ROYAL 21

6.9K 183 1
                                    


The 2nd guardian
---------------------------------------------------------------

Clarice pov*

Nagising ako dahil naramdaman kong nag Sara ang pinto ng kwarto ko ng tignan ko ito wala naman akong nakita .

"Namalikmata lang seguro ako"- sabi ko sa sarili ko at tumayo na. Pumunta na ako sa banyo ko at naligo na.

Paglabas ko nakita ko naman na nakahanda na sa mini table ko ang breakfast ko

Pumunta na ako doon at kumain pagkatapos kong kumain nagbihis na ako ng uniform at lumabas na sa kwarto ko

Pagkalabas ko nakita ko naman na naghihintay na sa akin si shin sa tapat ng sasakyan

Lumapit ako sakanya at ngumiti

"Morning "- bati ko

"Morning tara na malelate na tayo"-sabi niya at pumasok na ako sa loob. Sumunod naman siya at umalis na kami.

Pagkadating namin sa school . Nakita ko naman na may mga reporters na naman na nakaabang sa amin.

Lumabas na kami sa kotse at hinrangan naman ng mga guards at BG ang mga reporters para hindi makalapit sa amin at makadaan making dalawa ni shin.

Naglalalad kami ngayon sa corridors at O.O nagulat ako dahil bigla nalang hinawakan ni shin ang kamay ko

Dug *dug*dug*

Nakita ko pang kinikilig ang mga estudiyante na nakakita sa amin.

Napadako naman ang tingin ko sa isang babae na napatingin Kay shin at sa kamay naming dalawa. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkadismaya.

Tumingin ako Kay shin at nakita kong napatingin din siya Kay cloe at nakikita ko sa mga mata niya kung paano niya titigan si cloe ang kalungkutan.

Napayuko naman ako dahil don. Parang tinusok ng libo libong karayum ang puso ko. Bakit nakakaradman ako ng ganito? Mahal ko na ba siya? Pero  Alam kong may mahal siyang iba

Hanggang sa makarating kami sa classroom. Tahimik lang ako at didiretso sa upuan ko.

Naramdaman ko naman na umupo siya sa tabi ko.

"OK kalang ba? "- dinig kong tanong niya

"OK lang ako"- sabi ko sa kanya at tumingin nalang sa labas ng bintana

"Pero bakit ang tahimik mo. May masakit ba sayo sabihin mo sasamahan kita sa clinic"- sabi niya

Naiirita na ako sa tanong niya

"Wala "- sabi ko sa kanya

Nadinig ko pang napabuntong hininga siya. Hindi ko siya pinansin

Hanggang sa matapos ang klase tahimik padin ako

Hinintay ko muna na makalabas na ang mga kaklase ko at tumayo na ako para pumunta sa art department

Ng akmang aalis na ako .bigla nalang akong hinigit ni shin sa braso. Napatingin naman ako sa kanya

"What's wrong with you. Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ko pinapansin. May nagawa ba akong kasalan? Kung meron man Sorry na " sabi niya sa akin

Paano kaya kung sabihin ko sayo na Oo meron kang kasalanan. Sinaktan mo kasi ang puso ko. Tsk!

"Wala. Pagod lang ako shin. Kaya parang awa mo na pabayaan mo muna ako"- sabi ko sakanya at umalis na sa room

The Heiress Of The legend Royal Clan Où les histoires vivent. Découvrez maintenant