Chapter 9

159 14 0
                                    

Chapter 9:The Anniversary

Avis POV

Maingay at madilim na ang buong ground.Not totally madilim,dim kasi ang mga ilaw.Masayang nagiinuman ang mga teachers.May mga sumasayaw sa gitna.

"Avis nakakain na ba kayo?Kailangan na nating ientertain ung mga bisita."

"Oo tapos na.Susunod ako sandali lang may kukunin lang ako sa dorm ko.Nakalimutan ko kasi ung phone."

Naka-all black dress ako ngayon.O diba?Napilit nila akong magdress kahit ayoko.Nakita kong may tumatawag sa phone ko habang pabalik sa dormitory.

"Hello?"

"Avis..."

"Sino to?"

"Hindi mo na nga ako kilala."

"Hala sya!Sino ka ba?"

"Someone in the past.I miss my Sam.."

Naguguluhan ako kung sino sya kaya pinatayan ko nalang.Dumiretso ako sa dorm para makuha kaagad yung gamit na kukunin ko.

"Gelo bang pakilagay tong kwintas sa akin?Hindi ko kasi kaya."rinig kong sabi ng anak ni Ms.Anne.Aba malandi din pala to.


Sumbong ko sya kay Khailey.Syempre joke lang yon.Hindi naman pagmamay-ari ni Khailey yan.

"Avis si Khailey atsaka Amoxi ang taas ng lagnat!"sabi ni Claire

Nakita kong binitawan agad ni Gelo yung hawak nyang kwintas at tumakbo kaagad sa clinic.Sumunod na din ako.Naabutan ko ang nurse doon at si Ma'am Alsiles.Parehong nakadextrose ang dalawa.Tuwing nalalapit ang laban ni Amoxi tsaka naman sya nagkakasakit at lagi pa silang parehas ni Khailey.

"Khai?"sabi ko saka umupo sa kama ni Khailey kung saan sya nakahiga.

Wala syang malay at hindi pinagpapawisan.Sobrang init din nya ngayon.Hinanap agad ng mata ko si Gelo.Nakaupo sya sa kama ni Amoxi at hawak-hawak ang kamay nito.Anong nangyayari?Ba't parang baliktad?Diba dapat nandito si Gelo?Ay nako tama lang pala para hindi umasa si Khailey.

Bigla namang lumapit si Ma'am Alsiles sa amin nang makita nyang gising na si Khailey.

"Khailey anong nagraramdaman mo?"tanong nya pero hindi nagsasalita si Khailey.

Tumingin si Ma'am Alsiles sa wrist watch nya at lumabas na kaagad.Bumangon naman si Amoxi ng umalis si Ma'am.Tinanggal nya bigla ang dextrose nya.

"Amoxi!Saan ka pupunta?"Rinig kong saway ni Gelo sakanya.

"It's none of your business."aniya sabay labas ng clinic.

Lumabas naman si Gelo at sinundan si Amoxi.Ang lalim ng mata ni Amoxi at parang galit.Hindi namin alam kung bakit.Sa ngayon hindi muna namin inisip si Amoxi.Ang kalagayan muna ni Khailey.

"Khai?Omygash Khailey!"

Nangingitim na ang buong mukha nya at nagiging violet na ang labi nya.Sobrang init na din nya ngayon.Parang lagpas na sa 40 ang temperature nya.

"Claire dalian mo tawagin mo si Ma'am."

Unti-unting nanginginig si Khailey.Nahihirapan syang huminga.Pumasok agad si Ma'am kasama ang isang lalaking sa tingin ko ay talagang doctor.Pinalabas muna kami ni Ma'am kaya hindi namin alam ang nangyari sa loob

"Nasan si Khai?Anong nangyari?Okay lang ba sya?"tanong ni Andrea na halata sa mukha ang pagaalala.Kasama nya si Dane.

"Nasa loob pa kasama ung doctor."

"Si Gelo?Pumunta ba sya dito?"

"Oo.Umalis din kasama si Amoxi."

Lumabas na si Ma'am at yung doctor.

"Ma'am kamusta po si Khailey?"

"Okay na sya ngayon.Nasobrahan sya sa alcohol plus may lagnat pa sya.Nagsabay-sabay kaya ganun ung nangyari pero okay na sya ngayon."

"Salamat po"

Pumasok na kaagad kami sa infirmary para makita na si Khailey.Kung kanina ay hindi sya pinagpapawisan,ngayon naliligo na sya sa pawis nya.Biglang dumilat ang mata ni Khailey pero nanghihina parin.

"Si Ate?Nasan si Ate?Okay lang ba sya?"rinig kong sabi ni Khailey.

"Ate?"

✖✖

Pagbalik ko sa event ay nakarinig ako ng ilang putok ng baril.Nagkakagulo lahat.May nakatayo sa stage na naka-hoodie.Hindi ko sya mamukhaan pero babae.Lumingon sya sa side ko at itinutok ang baril sa akin.Muntik na akong matamaan buti nalang at nakaiwas ako.Tinawagan ko agad si Andrea.

"Andrea i-lock mo yung pintuan.Nagkakagulo dito sa labas!Dalian mo!"

"Ano?!Sige mag-ingat ka dyan.Ano bang nangyayari?"

"Hindi ko din alam--"

Namatay na ang phone ko.Dahan dahan akong naglakad ng patago.Kailangan kong pumunta sa locker room.Tangina ano bang nangyayari?!


Hell ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon