Let Me Be The One - 01

17.6K 134 4
                                    


It was one Friday afternoon. Abala ang mga estudyante ng Leyte Normal University dahil sa gaganaping acquaintance party mamayang gabi. Lahat ay masaya at excited para sa napipintong pagtitipon. Karamihan nga ng mga babaeng estudyante ay nagkanya-kanyang tambay na sa iba't-ibang salon para doon na magpa-ayos kesehodang mabawasan ang savings ng mga ito.


Pero kakaiba si Lloyd Emmanuel Ortega sa lahat. Sa halip na saya at excitement ang maramdaman niya, mas nananaig sa kanya ang kaba. Nararamdaman pa nga niya ang pagbilis ng pintig ng puso niya sa tuwing naiisip niya ang gagawing pagtatapat kay Bea mamaya.


Matagal na niyang crush si Bea Trinidad. Bagama't magkaiba sila ng kurso-kung saan HRM ang kinukuha niya at Social Work naman ang sa dalaga-hindi naging hadlang iyon upang mahulog ang loob niya kay Bea. For him, she was perfect.


Beauty and brain itong maituturing sa school nila. Aware siya na maraming lalaking estudyante sa LNU ang naghahangad na mapansin nito. Pero masyadong seryoso ang dalaga sa pag-aaral. Patunay ang pagiging consistent dean's lister nito. Aktibo rin ito sa mga activities ng University at kamakailan lang ay nahalal itong Vice-Chairman ng Student Council.


Nitong sem lang na ito ay nagkaroon siya ng pagkakataon na mas makilala pa ito nang maging kaklase niya ito sa isang subject. Actually, he purposively quitted attending his Algebra class para magkaroon siya ng rason na i-retake ang naturang subject. Alam niyang ang mga bagsak sa subject na Algebra ay sa Social Work department pinupulot dahil kakaunti ang mga estudyante sa departamentong iyon.


Excited siya laging pumasok tuwing Tuesday at Thursday dahil kaklase nga niya ito. Bonus pa na siya ang napili nitong maging seatmate kaya hindi na siya nahirapang mag-isip ng diskarte kung paano ito lalapitan. And by that, naging mas malapit nga sila sa isa't-isa. They became good friends. Natuklasan niya na hindi naman pala panay pag-aaral lang ang nasa isip nito. Mahilig din itong mag sight-seeing at tumambay sa mall para lang mag-observe sa behaviour ng ibang tao. Pakiramdam niya ay ang swerte niya dahil sa dami ng lalaking gustong mapansin nito ay siya ang napili nitong papasukin sa tila pribado nitong buhay.


Mula sa pagkakahilata sa malambot niyang kama ay bumangon na siya at nagtuloy sa banyo para maligo.


Pagkatapos maligo ay naghanda na siyang gumayak. Napangiti pa siya nang makita ang repleksiyon niya sa salamin. He looked so much in love. Abot hanggang tainga ang pagkakangiti niya. Bitbit ang isang pumpon ng puting rosas ay lumabas na siya ng bahay nila at saka nag-abang ng jeep na magdaraan.


Hindi nagtagal ay nasa bulwagan na siya ng school nila kung saan kasalukuyang ginaganap ang acquaintance party.


Marami nang tao nang dumating siya. Sa halip na hanapin ang mga kaklase niya ay sa ibang direksiyon siya pumunta-sa umpok ng mga Social Work students.


"Hi. Nakita mo ba si Bea?" tanong niya sa isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay Jenina ang pangalan.


Nginitian siya ng babae bago nito sinagot ang tanong niya. "Actually, nandito na siya kanina pa. Pero lumabas muna siya saglit at ang sabi ay pupunta daw siya doon sa may botanical garden. Baka magpapahangin lang saglit. Medyo nakainom na rin kasi ang isang iyon.


Puntahan mo na lang kaya?"


"Ah, ganoon ba? Sige, salamat. Pupuntahan ko na lang siya."


Naroroon na naman ang pagkabog ng dibdib niya. Pero ngayon pa ba siya panghihinaan ng loob? Kung hindi siya magtatapat sa dalaga ngayong gabi, kailan pa? Kapag naunahan na siya ng ibang lalaki?


Bahagyang liwanag lang ang tumatanglaw sa parteng iyon ng botanical garden subalit sapat na iyon para makita niya si Bea. Nakatalikod ito sa kanya. At sa base sa marahang paggalaw ng ulo nito ay nahinuha niyang hindi ito nag-iisa. Was she kissing some other guy? Biglang nanlamig ang mga palad niya na halos mabitawan na niya ang hawak niyang mga rosas na sumisimbolo sa pagmamahal niya sa dalaga.


"B-bea?"


Parang taon ang binilang niya para lang masilayan kung si Bea nga ang babaeng iyon na tila nakikipaghalikan sa kung sino mang lalaki. And damn! How it hurt him so much when that silhouette confirmed that was indeed her.


"Lloyd? Hi..." Hi. What a word! Napansin niya ang bahagyang pamumungay ng mga mata nito. Tanda na nakainom na nga ito-pero hindi iyong tipong lango na sa alak. Kailan pa ito natutong uminom?


"I-I thought you were alone. May kasama ka pala..." Parang may patalim na itinarak sa dibdib niya nang makita niyang hinawakan ni Cj ang kamay ni Bea. Kilala niya si Christian Salazar-who's also known as Cj-dahil HRM student din ito. Magkaiba nga lang sila ng section.


Bahagya siyang napaatras nang lumapit sa kanya sina Bea at Cj. Maybe it was his way of protecting his heart. He doesn't want them to come near to him so they couldn't see the pain that's written all over his face.


"Lloyd, alam kong kilala mo na si Cj since same department lang naman kayo. I want you to know that he is now my boyfriend."


And just like that, walang preamble o babalang winasak ni Bea ang puso niya. Si Bea na siyang pinakaunang babae na inalayan niya nang mga tula niya na nakasulat sa notebook niya. Si Bea na inspirasyon niya sa tuwing kakataha siya nang sarili niyang kanta. Ang lungkot palang isipin na ang nag-iisang babae na binabalak mong mahalin habang buhay ay pagmamay-ari na nang iba. At ang masaklap pa, ni hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na masabi dito ang nararamdaman niya.


Pero kahit gaano siya ka-bitter ng mga sandalaling iyon, hindi niya magawang magdamdam-lalo at wala naman siyang karapatan. "Wow. I'm happy for you. I'm happy for both of you," iyon lang ang nasabi niya.


"Thank you," anang dalaga na yumakap pa sa bewang ng bago nitong boyfriend. "Ba't mo nga pala ako hinahanap?"


"Wala. Sige, babalik na ako sa loob."

Akmang tatalikod na siya nang pigilan siya ni Cj.


"Pare, para kanino naman iyang bulaklak na hawak mo?"


Wala sa loob na napatingin siya kay Bea. Ito naman talaga sana ang pagbibigyan niya nang bulaklak. Pero may saysay pa ba kung sasabihin niya ang bagay na iyon?
Kunwa'y nagkamot siya sa batok niya although alam niyang hindi siya mukhang cute nang mga panahong iyon. "Para dun sa nililigawan ko. Sige, mauna na ako sa inyo at baka maunahan pa ako ng iba."


Iyon lang at umalis na siya sa lugar na iyon bitbit pa rin ang mga rosas kung saan pakiramdam niya ay napunta sa dibdib niya ang mga tinik ng naturang mga bulaklak dahil sa sakit na nararamdaman niyon.


Hindi na siya bumalik pa sa loob ng gymnasium para makisaya sa pagtitipon. He was not in the mood to socialize. Sa isang bar siya humantong at doon ay nagpakalunod siya sa alak...

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Where stories live. Discover now