[EDITING]Chapter 28:The Journey Begins

768 23 1
                                    

Kyle's Point of View
Ano ba ito?Hindi pa rin tumitigil si Hellaraye sa paghahabol sa amin.Ano pa ba ang kaniyang kailangan sa amin, at ayaw pa rin niyang tumigil.

Natataranta na ako dito dahil patuloy ang pag-agos ng dugo sa sugat ni Hailey sa kaniyang tagiliran na nakuha niya sa laban nila ni Hellaraye.

"Hailey,kaya mo pa ba?"tanong ko sa kaniya ngunit hindi ko na napansin na wala na pala siyang malay,hindi ito maaari dahil baka mawalan na siya ng dugo.

"Hellaraye,tumigil ka na maaaring mamatay ang iyong kakambal pag nagkataon!"sigaw ko sa kaniya, ngunit hindi siya nagbigay ng kaniyang tugon tumingin lamang siya sa akin ngunit walang tinuran.

Talaga ngang siguro na nasa ilalim siya ng isang sumpa.Ayaw niyang magsalita.Sana naman ay mahanap nga namin ang lunas sa lalong madaling panahon.Ngunit ngayon ay kailangan ko munang madala si Hailey sa ermitanyo ng palasyo para matulongan siyang gumaling at maturuan kami patungo doon.

"SHUGITSU.....ACCESS"turan ko saka kami nagteleport at napunta agad sa palasyo.

Inihiga ko muna si Hailey sa kama at binigayan siya ng pangunang lunas. Talagang matindi ang kanilang laban dahil sa mga sugat.Sina Airex kaya.... ginawa niya pa rin kahit alam niyang imposible...bilib naman ako sa paniniwala nina Airex at Hailey.

"Mahal na Ermitanyo,pakiusap....tulong"sambit ko sa ermitanyo kaya agad naman itong tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at sumunod sa akin.





MAKALIPAS ANG DALAWANG ORAS...


"Okey na siya,hilom na ang mga sugat niya,natagalan lang yun dahil sa silver na ginamit"turan niya.

Aalis na sana siya ngunit siya ay aking pinigilan at tinanong kung papaano makarating sa Tierra Verde ang lugar na pinananahanan ni Wallena, Goddess of Water.

"Papaano po ba kami makakarating sa Tierra Verde?"-ako

"Mula dito,magtungo kayo sa ikalimang bundok mula dito at hanapin niyo si Rick,ang aking tapat na tagapaglingkod at sabihin niyo na si Tanna ang nag-utos saka niyo na hingin ang mapa at magpatulong sa kaniya. Ngunit, mag-iingat kayo sa mga dadaanan ninyong mga bundok lalo na at kabilang doon ang Cristales ang may malacrystal na lupa,puno at mga halaman bilang pang-akit, huwag kayong titingin sa mga iyon dahil hinihigop nun ang iyong kaluluwa"-ermitanyo

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now