[EDITING]The War 2:Ending💞

Magsimula sa umpisa
                                    

Napaatras naman ng bahagya ang mga royalties.Habang ito ay nagaganap ay sinugod na agad nina Hailey at Hellaraye si Javen.Kaya hindi na nakumpleto pa ni Javen ang kaniyang ginagawa.

Nagpapalitan ng pagsugod at pag-atake sina Hellaraye at Hailey sa kalaban na Si Javen.Kahit papaano naman ay nasusugatan na nila ito,habang gamit ni Hailey ang kaniyang water sword with a spirally design of brown color that indicates her element na Earth.

"Magaling at agad niyo yung naisip na gawin,gayun pa man di niyo ako matatalo"turan ni Javen saka nawala sa kanilang harapan.Tumango naman sa isa't isa sina Hailey at Hellaraye saka nagbackward step.

Nung maramdan na nila na malamig na ang hangin ay saka na sina Kyle at Airex ang umatake.Dahil dun ay napuruhan si Javen at nakakuha ng malaking sugat sa likuran.Kaya Agad nila nakita mula sa malayo na naghihirap na siya.

"Hindi ako maaaring matalo"paulit-ulit niyang turan habang gumagapang na dahil sa nanghihinana siya. Linapitan iyon nina Kyle,Hailey,Airex at Hellaraye na palibot saka nila tinitigan ng masama.

"Isa kang talunan noon pa man" turan ni Hellaraye sa kaniya saka umupo sa harapan niya at sinampal siya.Hindi ordinaryong sampal dahil dumugo ang kaniyang ilong.Dun na lamang siya tumayo.

"Bullshit"sambit ni Airex ng mahina saka namulsa't umalis.

"Pinagkatiwalaan ka ni Ina,tapos tratraydorin mo siya?Tingnan mo ang nangyari sayo.Mamatay ka na rin"turan ni Hailey saka siya inapakan.

Habang si Kyle ay walang ginawa kundi ang pagdala kay Javen sa Underworld,uri ng mundo kung saan dinadala ang mga taong may malaking sala doon sila patuloy na pinaparusahan.

Ngayon ito lang naman ang naging plano nilang lahat para sa kanilang naging laban.Dahil alam na nila ang kapasidad ng kapangyarihang mayroon si Javen ay hindi na uubra ng mga stratehiyang basic,kaya nga lang hindi namn iyon napansin ni Javen.Unang sumugod ang mga babae,para iprovoke si Javen na gawin ang pagtatawag ng mga army sa isang portal.Dahil dun ay pawang nawaglit sa kaniyang isipan ang mga kalaban niya kaya nagkaroon ng open side si Javen na dahilan ng kaniyang pagkatalo.

Matapos ang labanan ay nagsilabasan na ang mga Airenians at ang mga Lagalorians pati na rin ang ibang mamamayan ng mga nasakop na kaharian ng mga demonicals.Habang kalat pa rin ang walang buhay na katawan ng mga naging kalaban ay pinulong nila ang mga ito.

"Makinig kayong kahat,ngayon ay atin ng nakamit ang kalayaan na kinuha ng ating kalaban.Marami ang nagpakasakit....."turan ni Hailey saka tumingin kayna Jaycob at Evelina na kasalukuyang ginagamot ang sugat.Di na nila kasi kayang mag self healed dahil naubos na ang kanilang will power sa mga laban nila kaya kailangan pa nang matagal na panahon ng pahinga bago maibalik yun

"Tayo ay lumaya na!"sigaw ng lahat sa kanila.Lahat ay nagpalakpakan at nagsaya dahil muli ay nagtagumpay na sila.Walang naglaban,walang naghiwalay sa huli at lahat ay nagkaisa.

Sa lahat ng mga naging pagsubok nila,ito man ang naging malalala nagawa naman nila itong lagpasan sa pamamagitan ng pagtutulongan at pagkakaisa.











Matapos ang mga naging labanan ay ipinaayos agad ang mga nasira kahit na lahat ay hapo sa laban.Naging malakas naman sila kahit ganun dahil sa mahal nila ang kanilang kahariang tinitirhan ay nagsipagtulong na sila.Pati na rin ang mga royalties at ang mga prinsesa.Dumating naman si Jay at ang mga kasamahan niya,turan niya ay:

"Anong......TAPOS NA??!!"sambit niya na umagaw ng attensiyon sa lahat.Napansin naman siya ni Hailey kaya linapitan siya nito at yinakap.

"Kahit naman nahuli ka,may maitutulong din ang mga kasamahan mo sa pagsasaayos" turan ni Hailey saka ngumiti.

Napabaling naman si Kyle kay Jay saka ito lumapit at nagturan.

"Bakit ka pa bumalik?Hinahamon mo ba talaga ako?"galit niyang turan saka kinuwelyuhan si Jay.Itinaas naman ni Jay ang dalawa niyang kamay saka ipinatong yun sa balikat ni Kyle.

"Huwag kang mag-alala mahal ko siya, pero alam kong iba ang gusto niya.Kaya ikaw na ang bahala sa prisesa,Kyle"turan niya saka tinapik ang balikat ni Kyle at tumulong sa pag-sasaayos.

Samantala panay pa rin ang bangayan nina Jaycob at Evelina ng dumating ang babaeng iniligtas ni Jaycob at saka naman din lumapit sa kanila si Jay ang engkantong nagmula sa Aira Alantar.

"Maraming salamat sa pagligtas sa akin,ginoo.Ako nga pala si Mayumi nagmula sa Mariyas ng Maykhali,at prinsesa doon"nakangiti niyang turan.

"Ibig sabihin...isa kang...."pabitin na turan ni Jaycob habang ginagamot ni Amira ang kaniyang sugat.

"Opo ginoo ako nga po ay isang prinsesa,ng mga dragon....gusto niyo po bang maging rider ko?" turan ni Mayumi sa kaniya.Mayroong balingkinitang katawana't mabubughaw na mga mata si Mayumi.

Agad namang tumayo si Amira.Ngunit hinawakan ni Jaycob ang kamay ni Amira at pinigilan ito.

"Pumapayag ako,kami na ni Amira ang magiging rider mo"turan ni Jaycob kaya napataas ng nakayukong ulo si Amira at napalitan iyon ng ngiti.

Napaibig naman si Evelina sa masupladong mukha ni Jay kaya agad niya yun niyakap at ayaw nang pakawalan.

"Ikaw na nga ang prince charming ko!!!!"sigaw niya saka yinakap si jay.

"Tulong!!!!"sigaw naman ni Jay.

Nagsitawan naman ang mga kaibigan nila habang sila ay patuloy na pinanonood.Tumitig sa paligid sina Hailey at Hellaraye.

Sa wakas naibalik din namin ang mga bagay na nawala sa kanila maliban sa mga buhay ng mga mahal nila.At makikita ko na muli ang tunay na Lagalore-turan ni Hailey sa kaniyang isipan.

I have never expected things would turn out to be this,still i'm happy-
Turan naman ni Hellaraye sa kaniyang isipan.

Dahil sa kanilang pagtutulungan makalipas ang 3 buwan ay nagawa nilang maisaayos ang lahat.









~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The End,choss.

Thank you for supporting and reading my story 4 more chapters to come hope you enjoyed this part,thank you:)

VOTE AND COMMENT PO:)

The Princesses Of AlmairaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon