[EDITING]THE WAR 1:Beginning💕

Start from the beginning
                                    

"Simple lang ang iyong ganda binibini..."nakangiti nitong turan saka nagpatuloy na sa kaniyang lakad.

Samantala,habang naglalakad na sina Hellaraye ay may biglang humarang na naman na lalaki.Na nakita ni Evelina na gwapo kaya ito ang pinili niyang maging katunggali.

"Hindi ko kayo maaaring palampasin dito ng walang maiiwan"turan nito habang nakayuko.

"Ako na ang lalaban"seryoso at malacold na turan ni Evelina saka nagpalabas ng Earth Sworld at itinapat sa kalaban kaya nagsimula na sila sa kanilang laban.

Magaling si Evelina kaya nagawa nitong pahirapan ang kalaban.Kaniyang sinasangga palagi ang atake nito saka siya naman ang sumusugod.Ginamit ni Evelina ang kaniyang earth sword at isinaksak sa demonical at doon nagtapos ang kaniyang laban

"Ang galing ko naman talaga,sina Hailey nga pala"turan ni Evelina saka nakita ang kapatid na may dalang babae.

Ngunit hindi muna nila iyon pinag-usapan bagkus ay muli nilang tinungo ang sunod na trail at doon Ay biglang nagpakitang serpente sa harap ng mga kasamahan nina Hellaraye,matapos nun ay pawang nasindak ang serpente sa titig ni Hellaraye.Although,hindi iyon umalis.

"Susunod ako"cold at matigas niyang turan.Hindi naman muna pumayag ang ilan,ngunit ano pa ngaba ang mgagawa nila kung yun na ang desisyon ni Hellaraye?

"Hellaraye hindi ako papayag"turan ni Hailey saka hinawakan ang braso ni Hellaraye.

"Huwag kang mag-alala,babalik ako,pangako"nakangiting turan nito saka tinanggal ang kamay ni Hailey sa braso niya.

Matapos nun nag-aalinlangan man ay hindi na lamang tumutol pa si Hailey kaya umalis na sila.Naiwan naman si Hellaraye at ang serpente.

"Ngayon tayo na lamang ang naririto,kailangan na kitang tapusin agad dahil may gagawin pa ako at hindi ito para sayo"turan ni Hellaraye saka itinutok ang talim ng espada niya sa serpente saka agad itong sinugod.

Panay lamang ang iwas ng serpente sa mga atake ni Hellaraye.Dahil sa maliksi ang paggalaw ng katawan ng serpente ay hindi iyon magawang patamaan man lang ng dalaga

"Mukhang magaling ka nga ngunit kulang ka naman sa bilis"turan ng serpente saka na pinuluputan si Hellaraye.Kaya napabitaw ito sa hawak niyang espada at dumaing sa sakit.

"Augh!!"sigaw nito sa sakit.Ngunit lalo lamang hinihigpitan ng serpente ang pagkakapulupot niya dito.

"Magpaalam ka na"turan nito saka akmang tutuklawin si Hellaraye ngunit ang putol na ulo na lamang nito ang gumulong ang lumuwag ang pagkaka kapit nito sa kaniyang katawan.

"Mabuti naman at ayos ka lang"malamig nitong turan saka inilahad ang kaniyang kamay sa harapan ni Hellaraye.

Si Airex ay dumating at siyang pumutol sa ulo ng serpente ng tutuklawin na sana nito.

"Ano't naparito ka?"bungad na galit na tanong ni Hellaraye habang nakatitig ng masama sa kaharap

"Sa tingin mo ba kung hindi ako dumating buhay ka pa?"ganting tanong nito.Ngunit tinapik lamang ni Hellaraye ang kamay niya at itinayo ang sarili.Saka na sila lumakad pabalik sa grupo,habang on the way na sila ay nagkita-kita sila nina Evelina at Jaycob.Kaya ay nagsamasama na sila sa pagbalik sa nahiwalay nilang kagrupo.

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now