4

2 1 0
                                    

"Sir, alam kong ulyanin ako. Pero hindi naman po ako baliw. Tsaka baka matuluyan akong mabaliw dahil dito sa babaeng to." Pagmamaktol ko.

"Tse! Akala mo naman gusto kitang kasama!" Bulyaw ni Xandra.

"Kaibigan ko kasi ang may-ari ng ospital na pinagtatrabahuan nya. sabi ng doktor doon ay there's something wrong in your memory kaya mabilis kang makalimot." Paliwanag ni Sir

"Maraming ganyang case dito sa pinas, as a professional nurse from our hospital, napag-aralan ko na ang mga bagay na yan." Dagdag naman ni Xandra. Tsk, yabang.

"Bukas na ang start nyo, every morning ang sessions nyo sa Office ni Ms. Mercado. It will take a long time but believe me, it's worth it." pangungumbinsi ni Sir. Napasinghal na lamang ako at tumango.

"Oo na, oo na." Walang kabuhay buhay kong sabi.

.....

"Mr. Rembrant Santiago! You're two hours late!" Pagbubunganga ni Xandra pagdating ko sa office nya. Yung totoo, ganyan ba talaga sya bumati sa pasyente?

"Malay ko bang alas otso pala?" Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Sinabi sayo kahapon ni sir! 8 am! Ulyanin ka talaga." Inis nyang sabi.

"Oo na oo na!" Inis kong tugon. At umupo na.

Nag-start na syang magturo at magpagawa ng mga hand-outs para sakin. Hindi naman ako masyadong makapag concentrate kasi natutulala ako sa kanya. The way she talks, the way she moves...

"Are you even listening?" Tanong nya. "Malamang. Sa lakas ba naman ng boses mo." Pagsisinungaling ko. Napairap na lamang sya at nagpatuloy.

....

Nice to meet youWhere stories live. Discover now