KABANATA 1

5.9K 70 12
                                    

Kabanata 1

Liza’s POV

            Madilim ang paligid na aking nilalakaran. Masukal na kagubatan ang aking dinadaan ngayon. Dati-rati may ilaw pang papatay-patay ang siyang nag-bibigay ng kahit kaunti liwanag sa mga taong napapadpad dito. Pero ngayon ay hindi na magawan ng Gobyerno na lagyan man lang nang kahit isang ilaw para makatulong sa mga taong dumadaan dito, nang mga ganitong dis oras ng gabi.

Kagagaling ko lang kasi sa isang kasiyahan, sa birthday party ng aking bestfriend na si Amanda. Na siyang nagdiwang nang kanyang ika-labing-anim na kaarawan.

+++

“Kaya mo na ang sarili mo ah?, pasensya ka na. marami pa akong bisita. Hindi na kita maihahatid” malungkot na mukhang sabi nito, habang nasa labas na kaming dalawa ng kanilang bahay.

Niyaya kasi niya akong na dito, na lang matulog sa kanilang bahay, nguti hindi ako pumayag. Dahil sa inaantay, at aantayin ako ng aking ina sa aming bahay.

Kaya kahit na medyo may tampo kaunti si Amanda sa akin, ay nagkibit balikat nalang ako. Dahil mas kelangan ako nang mama ko.

Sa kadilim nang daan sa Brgy. Matalim. May ilang Eleksyon na ba ang dumaan, pero hindi parin nila, nagagawan ng paraan na mabigyan ng ilaw ang kalsada?, lalong lalo na ang Jones Bridge. Buti nalang talaga, ay isa akong Girls Scout, sa aming paaralan. At lagi akong handa, kaya may dala ako ngayon isang Flash Light, para kahit papaano ay may magamit ako laban sa dilim na biyaya ng langit.

Tiwala lang Liza, yan ang sabi ko sarili ko habang patuloy ako sa paglalakad sa kahabaan ng Jones Bridge. Ilang metro nalang kasi ay ang Barrio na namin, at ilang lakad nalang ay matatanaw mo na ang ilaw ng aming bahay, na siyang alam ko na nag-aantay na ang aking ina.

Nasa kalagitnaan na ako ng Tulay ng biglang lumakas ang ihip ng hangin. Halos isabay ako nito, dahil sa sobrang laki nito. Pero, kumapit ako sa may isang grills, ng tulay para hindi madala. At saka naman huminto ito. Para bang isang ipo-ipo ang dumaan sa aking harapan ng minutong iyon. Nakakatakot, ang kwento nila. Kapag nadala ka raw ng ipo-ipo, ay dadalhin ka nito sa kadilim-diliman ng kung saan lugar. At hindi ka na raw makakabalik. Yan ang bulong-bulungan ng mga batang nagtatakutan dito sa aming baranggay. Mga batang walang ginawa kundi, ang magtakutan. Hindi nalang mag-si aral.

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad, hanggang sa…may naramdaman akong tubig na siyang, dumapo sa aking, bunbunan. Napatingala ako sa langit. Nakikita ko ang laki ng buwan, tapos bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan.

Bwisit! Bakit ngayon pa bumuhos ang ulan, sigaw ko habang nag-hahanap ako ng masisilungang puno. Nakatawid na kasi ako sa may tulay, ay yun nga may nakita akong isang malaking puno ng Narra. At pansamantala, dito ako nagtago, para hindi gaanogn mabasa, pero hindi pupwedeng dito ako, abutin ng gabi dito. Kelangan kong makahanap ng paraan para makaalis dito.

Hanggang sa may ilaw akong nakita sa kung saan. At narinig na tunog ng isang tricycle. Thank you lord. Sobrang bait niyo talaga, hindi pa man ako nagdarasal at humihingi sa inyo ng tulong eh, kaagad niyo akong binigyan ng biyaya.

Lumabas ako sa tinataguan kong puno ng narra at tumalon-talon upang Makita ako ng Tricycle Driver kung sino man siya ay hulog siya ng langit para sa akin.

Huminto ang Tricycle sa aking harapan. Basang-basa na ang katawan ko ng oras na iyon dahil sa lakas ng ulan. Lumabas ang Driver, pero laking gulat ko noong Makita ko ang mukha ni Ronald. Na siyang nagmamaneho ng Tricycle na nakita ko kaninang umiilaw.

“Aba, tignan niyo nga naman oh. Kung sino ang nasa ating harapan” sabi pa ni Ronald, sabay ngisi. Saka naman ako napatingin sa laman ng mga tao sa loob ng Tricycle.

The Black Rose [Revised Edition]Where stories live. Discover now