Let Me Be The One - 11

10K 187 21
                                    


HINDI na nag-aksaya pa ng panahon si Bea. Pagkatapos nilang maghiwalay ng ex-boyfriend niyang si Cj ay pumunta agad siya s bahay nina Lloyd. Katulong lang ang naabutan niya doon.

"Si Lloyd po?"


"Nasa kwarto niya at nagkukulong," imporma nang katulong sa kanya.


"Pupuntahan ko siya, ha?"


Tumango naman ang katulong. Dalawang beses na rin siyang nakapunta doon kaya alam na niya kung nasaan ang silid ni Lloyd. Pagpihit niya nang seradura ay sinalubong siya nang dilim ng kwarto ni Lloyd.


"Close that fucking door!" sigaw ng binata na hindi lumilingon sa direksiyon niya.

Nakatalikod kasi ito kaya hindi nito alam na siya ang nagbukas ng pinto. "I said close that fucking-"


"Lloyd..." pagtawag niya dito.
Nakita niya nang mag-igtingan ang mga muscles ng binata sa balikat pagkarinig sa boses niya. Pero saglit lang iyon.


"What are you doing here?" malamig na tanong ng binata sa kanya nang hindi man lang siya nililingon.


"Can we talk?"


"I'm not in the mood to talk. Lumabas ka na."


"Kapag hinayaan mo akong makalabas sa kwartong ito, hinding-hindi mo na maririnig kahit kailan ang sasabihin ko. Hinding-hindi na."


Buhat sa sinabi niya ay nagdadabog na tumayo si Lloyd at lumapit sa kanya.

Napasinghap pa siya nang makitang kapirasong boxer shorts lang ang suot nito.


'Okay, now talk," pagmamando nito sa kanya.


"Ayusin mo muna 'yang tono mo."


Doon lumambot ang ekspresyon ng mukha ng binata. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at matamang pinagmasdan ang mukha niya na para bang kinakabisado nito ang bawat detalye niyon. Nang unti-unting bumaba ang labi nito sa labi niya ay agad na hinarang niya ang hintuturo niya sa labi nito.


"Hindi ako pumunta dito para magpahalik sa iyo. I came here dahil may sasabihin ako."


"Ano nga iyon?" parang naiinip na ito habang nakapulupot ang mga bisig sa malalantik niyang bewang.


"Nag-break na kami ni Cj kaya single na ulit ako. I think I'm also inlove with you that's why I'm giving you a chance to prove me that you really love me."


"I'm glad to hear that. Now, can I kiss you?"


"No. Kailangang ligawan mo muna ako."


He groaned in protest. "One week?"


"Masyado kang sinuswerte. May three-month rule tayong dapat sundin," aniyang pilit na lumalayo dito dahil pilit naman nitong inilalapit ang mukha sa kanya.


"But we're not Bea and John Lloyd of One More Chance," protesta pa rin nito.


"Yes we are. Come to think of it. You're Lloyd Emanuel Ortega and I'm Bea Trinidad."


"And what would be our theme song?"


"It's up to you. You're the singer here, remember?"

"Okay." And then he started singing some lyrics from Let Me Be The One while looking at her intently. Minutes later, their hearts were already filled with melody that only the two of them could comprehend.


-----WAKAS-----


(PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE YOUR COMMENT GUYS. DID YOU LIKE THE STORY?)

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Where stories live. Discover now