know i can't do that..." Msyado ba akong masama? concern lang naman ako sa kanya eh, these days masyado na akong nagiging careless sa pagbabantay sa kanya

"kaya ko sarili ko! Hindi kita Kailangan!!! Umalis ka na para walang Hadlang sa amin ni Kent!" at tuluyan na siyang umalis... that's really below the belt. ang mga sinabi niya, ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong away.. hindi ko naman siya inaaway, ginagawa ko lang kung anong mas mabuti para sa kanya, pero ang tigas tigas ng ulo niya! grabe tlagang babaeng yun, kahit kelan di ako manalo. "Hindi kita Kailangan!!!" first time niyang sinabi sakin yun, ang sakit pala.. kaht na malimit kaming magsabi ng kung ano ano sa isa't isa ngayon lang ako nakaramdam ng kirot sa aking puso, ganun pala talaga... Nagempake na ako ng mga gamit para sa pag-alis.

Oh my!! first time ito!!! nagaway sila.. mukhang may nabubuo ngang selosan sa pagitan nila.. hmmmm...

hi everyone! sorry for the very very late upload! anyway, sana magustuhan niyo... :*

K: we need to update !! ahihihi..

K&K

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bite me or Love me? (BMOLM)Where stories live. Discover now