CHAPTER ONE

13 1 0
                                    

Still Into You

Kinabukasan, nagising ako ng namamaga ang aking mga mata it's been 2weeks pero the pain is still there fresh parin sa puso ko lahat.

Hindi pala ganun kadaling kalimutan na lang ang lahat, hindi madaling iwan ang isang bagay na minsan ng naging mundo mo.

Hindi ko alam kung makakaya ko pa sa mga susunod na araw gumising na wala nang siya sa buhay ko. Sinanay kong mabuhay na sa bawat minuto ng buhay ko may kasama ako kaya ngayon natatakot ako, natatakot ako kasi mag-isa na lang ako, nakalimutan ko na yung pakiramdam ng nag-iisa simula ng dumating sya.

I'm trying my best para ibalik yung dating ako, pero sa twing maiisip ko ang nakaraan nawawalan ako ng hope.

It's just like a typical heartbreak alam kong darating yung oras na makakamove on din ako, makakalimutan ko rin naman sya.

Si Melvin

I don't know kung bakit sa t'wing rumirehistro ang pangalan nya sa isipan ko mas lalong kumikirot yung puso ko, na sa twing naaalala ko lahat ng bagay na ginawa nya sa'kin mas lalong mahirap para sakin ang kalimutan sya.

I'm so damn inlove with that jerk sobrang laki nyang part  sa buhay ko he's my life, my whole world kaya pakiramdam ko wala ng natira sakin nabigay ko na sa kanya lahat.

Marahan kong isinara ang pinto ng apartment ko i decided na bumalik na sa totoo kong tirahan napagpasyahan kong bumalik na sa dati kong buhay, gusto kong magsimula ulit, i want my old self back.

"Sure ka na ba dyan Chai?" Mahinang tanong ni Leigh

Alam kong hindi sya sang ayon sa gagawin ko. Nasanay narin kasi syang nandito ako.

"This is what i need, mas makakabuti kung lalayo na ako sa lugar na'to" sabi ko habang pinipigilan ang luhang kanina pa nakaimbak sa mga mata ko. Kahit ngayon lang ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako masyado na akong naging mahina sa paningin nya. Kahit ngayon lang

"Mamimiss kitang gaga ka!" sambit nya sa basag na tinig.

"Mamimiss din kita, sobra!"
Nagyakap kami ni Leigh then i heard her sobbed. Tinapik ko sya sa likod.

"Shhh stop that Leigh mahihirapan akong umalis neto" sabi ko.

Pero mas lalo nya pang inilakas ang pag-iyak naaawa ako sa kanya, pakiramdam ko ang iwan ere ko Ang selfish ko.

"Nakakainis naman kasi yang Melvin na yan e hay naku! Chai sabihin mo lang ipapagiba ko talaga yung bahay ng lalaki yun!" Napailing na lang ako sa mga sinabi ni Leigh. Nang dahil sakin nawala ang pagkakaibigan nila nang dahil sa pesteng love na'to

Kung alam mo lang Leigh ayoko rin, ayokong umalis pero kailangan.

Sa huling sandali muli kong inilibot ang paningin ko sa bawat sulok ng apartment mahigit isang taon din akong nanahan dito. Saksi ang bawat sulok na to sa lahat ng nararamdaman ko.

"Itext moko kapag nasa inyo ka na wag mong kakalimutan na may dyosa ka pang bestfriend na iniwan dito" ngumiti ako kay Leigh. Hindi man kapani-paniwala pero nagawa ko ayokong maging malungkot sa pag alis ko at baka mahawa pa sya.

For the last time niyakap ako ni Leigh paano ko ba iiwan ang babaeng 'to?

"Alam kong masakit padin hindi mo kailangan ipakita sakin yang ngiti mo kahit alam naman nating dalawa na pilit lang yan. Pwede kang umiyak pero isang beses lang trust me makakamove-on karin pero kung gusto mo magrevenge sabihan mo lang ako ah ipapasunog ko talaga yung bahay ng Melvin na yan." Nagtawanan kami pareho sa sinabi nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still Into YouWhere stories live. Discover now