Chapter One

29 0 0
                                    

"A-aww" Ungol ng Dalagang ngayon ay kakagising lang galing sa Coma.

"M-mika? Anak? Omygosh! Mikaella!" Masayang wika ng kanyang ina ng makita nyang gising na ang kanyang anak.

"Ma?" Tawag nya nang makita nya ang kanyang ina.

"Mikaella, Oh gosh You're awake, My Princess is Awake" Naiiyak nyang saad tsaka sya tumakbo sa Kama ng kanyang anak.

"Rafael! Gabriel! Si Mikaella! Mikaella's awake" Tawag ng kanyang ina sa kanyang ama at sa kanyang nakakatandang kapatid.

Agad namang nagbukas ang pintuan at iniluwa nito ang dalawang lalaking gulo gulo ang mga buhok kasama narin ang ang kanilang mga suit na halatang kagagaling lang sa iyak.

"Princess/Lil Sis!" Sabay na tawag nito at sinalubong ng yakap ang dalaga.

Maya-maya lang ay may nagbukas na ulit ng pinto at iniluwa nito si Black ang kanyang nobyo.

Gulat ang rumehistro sa mukha ng binata matapos nyang makita na gising na ang kanyang mahal.

"M-mikaella? B-babe?" Hindi makapaniwalang nasabi nya at agad naman syang napatakip sa kanyang bibig kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"Oh god! Shit! Babe!" Masaya nyang pahayag ng mapagtantong gising na ang kanyang minamahal tsaka sya tumakbo sa kanyang nobya at sinalubong ito ng yakap habang humihikbi.

Samantalang..

Gulat at Kuryosidad naman ang rumehistro sa mukha ng dalaga na kinagulat ng kanyang mga magulang at ng kanyang nakakatandang kapatid.

"S-sino ka?"

Dahil sa dalawang salita na yan ay gulat na napabitaw sa yakap ang binata.

"Hindi kita kilala"

At ng dahil dun ay tuluyan ng nasira ang mundo ng binata.

"B-babe" Pigil na hikbi ng binata

"S-sorry, Hindi kita kilala baka namali ka lang ng napasok na kwarto. Hindi kita kilala"

Sakto namang pumasok ang doktor at tinignan ang kalagay ng dalaga.

"Like what i said nung dinala nyo sya dito ay there is a big possibility na maapektuhan yung brain nya na pwedeng maging dahilan para makalimot sya and i think..."

"So you mean, May amnesia ang anak ko?"

"Yes, I'm sorry." Nakayukong pahayag ng doktor.

Sapat na ang narinig ng binata para lumabas sya ng Kwarto at napaupo sa upuan doon at Umiyak.

"I Hate My Life!!"

Agad namang pumasok ulit ang binata at lumapit sa dalaga.

"Tell me! Ganito na ba kalaki ang galit mo sakin at nagawa mo toh?" Nagmamakaawang tanong ng Binata sabay yakap sa dalaga.

"W-what? S-sino ka ba? Sorry mister pero di kita kilala" Medyo naiinis nang sagot ng dalaga sabay tanggal ng yakap sakanya.

"No no, Kilala mo ko diba? I'm your boyfriend right? Right Babe?" Desperadong pahayag ng binata

"S-sorry"

Napailing naman ang binata habang umiiyak.

"No no no" Hindi makapaniwalang sagot ng binata.

"I Love You alright?" Paalala nya bago sya lumabas ng silid ng dalaga.

"S-sorry, Hindi kita kilala baka namali ka lang ng napasok na kwarto. Hindi kita kilala."

ForgottenWhere stories live. Discover now