"Maliligo na 'ko."

"Okay." Hinalikan niya ulit ako ng mabilis sa labi tsaka siya tumalikod para magsimulang mag lakad. Pinalo ko siya mahina sa pwetan niya pagtalikod niya tsaka ako mabilis na humarap sa niluluto ko para mag patay malisya sa kapilyahan ko.

"Mrs. Lawrence, kapag ginawa mo ulit 'yun hihilain kita sa kwarto para mag pa-late sa trabaho." He warns, sexily.

Naku! Naloko na! Haha.

Humarap ako sa kanya at nag make ng pa-cute face. "Hindi na po."

Pinagpatuloy na din naman niya ang maglakad papuntang kwarto at hindi na nakaisip ng kapilyuhan. Buti naman, kawawa kami pag nagkataon. May kaltas pa naman sa sahod pag na-late. Haha!

Nang matapos akong mag luto. Naghain na muna ako ng kakainin namin after nun pinuntahan ko na sa kwarto ang asawa ko.

Pag bukas ko ng pinto naabutan ko siyang nag bibihis. Sumandal muna ako sa gilid ng pinto at pinag masdan ang asawa kong mag bihis. Enjoy pala talaga 'to, kaya pala lagi niya 'kong pinapanuod mag bihis.

Nang matapos siya sa pag bi-bihis niya napansin na niya 'ko. Napakunot noo siya habang nakangiting nakatingin sa'kin.

"What are you doing?" He asked.

"Watching my husband wears his clothes."

"Na-enjoy mo ba?"

"Sobra!" I bite my lower lip, smiling.

Nag lakad siya papalapit sa'kin habang nakangiti. Inakbayan niya 'ko at hinalikan sa ulo ko tsaka kami sabay na nag lakad papuntang dining. Pag dating namin, sinimulan naman agad namin ang kumain.

"Baby, mamaya ko na pala malalaman kung mabibigyan ako ng leave sa trabaho para makauwi tayo ng Batangas." Pag o-open ko ng topic habang kumakain kami.

"Hmm... ganun ba? Kailan ba tayo pupunta?"

"Ang paalam ko next, next week."

"Sige. Itext mo 'ko kung pinayagan ka para makapag paalam na din ako mamaya."

"Okay. One week tayo dun ah." Pagpapaalala ko.

He chuckled. "Okay."

Focus na ulit kami sa pagkain after kong ma-i-open ang paguwi sa Batangas.

Nang matapos naman kami sa pagkain...

Dumiretso na 'ko sa kwarto ko para mag prepare na sa pag pasok ko sa trabaho. 'Yung asawa ko naman ang bahala sa pinagkainan namin.

Pumasok ako sa bathroom na may bitbit na towel. Nang matapos naman ako, kumuha lang ako ng pang office attire ko tsaka ko 'to isinuot.

After kong mag bihis, sunod kong ginawa ay make-up na match lang sa light pink na suot ko.

Nang matapos ako sa pag aasikaso, lumabas na 'ko ng kwarto. Nakita ko sa sala ang asawa ko na hinihintay lang ako. Tumingin siya sa'kin nang mapansin niya 'ko. Lumapit ako sa kanya at tumayo naman agad siya.

Mag kahawak kamay kaming dalawa na lumabas ng unit habang bitbit din niya 'yung bag ko.

Nang makarating kami ng parking, pumunta kami sa kanya-kanya namin kotse. Hindi naman na siya coding ngayon kaya gagamitin na niya 'yung kotse niya. Chineck muna niya 'yung mga gulong ng kotse ko tsaka niya inabot sa'kin 'yung bag ko.

"Ingat ka sa pag da-drive, baby." Pagpapaalala niya.

"I will." I reassured. Hinalikan niya lang muna ako sa labi.

"I love you."

"I love you too. Ingat ka sa din sa pag da-drive." Tumango lang siya bilang tugon sa sinabi ko tsaka niya sinimulan ang mag lakad papuntang kotse niya. Ako naman sumakay na din ng kotse. Nilagay ko sa passenger seat 'yung bag ko tsaka i-ni-start 'yung makina.

Sinimulan ko ang byahe papasok ng trabaho. Nang makarating naman ako, pinark ko lang 'yung kotse ko tsaka ako nag simulang mag lakad papuntang office ko.

Sa pag pasok ko, napansin ko agad ang nakasimangot na mukha ni Joanne. "Ayos ka lang?" Mahina kong tanong.

"Yah!"

Okay, ayos naman daw siya. 'Wag na ipilit baka hindi pa handang mag open. Umupo nalang ako sa table ko at binuksan 'yung monitor computer ko sa table.

"Amber," Dinig kong tawag sa'kin ni Mrs. Flores. Tumingin ako sa direksyon niya may hawak siyang folder ibig sabihin, dagdag trabaho na naman.

Inabot niya sa'kin 'yung folder. "Ang sabi ni Ma'am, kailangan mong tapusin 'yang papers bago ang leave mo." Bago ang leave ko? Wait!!!

"Pumayag po ba si Ma'am na mag leave ako ng isang linggo?"

"Oo. Basta tapusin mo daw 'yung trabaho."

Ngumiti ako ng sobrang laki. "Opo!"

Yeeeeees!!

Pagkaalis ni Mrs. Flores kinuha ko agad 'yung cellphone ko para i-text ang asawa ko.

** Baby, pinayagan akong mag leave. 😁 Magpaalam ka na din. Excited na 'ko. I love you. 😚 **

Binalik ko agad sa bag ko 'yung cellphone para masimulan ko na agad 'yung trabaho ko at matapos ng maaga para kunti nalang stress pag dumating 'yung araw ng leave ko. Hihi.

--

Salamat po sa pagbabasa. ☆

Making Out With My Playboy Husband (Book2)Where stories live. Discover now