BMOLM......4 (PROPOSAL????)

60 1 1
                                    

Meagan's POV

It’s almost 8 in the evening pero marami pa ring tao sa beach. May Night show, may bonfire at may parang mini bar-slash-mini restaurant din dito, kaya naman marami pa ding tao. Karamihan sa kanila ay nanunuod sa Night show. Merong bonfire sa gitna, kung saan may mga pamilya, bata, at magkakabarkada ang masayang nagkkwentuhan habang nagiihaw ng Marshmallows at barbeque. Yung ibang magkasintahan naman magkaholding hands habang nakahiga sa buhanginan at pinapanuod ang mga bituin sa lanagit. Naalala ko tuloy kung ano mangyayari sa date naming ngayon ni Kent.. Excited na me… :D Kayo ba??

Sa may di kalayuan may mga nagddrums ng parang sa tribe, then may mga nagsasayaw with fire. May mga babae at meron ding lalaki, yung mga lalaki nakatopless wala namang ABS tss… tpos yung mga girls todo sa pagsayaw with fire dagdag effects para maging hot. Eh ako, kahit walang Fire na katabi, Umaapaw ang aking Hotness. Yung tipong Nagaalab na paglumapit ka mapapaso ka at yung tipong nakaksilaw ang ganda. Kaya nga Meagan ang ipinangalan sa akin, dahil Bata pa lang ako, MeaGANDA na akong taglay. Ahihihihi…

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa buhanginan. Grabe Hassle na hassle. Ikaw ba naman ang maglakad sa buhanginan ng naka Stiletto. Anong say nyo? Maraming napapatingin sa akin, mostly mga girls. Nakarinig ako ng bulong bulungan “Look o, Naka heels, seriously? Hahaha” Tumingin ako sa kanilang direksyon, at nakita ko ang 3 babaeng naka Oversize tshirt at shorts pa tpos naka tsinelas lang at nakipagmatigasan pa sila ng titigan sa akin. Aba ako pa hinamon nila sa titigan, tiningnan ko sila from head to toe. Tss…*irap* Papatulan ko na sana sila kaso ayaw ko namang masira ang gabing ito. Pinaghandaan ko kaya ito. I just flip my hair(in-Maarte-way) at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

All eyes on me when I walk in,
No question that this girl's a 10
Don't hate me 'cause I'm beautiful
Don't hate me 'cause I'm beautiful
My walk, my talk, the way I drip
It's not my fault, so please don't trip
Don't hate me 'cause I'm beautiful
Don't hate me 'cause I'm beautiful

Sabi nga nila, “When someone insults you for being Weird(wala kasi sa dictionary ko ang salitang UGLY), Just remember One thing, No one is BEAUTIFUL in the eyes of those who are Insecure.” Paki ko sa kanila, Kung naiinggit sila eh di gumaya sila. Oops… I forgot, they can’t nga pla, coz, “Gaya gaya, Puto maya, paglaki nila CROCODILE”  Pero para sa inyo mga readers and supporters of our story, TRY nyo dali, para beautiful din kayo tulad ko. Try nyo dali. At saka wla akong dapat ikareklamo diba? Sinuot ko to para Kay Kent. At ska ang mahal ng Stiletto ko no.

Get yourself together, don't hate (never do it)
Jealousy is the ugliest trait (don't, never do it)
I can talk about it 'cause I know that I'm pretty
And if you know it too then ladies sing it with me

 

Mga ilang minutes pa ng paglalakad papunta sa mini bar-slash-mini restaurant sumasakit na ang paa ko tapos may mga buhangin na ding sumisiksik sa aking stiletto. Pero para kay Kent titiisin ko. Ahuhuhu.. i-cheer nyo ako mga friends…

(A/N): Eh bakit ba kasi maySTILETTO ka pang nalalaman, at napili mo pang sa beach rumampa?)

“Paki mo ba author. Hmp! Inggit ka lang kasi May DATE kami ni Kent ngayon”

(A/N): Napaka-Ambisyosa mo talaga!)

