He's got to save those 2 children na masasagasaan ng malaking truck. Siya ang nasagasaan. Dahil nagligtas sya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon. Na-blangko ang utak ko. Maraming tao ang nagsabi na isa siyang bayani dahil sa ginawa niya. Maraming nahabag sa nangyari sa kanya.

At ako, miserable pa rin hanggang ngayon. Miss na miss ko na siya. Pati sarili ko, miss ko na.

Simula noong mawala siya, nagkaganito ako. Nagpakalunod ako sa alak. Nagpalamon ako sa depresyon. Wala akong kaibigan.

Ayokong magkaroon ng kaibigan.

I sigh at iniligpit ko na ang mga kalat sa loob ng kwarto ko. Humiga ako saglit.

Pinikit ko ang mata ko at naalala ko ang mga salitang binitawan sa akin ni Lhor bago siya mawalan ng hininga.

"I love you, Vince. Hindi tayo para sa isa't isa kaya nangyari ito. Hanapin mo ang tamang tao na para sa'yo. Please be happy without me. Ayan ang huli kong hiling."

Naalala ko ang itsura niya bago siya mamatay. Maputla ang kaniyang labi at duguan ang ulo niya.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko.

"N-no, Lhor. Hindi ko kaya. Ikaw at ikaw pa rin talaga." Sabi ko sa kawalan.

Maya-maya, hindi ko namalayan ay nakatulog na rin pala ako.

~*~

K E N

"Ma, si Yael na lang pabilihin nyo ng shampoo! Paalis na ako!" Sigaw ko kay mama habang busy ako sa pag-aayos ng bag ko.

Gagabels! Malelate na talaga ako sa first subject! Terror pa naman 'yung mokong este prof na 'yon!

"Ma una na ako! Late na ako!"

"Bahala ka sa buhay mo! Umalis ka na!" Sigaw rin ni mama.

Napangiti na lang ako. Hindi galit 'yan si mama ah, ganyan lang talaga kami mag usap. Hahaha.

Sumakay na ako ng jeep papuntang school. At naalala ko naman 'yung first encounter namin ni attitude sa jeep.

Hindi ko pa siya napapatawad sa pagpapahiya niya sa akin. Punyeta siya. Hinding hindi ko makakalimutan yun kahit kailan.

Bwiset.

Matagal ang biyahe sa jeep kaya naman mas lalong uminit ang ulo ko. Patay talaga ako kay Sir mokong nito! Mapapasquat ako ng hindi oras sa unahan tapos pagtitinginan na naman ako ng mga kaklase ko. Hay nako.

After almost half an our eh nakarating na rin ako sa university. Patakbo akong pumasok sa gate at tinahak ang aking first subject.

Hingal ako ng makarating sa harapan ng room namin. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang makita ko itong nakasara.

Shit. Sabi na eh.

Unti unti kong pinihit ang door knob at binuksan ko ang pinto.

Napairap ako ng bongga. Walang prof. Tangina.

So, nasayang naman 'yung energy kong na-drain dahil sa kakatakbo ko. Wala naman pala akong napala.

Pumunta ako sa silya ko at napadako ang tingin ko sa katabi kong silya. Magkaklase kami ni Renz sa subject na 'to. Dito rin kami palaging naupo sa part na 'to. Nandito ang bag niya pero wala sya.

Naisipan kong lumabas na lang rin muna. Kinuha ko sa bag ko ang notebook at ballpen then lumabas ako ng room.

Since wala naman si sir, at 2 hours akong vacant, naisipan ko munang pumunta sa bench para mag day dreaming. Hobby ko 'to eh. Anuba?

Hindi pa ako lubos nakakarating sa bench eh naaninag ko na ang isang tao. Nakasalamin ito tapos may weird na buhok tapos maraming pimples tapos may braces pa tapos wala na.

Nakatingin lang siya sa paligid.

I tried to meet his gaze, "Paul!" Sabi ko then I waved at him. Tinabihan ko siya.

"H-hi," he said awkwardly.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"W-wala, nagmamasid-masid lang."

Sabi niya. I sigh. "Madalas ka ba rito?"

"H-ha? Oo. M-medyo," sabi nya. Ano daw? 'Di ko gets.

Hindi na ako umimik at napatitig na lang ako sa kanya habang nakatingin siya sa kawalan.

Hindi ko namalayan, nagsusulat na pala ako sa notebook na dala dala ko.

"Nakita ko ulit si Paul, 'yung weird looking guy na sinasabi ko kahapon. And I'm right, hindi lang siya physically weird looking but as well his personality e weird rin. Pero di ko na sya pin-roblema. Buhay nya 'to eh."

Napatigil ako sa pagsusulat nang biglang may dumaan na kumpol ng mga kababaihan sa harapan namin.

"Promise bes, ang pogi nya talaga super!" Sabi nung isa.

"Truelala! Ano nga ulit pangalan non? Vincent? Shet, kahit pangalan nya ang pogi!"

"Di nga lang sya aware sa existence ko, iyak!"

"Ano ka ba bes? Pareparehas lang naman tayong hindi pa niya nano-notice! Di ka alone!"

At naglaho na sila sa paningin namin. Punyemas na mga babaeng 'to. Hindi talaga kayo mapapansin non. Masama ugali non.

Humarap ako kay Paul na kasalukuyang nakatulala. "Paul, kilala mo 'yung tinutukoy nila?" I asked him.

Umiling sya. "Ha? H-hindi.. Bakit?"

"Naku. Sinasabi ko sa'yo. 'Yung Vincent na 'yon? Demonyo 'yon. Napakasama ng ugali non. Oo gwapo talaga sya pero hindi ko talaga siya kinakaya. Sinasabi ko lang sa'yo, baka kasi magtagpo ang landas nyo. Wag kang lalapit sa kanya kung ayaw mong masapak ka niya." Sabi ko.

Napalingon naman sya sa akin.

"Bakit naman?"

"As what I've told you, mala-demonyo ugali non. Masunget. Sobra. Tapos ayaw niyang naiistorbo sa kapag tulog. Kala mong pinaglihi sa aso eh," sabi ko at medyo napatawa ako ng mahina pero siya, tahimik lang.

"Pero alam mo,"

He looked at me.

"He seems depressed. He smiles very rare. Plus 'yung ugali nya. Naisip ko lang, baka kasi ang dami lang nyang problema sa buhay. Baka may nangyaring, you know, something traumatic kaya ganun sya. Pwedeng noong bata pa sya, o kahit mga nakaraang taon pa lang. Wala lang. Alam mo kasi, well, alam kong alam mo naman 'to na may epekto sa emotional being ng isang tao ang trauma. Baka lang naman. Pero naiinis pa rin ako sa kanya. Totoo yung mga naririnig ko sa kanila na gwapo talaga sya at malinis. Ugali lang ang nakakaturn-off." Sabi ko at tumingin ako sa kanya.

Akala ko wala siyang gagawin.

But damn, he smiled.

Ok, what's wrong?


---

His Deepest Secret ☑️Where stories live. Discover now