Boarder of thy Heart

Start from the beginning
                                    

"Well then, pwede ka nang maglipat ng mga gamit mo kung kelan mo gusto. Ipapahanda ko ang kwarto bukas na bukas din para maari ka nang lumipat anytime."


Nagpaaalam na kami ni Karen sa mag lola matapos kong makapag down ng one month advance at one month deposit. Para sa akin, sulit na ang two thousand na upa. Bukod kasi sa kwarto ay may maliit na sala at sariling banyo na rin ang kwartong uupahan ko.


At bonus pa na magkakaroon ako ng neighbour na ubod ng gwapo-si Miguel. Ang apo ng landlady ko.


Weeks past. Nakalipat na ako at nagsimula na ang OJT days ko. Mondays till Fridays ang duty ko sa isang BPO company. Pagdating ko sa room na inuupahan ko, usually ay magbabasa lang ako at pagkatapos ay matutulog na. At kapag Sabado naman at Linggo, nasa bahay lang ako. Naglalaba o di kaya ay bumabawi ng tulog.


That was my routine. Until one Sunday morning, maaga akong nagising. Weird dahil kadalasan ay tanghali naman na ako nagigising kapag araw ng Linggo. Pero parang may enerhiyang humihila sa akin para tumayo. Hindi na ako nakipagtalo pa sa katawan ko. Binuksan ko ang front door-para lang ma-shock sa makikita ko.


Ang hubad-baro na si Miguel ang agad na tumambad sa mga mata ko. Muscled chest, big biceps, wide shoulders, tiny hairs in his belly that makes its trail downwards. Napakagwapo nito! Para akong pananggagapusan ng hininga. Sinikap kong kalmahin ang pagwawala ng puso ko.


Habang nagkakape ay pinagmamasdan ko naman si Miguel na tila walang pakialam kahit nababasa na ang boxer shorts nito at nakaumbok na ang malaki nitong kargada habang hinuhugasan nito ang motorbike nito.


Nang mapatingin siya sa akin ay agad na inalok ko siya. "Coffee?"


Ubod ng tamis ang ngiting isinagot ni Miguel sa akin. "Thanks, but no thanks. Nagkape na ako kanina."


Daig ko pa ang nanalo ng lotto ng mga sandaling iyon. He just smiled at me!


Nang umakyat ito saglit sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang kwarto nito ay dali-dali akong lumapit sa grills ng bintana at inabot ang damit na nakasampay doon. Sigurado akong kay Miguel ang damit na iyon. Agad na sinamyo ko ang damit nito. It smelled like heaven.


At bago pa man makababang muli si Miguel ay bumalik na ako sa pwesto ko. After thirty minutes, natapos ito sa paglilinis ng motor nito. That time ay talagang pawisan na ito. Nangingintab na ang katawan nito dahil sa pawis. Ganoon na lang ang kagustuhan kong punasan ang dibdib niya... pero nagpigil ako.


Kaya ganoon na lang ang tuwa ko nang lumapit siya sa akin at nanghingi ng tubig. "Emma, baka pwedeng makainom?"


"Of course!" pinapasok ko siya sa maliit na sala at ikinuha ko siya ng malamig na tubig mula sa ref.


"Taga UMak ka di ba?" maya-maya'y tanong ni Miguel sa akin.


Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Where stories live. Discover now