Chapter Seven: Reminds Me Of Her

Start from the beginning
                                    

Mabuti na lang din at nagpapilit ako kay Valjean na lumabas. Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang makalanghap ng malamig na hangin sa malawak na hardin ni Papa. Its been a year since the last time I saw this place. Sa tuwing umuuwi ako ng bahay ay hindi naman ako nagagawi sa lugar na ito.

Si Papa ang mahilig mag-alaga ng mga halaman at bulaklak. Ito ang libangan niya kapag off niya sa trabaho at sa aming magkapatid ay si Cyrhel ang lang ang nakamana ng hilig niya. Kaya siguro magkasundung-magsundo silang dalawa. Habang ako naman ay tagapitas lang ng mga bulaklak para ibigay ko noon sa mga nililigawan ko.

"Huwag mong pitasin! Sayang!"

Bago pa ako masaway ni Valjean ay napitas ko na ang bulaklak na hindi ko naman alam kung anong pangalan. Inabot ko iyon sa kanya.

"Here."

Halatang nagulat siya. "Para sa akin?" Nagtatakang tanong niya. Gayunpaman ay kinuha pa rin niya ang bulaklak.

A grin appreared on my lips. "Malalagot ka kay Papa kapag nakita niya na pinitas mo ang isa sa mga paborito niyang bulaklak."

Ang talim ng tingin sa akin ni Valjean at mabilis na ibinalik sa akin ang bulaklak.

Hindi ko napigilang tumawa. "Binibiro lang kita. Here. Para sa iyo talaga ito."

Ngunit hindi na niya ako pinansin. Dire-diretso niyang itinulak ang wheelchair ko sa tabi ng steel bench at walang kibo na umupo roon. Kunot-noo na pinagmasdan ko siya. "Kailangan ba talaga naka-uniform ka pa rin kahit wala ka sa ospital?"

"Ano naman ang problema sa suot ko?"

"Nakakailang lang. Pakiramdam ko nasa ospital pa rin ako kapag kasama kita. Para akong bata na may kasamang yaya."

"Hindi ko na iyon problema," ismid niya. Nag-uumpisa na naman siyang magsungit sa akin. Napikon ko yata siya kanina.

"Valjean..." Hindi ko naituloy ang sasabihin nang may alaala na biglang sumagi sa isip ko. Hindi iyon malinaw. Ang sigurado lang ako ay may babaeng nakatalikod at tinatawag ko sa pangalan na Valjean.

Pareho nga pala na Valjean ang pangalan ng babaeng nasa tabi ko ngayon at ng babae sa aking nakaraan. Iyon marahil ang dahilan kung bakit bigla na lang may nagpa-flashback sa isipan ko.

Nang araw na marinig ko mismo sa kanya na hindi siya ang inaakala kong si Valjean ay nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismaya. sa akin. Siya na lamang ang natitira kong pag-asa para manumbalik ang mga alaala na nawala sa akin. Pero muli akong nabigo.

"Huy!" Sinagi ako ni Valjean sa balikat. "Bakit bigla kang nanahimik d'yan?"

"Simula bukas ayoko nang magsusuot ka ng nurse uniform mo," pag-iiba ko ng usapan. "Kung wala kang ibang dalang damit sasabihan ko na lang si Cyrhel na pahiramin ka."

"No thanks! May mga damit akong dala. Besides, hindi kita kailangan sundin. Hindi ikaw ang amo ko."

Sungit! Hindi na lang ako kumibo.

"Miss Prettiful!"

Magkasabay kaming lumingon sa pagdating ni Cyrhel.

"Para sayo." Hindi ko maipaliwag ang kakaibang ngiti ng kapatid nang iabot niya kay Valjean ang isang box ng J.CO donuts.

"Wow! Penge ako ng isa." Bago pa ako makuha sa box ay tinapik ni Cyrhel ang kamay ko.

"Hindi puwede! Para lang ito kay Miss Valjean."

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now