PRELUDE

47 4 1
                                    

Still into you

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagbuhos ng isang malakas na ulan. Mukhang nakikisama yata ang panahon sa nararamdaman ko ngayon.

Wala na akong pakealam kung nababasa man ako, hindi 'to oras para maginarte ako.

Sinimulan kong baybayin ang kalye na yun, wala ng masasakyan dahil sa sobrang lakas ng ulan, hindi na ako nagabalang sumilong pa.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang alalahanin lahat ng katangahan ko. I cried for the second time around.

Bakit? Bakit kailangang ganito? I almost give everything hindi ako nagkulang. Pero ba't ako nasasaktan ng ganito, sinigurado ko naman na maging perpekto ang lahat why could this happen to me?.

Bakit kahit anong gawin ko hindi nya nakikita ang halaga ko? Hindi pa ba sapat lahat ng effort na ako lagi ang gumagawa?.

Sa sobrang daming katanungan na pumasok sa utak ko isa lang ang sigurado ako pagod na ako.

Ako ang nang-iwan hanggang sa huli kapakanan nya parin ang inisip ko, gusto ko syang matuto, matutong magpahalaga ng isang bagay, tao. Gusto kong marealize nya na nakakasakit na yung ugali nya, gusto kong mangyari yun kaya iniwan ko sya. Baka kasi sa pagkawala ko marealize nya yung worth ko.

I still love him but, im done trying.

"Chai"

Agad kong minulat ang mga mata ko. Boses pa lang nya kilala ko na,

"Chai, buksan mo nga 'to!"

Wala na akong nagawa kundi ang sundin sya. Bumungad sakin ang inis na mukha ng bestfriend ko si Leigh, napatungo ako ayokong makita nya yung nangyayari sakin, ayokong kaawaan nya ako.

"What happened to you?! Anong ginagawa mo sa buhay mo!"

Umalingawngaw sa buong apartment ko ang malakas na sigaw ni Leigh galit sya, pero bakit? Para saan?.

Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko na mahigit isang linggo narin yatang walang tigil na parang may sarili silang buhay na kusa na lang tutulo. Oo, Isang linggo na akong miserable at walang ibang ginawa kundi magmukmok dito sa apartment ko.

"Alam mo Chai, nakakainis ka na! Sisirain mo ba talaga yung buhay para lang sa punyetang lalaki na yan?!"

Nanatili akong nakatungo habang patuloy na humihikbi, isang linggo na akong hindi pumapasok para saan pa kung sa bawat nakikita ko sya agad ang naalala ko.

Magsasalita na sana ako pero isang mahigpit na yakap ang iginawad sakin Leigh, kaya mas lalong lumakas ang kanina'y hikbi lang.

"L-leigh, Saan ba ako nagkulang? Bakit ganun sya? Lagi ko naman syang iniintindi diba...akala ko magbabago sya pero bakit?"
Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Sobrang sakit pa rin.

"Sabi ko naman kasi sayo diba, matuto ka kasing magalit sa kanya hindi yung lagi mong kinokonsinte tsaka ano ba?! He's nothing maniwala ka sakin may mas better pang darating kesa sa kanya"

Better? Bullshit! Ayoko ng magmahal pa i want him, gusto ko sya lang. I'm willing to wait alam ko hindi pa talaga namin time to but i swear we will meet again para itama na ang lahat.

"You look pale, kumakain ka pa ba?" Napatalima ako sa pag uusisa sakin ni Leigh.

Isang linggo na akong walang matinong kain at wala rin sa tama ang tulog ko.

Nagulat ako sa paghalungkat ni Leigh sa ref ko. Hindi na ako nagtanong pa kung ano ang gagawin nya dahil sa paglabas nya pa lang sa mga rekado alam ko na.

Still Into YouWhere stories live. Discover now