Tahimik na nagbabasa si Jenny ng makarinig siya ng ingay ng isang lalaki sa kanyang likuran. Noong una'y hindi niya ito pinapansin pero ng dahil sa paulit-ulit na ingay nito ay hindi na niya napigilan ang sarili alamin ang dahilan ng pag-iingay nito. 

Halos maningkit ang mga mata ni Jenny sa inis ng makitang si Leo ang lalaking nakaupo sa likuran ng bench. Pinaaalis nito ang iika-ikang asong nakatangod sa kanyang harapan. Akmang ibabato nito sa aso ang hawak nitong maliit na bato kung hindi lang nakuha ng malakas niyang tili ang atensiyon nito 

"Look who's here?" Ani Leo ng makita siya. 

"Ano ka ba naman? Nakita mo na ngang pilay yung aso, babatuhin mo pa. Hindi ka na naawa." Ani Jenny sa lalaking kausap. 

"Good day to you also." Ani Leo na iniba ang usapan. 

Irap ang isinagot ni Jenny sa bati ng lalaki at pagkatapos ay ibinaling nito ang atensiyon sa aso. Inihatag niya sa lapag malapit sa kanyang harapan ang dalang chichirya na agad namang nilapitan ng aso at sinimulang kainin. Ilang segundo lang ay ubos na ito. 

"Tingnan mo? Nagugutom siya. Sa halip na batuhin, binigyan mo na lang sana ng pagkain." 

"Ang kulit kasi, kanina ko pa pinapaalis pero ayaw umalis." 

"Siyempre nagugutom nga, nakakita siya sa'yo ng pagkain kaya hindi ka niya lulubayan." Ani Jenny, at muling hinagisan nito ng pagkain ang kawawang aso. 

"Masyado ka namang mataray." Nakangiting sabi ni Leo. 

Tiningnan lamang ni Jenny si Leo sabay irap. 

"Mag-isa ka lang rin?" natawang sabi ni Leo. 

"Mukha bang may kasama ako? At ano namang pakialam mo?" Mataray niyang sagot. 

"Miss huwag ka sanang masungit, pumapangit ka. Nagtatanong lang naman ako at wala akong balak makipag-away." 

Hindi pinansin ni Jenny ang sinabing 'yon ni Leo. Luminga-linga siya upang maghanap ng malilipatang upuan, ngunit ng makitang wala ay itinaas na lang niya ang librong binabasa kapantay ng kanyang mukha. 

"Love Story by Erich Segal" basa ni Leo sa pamagat ng librong binabasa ni Jenny. "Masyado naman yatang mushy ang binabasa mo." 

"May problema ka?" pagtataray muli ni Jenny. 

"Wala. Maganda ba yung kuwento?" 

"Can't you see I'm still reading it? At kung interesado kang malaman ang kuwento, bukas pumunta ka ng bookstore."

"Wala, suko na ako sa'yo, masyado kang mataray. Hindi ko alam kung bakit, pero ang alam ko, wala akong ginagawa sa'yong masama." 

"Gano'n lang talaga ako sa mga taong hindi ko gusto." 

"Ibig pa lang sabihin, hindi mo ako gusto? Sayang naman dahil gusto kita." 

"Huh! Pwede ba?!" sabay ngiting pang-asar na sabi ni Jenny. 

"Seriously, I like you. And if you will take time to know me, for sure you will like me too dahil hindi lang ako guwapo, romantic rin ako." Nangingiting sabi ni Leo. 

Tila may kung anong naramdaman si Jenny sa sinabi na 'yon ni Leo. Paano kung hindi ito nagbibiro ng sabihing gusto siya nito. "Leo. Wala akong balak na kilalanin ka. And I'm not going to like you because I hate you!" sagot niya na kunwari'y di apektado sa mga narinig. 

"Jen, naniniwala ka ba sa kasabihang, 'the more you hate, the more you love', hindi kaya ganoon ka sa 'kin." 

Halos pandilatan ng mata si Jenny sa narinig. "Hindi ako naniniwala sa kasabihang 'yon, dahil una sa lahat buwisit ako sa'yo dahil napaka-arogante mo, at pangalawa hindi ikaw ang tipo ng lalaking gusto ko. Kasing gaspang ng mukha mo ang ugali mo. And please, stop calling me Jen, hindi tayo close!" Nanggagalaiting sabi ni Jenny na nagdesisyon ng tumayo upang iwanan ang kausap. 

"Wait, di pa tayo tapos mag-usap, Jen!" Natatawang tawag ni Leo kay Jenny na  nagsimula ng maglakad palayo sa kanya. "Jen!"

"Wala tayong pag-uusapan." Sagot ni Jenny na dire--diretsong naglakad palayo.

"Pag--usapan natin yang book na binabasa mo. I am warning you iiyak ka lang sa ending niyan." Sigaw ni Leo.

Napahinto si Jenny ng marinig ang sinabing 'yon ni Leo kaya naman nilingon niya ang lalaki. "Wait, how did you know? Hindi mo naman nabasa ito." Sarkastiko niyang tanong.

"Yeah. Hindi ko nga nabasa 'yan. But I saw the movie." Ani Leo at nilapitan nito si Jenny sabay hablot sa librong hawak nito. "Yeah, I'm correct, it's by Erich Segal. Ito nga yung napanood ko. It's actually my mom's favorite movie. And it's a very nice movie, I recommend it, yun nga lang ang ending ng movie namatay yung heroin dahil sa cancer. I believe, middle part pa lang ng story malalaman mo ng may sakit yung girl, ganoon kasi yung sa movie eh"

Nanlaki ang mata ni Jenny matapos marinig ang sinabing 'yon ni Leo. Hindi siya makapaniwalang i-spoil nito sa kanya ang kwento ng libro. "Did I asked you to tell me the ending of the story??" Nanggagalaiti niyang tanong.

"No." Natatawang sagot ni Leo.

Nang makita ni Jenny ang reaksiyong iyon ni Jenny ay muli niyang tinalikuran ang lalaki at agad siyang lumakad palayo.

"Jen!"

"Haaay! Leave me alone!!" Sigaw ni Jenny na dire-diretso ng lumakad palayo at iniwan si Leo na natatawang pinagmamasan siya.

Hindi nga nagsisinungaling si Leo tungkol sa pag-spoil nito sa kuwento ng binabasang pocket book. Bagama't inanticipate na niya ang ending base sa sinabi ni Leo, hindi pa rin niya napigilan ang maluha ng matapos niyang basahin ito. Gayunpaman, tragic man ang ending ay hindi siya nagsising binasa ito. Ganoon lang talaga siguro siya, mahilig sa romantikong babasahin. Hindi lang iyon, nagkaroon rin siya ng interes na panoorin ang pelikula nito. Tila naimpluwensiyahan siya ni Leo tungkol dito.








My Romantic Textmate (Message Sent)Where stories live. Discover now