“May point naman si author eh” biglang may nagsalita sa likuran ko. Teka kilala nyo ba ang boses na yun? Kyaaaaahhhhh… ano lilingon na ba ako? O mamaya na lang? para hahawakan niya ang balikat ko at para paharapin niya ako.. tapos hahangin ng malakas at magsslow motion ang paligid, tapos hahawiin niya ang ibang hibla ng buhok ko, tapos palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko.. Palapit ng Palapit. As in… Malapit na.. Konti na lang… Ayan na…..   Dadampi na ang mga labi niya sa labi ko… Ready na ako.. pumikit na ako.. *pout*

*toink* naglaho ang aking pagpapantasya at nakatanggap lang naman ako ng isang Pitik sa nuo. (/__-)

“*pout* masakit yun ha” habang hawak pa din ang nuo kong pinitik niya

“eh kasi naman, bigla bigla ka na lang nagsspace out habang nakanguso. Naisip ko na baka nasaniban ka na naman.” Sabi ni Kent. Nasa harapan ko sya at yumuko siya bigla tapos hinila niya kamay ko. OH MY!!! NAIISIP NIYO BA ANG NAIISIP KO?? HINDI kaya? HINDI kaya MAGPPROPOSE NA SIYA SA AKIN???? WAAAAAHHH!!! Parang ang bilis naman ata!!! Pero ok lang.. nagmamahalan naman na kami eh… Kyaaaahhhhhhhh

Tumingin ako sa kanya at tumingin naman siya sa akin. (^_________^) “I DO!! I do kent!!!! Kyaaaaahhhhhhhh I do kent, yes yes YES!! ” oh my gee.. I’m so KILIG… tagos to the Bones.. Ahihihihi at tumayo siya hawak pa rin yung kamay ko. Kaso wala pang singsing. Ok lang Kahit walang singsing. At least Engaged na kami… ahihihihi… sabi ko na sa inyo eh! Buti na lang hindi ako nakapag two piece, baka kasi abutin ng Honeymoon ang chapter na ito! Invited kayo lahat sa wedding namin.. ahihihihi..

*TOINK* Again nakatanggap na naman ako ng Pitik mula sa kanya

“Grabe na ha, sumosobra ka na! (/__\)” sabi ko while holding my noo...

“ikaw kasi, kung ano ano pinagsasasabi mo.” Napapailing niyang sabi. “seriously, what are you thinking Meagan?” *smirk*

“ah…. eh….. nothing… ah…..” natataranta si Meagan

(A/N): Bwahahhaha.. Epic Fail ka Meagan!!! ROTFL pfft.. ahhahhahaha)

“Bwisit kang author ka!!!!, nakakahiya yun ah… *blush*”

“wag mo nang sisihin si Author.. tsk tsk tsk..” yumuko na ulit si Kent at this time kinuha niya uli ang kamay ni Meagan tapos ipinatong sa kanyang may balikat. “Humawak ka muna sa Balikat ko. Alisin muna natin yang Killer heels mo. Para di ka mahirapan sa paglalakad.” At ganun nga ang ginawa niya, inalis niya ang stiletto ni Meagan. Siya na rin ang nagbitbit habang inaalalayan niya si Meagan papuntang Mini bar-slash-mini Restaurant.

Author: Dahil sa nangyaring kahihiyan na ginawa ni Meagan. Pfft. Hahahaha. Sorry.. eto na… Natahimik naman siya. Pero deep inside kinilig siya sa ginawa ni Kent. Kahit pala maangas eto eh may pagka-gentleman din pala. Kahit na Masyadong assuming ang ating bida na inakala niyang proposal yung kanina  ay wagi pa din siya dahil nafefeel niya ang tender,love and care mula kay kent kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa nito para sa kanya( Dear Meagan, my love… sorry na.. eto na nakabawi na ako :* Love yah)

Hanggang dito na lang muna. Next chapter ang Proper dinner nila… :*

Thank you for reading.. Comment naman kayo.. pretty please??

With love,  K & K <3

END OF CHAPTER 4

Bite me or Love me? (BMOLM)Where stories live. Discover now